LYANN MORCEIL
- start -"Opo, Ma, malapit na po ako."
"Okay sige, mag-iingat ka sa daan madilim na. Hinihintay ka na din ng kapatid mo dito, kanina ka pa hinahanap."
"Pakisabi po na may pasalubong ako sa kaniya. Maya-maya po ng konti nandiyan na po talaga ako."
"Oo, sige. Magluluto na muna ako, anak."
"Bye po." Sabi ko saka pinatay ang tawag.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at akmang tatawid sa pedestrian lane nang biglang mag-green light yung stop light. Napasimangot ako dahil hindi pa ako umabot.
Napalingon ako sa gilid ko nang makarinig ng pagbagsak. Plastic bag yun galing sa kamay ng isang lola. Agad akong lumapit sa kaniya saka binuhat yung plastic bag.
"Tulungan ko na po kayo." Bahagya akong ngumiti sa kaniya.
Ang pagod niyang mukha ay sandaling nagliwanag. Kulubot na kulubot na ang balat niya at hindi na din siya tuwid kung tumayo. Hindi ko maintindihan kung bakit nagbubuhat siya ng ganto kabigat sa edad niya. Kahit ako nabibigatan, paano pa kaya siyang limang plastic bag ang dala-dala.
"Salamat, hija. Pero kaya mo ba? Medyo malayo-layo ang bahay ko dito baka mahirapan ka."
Patay ako kay Mama nito. Sabi ko malapit na ako eh.
"Siyempre po, lola. Pwede naman po tayong mag-usap habang naglalakad para hindi ko ramdam ang bigat hehe."
At katulad nga ng ini-expect ko, wala pang limang minuto ay halos gumapang na ako sa bigat ng dala ko. Ponyeta, bakit ba kasi ako tumigil sa page-exercise.
Ang nangyari ay pahinto-hinto kami sa paglalakad para ipahinga nag kamay at mga daliri ko. Sinabi niya pang siya na nag magbubuhat pero tumanggi ako.
Nag-usap kaming dalawa tungkol sa kung anu-anong bagay hanggang sa hindi ko namalayang nalampasan na namin ang isang maliit na gubat at nandito na kami ngayon sa tapat ng isang malaking mansyon.
Napatingala ako sa taas at napanganga sa ganda. Namumukod-tangi ang disenyo ng mansyon na ito na nakikita ko sa village malapit sa lugar namin, mas malaki ito at mukhang mas sosyal. Pero ang misteryoso din tignan sa tanging kulay itim at puti nitong pintura.
Nang makabawi ako, nilingon ko si Lola na pinupulot ang nalaglag na mga plastic bag sa kamay ko na nabitawan ko nang matulala ako. Mabilis akong napakamot ng ulo saka bakmang babawiin sa kaniya ang mga plastic nang hawiin niya ang kamay ko.
"Ako na, hija. Dito na ako nakatira, kaya ko na ito."
"D-Dito po kayo nakatira?" Sabi ko saka tinuro ang malaking mansyon.
May malaking gate sa harapan namin ngayon pero sa laki ng mansyon ay nasisilip ko pa din ito mula dito.
"Hindi sa akin mismo ang bahay dahil isa lang akong katulong dito." Aniya saka ngumiti sa akin. "Maraming salamat sa pag-tulong sa akin, Lyann. Mag-iingat ka sayong pag-uwi."
"Ah, opo. Walang ano man." Sandali pa akong nagmano sa kaniya bago tuluyang tumalikod at maglakad paalis.
Napanguso ako nang lumingon ako dahil hindi ko na siya nakita pa doon. Masaya siyang kausap kaya gusto ko pa sana siyang ihatid sa loob para na din makita ko ng buo ang mansyon pero baka magalit sa kaniya ang amo niya dahil nagpapasok siya ng kung sino at lagot na din ako kay Mama. Anong oras na, naku po.
Binilisan ko ang lakad nang makapasok ako sa maliit na gubat na nagtatago ng mansyon. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw non kaya nakakatakot ng bahagya.
"Ay!"
Mabilis akong napauko at yumuko nang makarinig ng isang malakas na ingay mula sa loob ng kagubatan. Hindi ako tanga para di malamang putok yun ng isang baril at kasunod non ay sigaw ng isang tao.
Ano yun, bakit may putok ng baril? Wag niyong sabihing may pinatay ngayon-ngayon lang? May killer ba dito? Ngayon? Hindi kaya ako ang sunod niyang patayin? Juskoporsanto, hintayin niyo munang mahatid ko yung pasalubong ko sa kapatid ko.
Mariin akong napapikit at napakagat ng labi. Maya-maya naging tahimik na ang paligid at akala ko ay maayos na ang lahat hanggang sa bigla nalang akong umangat sa lupa. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa likod ng malaking puno habang hinahabol ang hininga dahil sakal-sakal ako ng isang lalaking ang sama-sama ng tingin sa akin.
Agad na nagtubig ang mga mata ko sa takot. Takot dahil kita ko may hawak siyang baril sa isa niyang kamay at takot dahil sa klase ng tinging ginagawad niya sa akin.
"Who are you?" Napalunok ako sa lalim ng boses niya. Kahit madilim ay nagpapasalamat ako sa liwanag ng buwan at nakikita ko pa siya. Kalmado ang mukha niya pero iba ang sinasabi ng awra niya.
"Please, w-wag mo a-akong patayin." Hindi na ako makapagsalita ng diretso dahil nauubusan na ako ng hangin sa higpit ng sakal niya. Nakaangat na din sa lupa ang mga paa ko.
"You witnessed the crime that I just did, there's no reason for me not to kill you. Tell me who you are."
Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko at parang ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya para alisin ang pagkakasakal non sakin pero di hamak na mas malakas siya.
"H-Hindi ako mag-susumbong. P-Pangako."
"And how can I assure that?"
"P-Pangako ko s-sayo. Please, h-hindi na a-ako m-ma-makahinga."
Kung mamamatay man ako ngayon, sana man lang ay mabigyan ako ng taong to ng maayos na burol.
Mabilis akong lumanghap ng hangin nang bitawan niya ako at hinayaan akong bumagsak sa lupa. Sapu-sapo ko ang leeg ko habang naghahabol ng hininga. Hindi ko mapigilang mapaubo.
"Whoever you are, don't even try to go to police because if ever, start to dig your own grave."
Napatingala ako sa kaniya nang sabihin niya yun at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatutok mismo sa mukha ko ang baril na hawak-hawak niya. Nangilabot ang buong katawan ko at may sariling utak yata ang ulo ko na tumango.
"I don't want to see you again. Get the fuck out of my sight." Aniya. Hindi agad ako nakakilos dahil sa takot pero mabilis akong tumayo nang sumigaw siya... "Now!"
...at tumakbo palayo.
...
yay! first chapter is all done!
JAY PARK / PARK JONGSEONG
enhypen 2/7
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜