LYANN MORCEIL PARK
Normal na araw. Walang magawa. Walang makausap. Bored. Mukhang tangang nakadungaw sa malaking binta sa second floor ng mansyon.Yan ako.
Sa pang-limang beses ay bumuntong hininga ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung bakit walang mga tao ngayon dito sa mansyon pwera nalang sa mga gwardyang nagbabantay sa akin. Kahit si Sunoo wala din, si Heeseung ay hindi ko din nakikita (nagkakausap kami minsan). Wala tuloy ako makausap.
Gabi na at nagsisilitawan na ang mga bituwin sa langit. Ang buwan ay unti-unti na ding lumilitaw.
Simula kaninang umaga ay wala akong namataan ng kahit isa kanila. Nasaan kaya sila? Hindi man lang ako sinama, hindi naman ako tatakas, magbabalak lang. As if naman na makakatakas ako tsaka matagal na akong sumuko at tinanggap na hindi na ako makakaalis dito. Masakit man tanggapin, wala naman na akong magagawa.
Ang mahalaga hindi naman ako sinasaktan o ginugutom. Kung ginagawa nila yun sa akin ako na mismo ang magbo-boluntaryo na magpapa-patay sa kanila. Sa ngayon, maayos ang lagay ko, yun nga lang hindi ko makita ang pamilya ko.
Miss ko na sila.
Pero naisip ko din, kung tatakas ako malamang hindi pa din ako titigilan ni Jay at posibleng madamay ang pamilya ko at ilang mahal ko sa buhay. Mas okay na ako nalang.
Muli, bumuntong hininga ako. Sa pag-iisip hindi ko na namalayang tuluyan ng lumitaw ang buwan at nagliliwanag na ang mga bituwin sa kalangitan. Nahampas ko ang braso nang maramdamang kinagat ako doon ng lamok.
Tsanggala, itong si Jay ang yaman-yaman, ang laki-laki ng mansyon pero walang insecticide. May lamok pa din sa mansyon.
Umirap nalang ako saka muling pinagmasdan ang langit. Hindi nagtagal ay nagsawa na din ako kakatingala sa langit. Ginutom na ako kaya nagtungo na ako sa kusina para magluto. Tinanong na ako ng isang maid kanina kung gusto ko bang paglutuan niya ako pero sinabi kong ako nalang tutal hilig ko naman ang pagluluto.
Magluluto ako ng sinigang.
Nagsimula na akong maghiwa ng mga ingredients. Magluluto ako para sa dalawang tao, kay Sunoo tsaka akin. Gusto kong ipatikim sa kaniya yung luto ko para malaman ko kung approve ba tutal isa siyang chef.
Madalas akong magluto pero hindi ko naman alam kung masarap dahil kapag nagluluto ako para sa sarili ko lang dahil mag-isa lang lagi ako sa apartment at kapag nasa bahay naman ay gusto ni Mama siya ang nagluluto. Siyempre para sakin masarap yung luto ko, luto ko yun eh, self support nalang. Kaya hindi ko alam kung may ibang taong kakain.
Kaya din siguro tuwang-tuwa ako kanina nang magustuhan ni Jay yung cookies na binake ko.
Ano daw?
Nang matapos ako sa pagluluto, nag-ukad na ako ng kanin saka naghanda ng ulam. Naglakad na ako palabas ng kusina pero agad akong napatalon sa gulat nang makita si Jay na nakasandal sa pader, naka-krus ang parehong braso sa dibdib at matiim na nakatingin sa akin.
Muntik nang matapon ang mangkok ng sinigang na hawak ko dahil sa gulat. Ano bang trip nito, akala mo kabuti kung makalitaw bigla. Ibig sabihin din ay nakauwi na pala sila.
Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya, lumabas na siya sa dilim saka lumapit sa akin. Otomatiko naman akong umatras pero malas dahil nakasandal na ako ngayon sa kitchen counter.
Kakaiba ang itsura niya ngayon, mukha siyang pagod na pagod at maputla. Mapungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kinilabutan ako nang makita ang kulay puti niyang long-sleeve na puno ng dugo. Pero kahit ganon, hindi pa din non nababawasan ang ka-gwapuhan niya. Magulo ang buhok niya na parang hindi man lang nadapuan ng suklay.
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜