Seven

522 22 0
                                    

LYANN MORCEIL PARK


Isang linggo na. Oo, tama kayo ng basa. Isang linggo na ang nakalilipas nang mapadpad ako dito at magpa-kasal sa lalaking kumidnap sakin. Isang linggo na akong kulong dito, hindi makausap ang pamilya o kahit isa sa mga kaibigan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin sa totoo lang. Ilang beses na akong sumubok na tumakas kaso palaging sablay at kahapon lang, sumubok ulit ako pero si Jay na ang nakahuli sa akin mismo at kinulong ako dito sa... mabaho at maduming bodega ng mala-palasyo niyang mansyon.

Ayos naman, may ilang ipis at mga daga lang na nag-kalat pero kaya ko namang pag-tiyagaan. Kaysa makita ko siya doon mismo sa loob, wag nalang.

Mas niyakap ko ang tuhod nang makaramdam ng lamig at panginginig. Gabi na at dalawang araw na akong hindi kumakain o nakakainom man lang ng kahit kaunting tubig, dahilan para mangatog ako.

"Lyann. Lyann, are you okay?" Napalingon ako sa gilid ko nang maramdamang may nagpatong ng kumot sa balikat ko. Nakita ko doon si Sunoo na may nag-aalalang tingin sa akin.

"Mukha ba akong okay?" Dinuro ko ang sarili. "Bakit ngayon ka lang?"

"Master forbid everyone to go here. I tried, but I failed to escape everytime. Ngayon niya lang ako pinayagan."

Napayuko ako saka napabuntong hininga. "Sunoo?"

"What? Are you hungry? Here--"

"Sa tingin mo ba makakaalis pa ako dito? Sa tingin mo ba mababalik pa sa dati yung buhay ko?" Sabi ko. Nakakamanghang walang bumabara na kung ano sa lalamunan ko nang sabihin ko yun o luha man lang sa mga mata. Sa tingin ko nasanay na ako at kaya ko ng pigilan ang emosyon ko.

Natahimik din si Sunoo. Alam kong kahit siya walang kasiguraduhan tungkol sa akin. Alam niyang kayang-kaya akong patayin ng master niya ano mang oras na tumakas ako, alam niyang hindi na ako makakaalis dito.

"Wag mo nalang isipin yan, kumain ka nalang muna."

.

.

Ilang oras na simula nang lumabas si Sunoo sa bodega at iniwanan ako. Ngayon ramdam ko na naman ang pag-iisa. Nakatulala na naman ako sa kawalan habang yakap-yakap ang pareho kong tuhod. Konti nalang kakausapin ko na yung mga kasamahan kong ipis at daga dito sa ka-bored-an.

Sa tingin ko ay nasa alas-siyete na ng gabi ang oras. Madilim na kasi at inaantok na ako. Alam ko sa sarili ko na inaantok na agad ako alas-siyete palang.

Tumayo na ako at tumungo sa maduming kama na nandito. Punong-puno ito ng alikabok at mantya, hindi na din maganda ang amoy pero wala naman na akong magagawa. Kaysa sumakit ang likod ko kapag sa sahig humiga.

Ginamit ko na din ang kumot na dinala sa akin ni Sunoo kanina. Sandali pa akong nagisip-isip bago tuluyang pinikit ang mga mata. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng antok, naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. Hindi ko na nagawa pang tignan kung sino ang nag-angat sa akin dahil sa bigat ng talukap ng mga mata ko.

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Kumpara sa kwarto ko noong nakaraan na nakaraan, mas malaki ito. Malaki yun pero hindi maipagkakailang mas malawak ito ngunit wala namang buhay.

Kuling grey at blue na pader. Walang kadeko-dekorasyon. Ang tanging nandito lang ay sofa set, malaking tv, table set sa tabi ng bintana at study table. May iilang paintings pero wala yung silbi. Kahit yun ay wala ding buhay ang mga kulay.

Nasaan ako?

Napalingon ako sa gilid ko nang may maramdaman doon. Isa yon damit. Kinuha ko yun at tinignan. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kagandahan non kahit pa man simple lang siya tignan. Hindi ako masiyadong nagsusuot ng dress pero kung ganito ba naman kaganda kaya ko namang pagtiyagaan.


Kinuha ko ang nakadikit na sticky doon saka binasa.

Master wants you to wash up and get dress, he wants me to tell you that you stink. I picked a dress that I think will suit you. Hope you'll like it.

-Sunoo

Sisimangot na sana ako dahil sa unang part kung hindi ko lang tinuloy ang pagbabasa. Gusto niya akong maligo at magpalit dahil ang baho ko na daw. Kapal ng mukha, sino bang hindi nagpalabas sa akin sa bodegang yon at hayaan akong magutom at hindi makapagpalit man lang ng damit?

Tumayo na ako sa kama saka hinanap ang banyo. Mabuti nalang at nang buksan ko ang unang pinto na pinuntahan ko ay banyo na agad ang bumungad sa akin. Hindi na ako nagsayang ng oras at naligo na agad. Nang amuyin konang shower gel na nandoon, napagtanto kong pamilyar sa akin ang amoy na yun dahil yun ang amoy ng walanghiyang si Jay.

THIRD PERSON

"Oh sht, I think I got a hard on." Yun ang sinabi ni Sunghoon sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ng kaibigang si Jay.

Nakita niya ang kaibigang nakatingin sa ibaba at kulang nalang ay maglaway ito sa kung ano mang tinitignan. Tumaas ang kilay niya at sinundan din ang tinitignan ng kaibigan at napahigpit nalang ang hawak niya sa arm rest ng upuan na kinauupuan niya nang makita ang dahilan ng paglalaway ng kaibigan.

"She's hot. Jay, just one night, please. She's so pretty." Tumayo si Sunghoon saka sumandal sa railings para mas matitigan ng mabuti ang dalagang walang kamalay-malay. Naglilibot ito sa baba at pinagmamasdan ang paligid.

Si Jay naman ay matalim ang tingin na pinapataw sa dalaga. Why the hell Sunoo choose that dress? What the fck.

Nakatingin lang siya sa dalaga, animo'y sinusundan ang bawat galaw nito. Gusto niyang ialis ang tingin pero hindi niya magawa dahil parang nahihipnutismo siya nito.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Sa suot nitong dress ay kita ang dibdib dahil sa baba ng neckline. Nakatali ng maayos ang medyo maalon nitong buhok at may iilang bangs na nakaharang sa mukha nito. Malayang natititigan ni Jay ang leeg at collar bone nito na hindi niya maintindihan kung bakit tinitigan niya ng matagal.

Bumaba ang tingin niya sa bewang nito na halatang-halata ang kurba dahil pagkahapit ng dress. Naramdaman niya ang paghipit lalo ng hawak niya sa arm rest ng upuan. Bumaba pa lalo ang tingin niya sa exposed na legs ng dalaga dahil nga sa kaiklian ng dress na suot nito.

Mas lalong nag-salubong ang kilay niya. May kung ano sa kaniya na gustong hawakan ang bewang ng dalaga at ihapit yun papalapit sa kaniya.

I saw all of her already, I touched all of it already... but what is this feeling?



𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon