Four

529 19 23
                                    

THIRD PERSON

"Are you really sure about this? Marriage is a sacred thing. Alam kong wala kang pakialam doon but how about this woman?" Tinuro ni Lee ang dalagang mahimbing na natutulog sa guestroom ng mansyon ng kaibigan.

Matapos itong hampasin ng baril sa likod ng ulo, mabilis itong nawalan ng malay. Dinala siya ni Jay sa loob ng sariling mansyon saka dinala dito.

Matapos nilang mag-usap ni Nicholas, ang abogado ng kanilang pamilya, sinabi nito na bago niya makuha ng buo ang kaniyang mana ay kailangan niya munang mag-pakasal tanda na mayroon na siyang responsibilidad. Agad niya naman itong tinanggap dahil ayaw niyang maunahan siya ng kaniyang step Mom sa mana, kaya nang makita niya ang dalaga, kaysa maghanap pa ng iba ay napag-desisyunan niyang ito nalang ang kaniyang pakakasalan.

Masiyadong mahalaga ang oras sa kaniya at magsasayang lang siya nito kung maghahanap pa siya ng kung sino-sinong babae. Naisip niyang pwede naman nang mapag-tiyagaan ang babae.

"This is her punishment by showing up her face again."

"Just by that you will give her a lifetime punishment? How cruel and heartless you can still be."

"I remember you telling me to kill her yesterday because she saw me killing someone.” Sinamaan niya ito ng tingin. ”Call a priest and cancel all my meeting for later. I want this to finish as soon as possible and more importantly, don't let her escape." Aniya bago lumabas ng kwarto saka dumiretso sa opisina.

Si Lee naman ay napailing-iling nalang sa inakto ng kaibigan saka naaawang tumingin sa dalagang mahimbing pa din ang tulog ngayon.

"Poor you."

LYANN MORCEIL

"Yow, she's kinda pretty."

"Maybe one of the reason why Jay choose her."

"Shut up before I shoot you, bastards."

"I am more skilled to pull my gun faster than you and you know that."

"Manahimik ka nalang, kakabalik mo palang nang-iinis ka na agad. Can't you see? He's not in the mood to talk."

"Mukha niya not in the mood. But seriously, she's really pretty. Can I have her once you're done with her? Oh fck, she's awake."

Minulat ko ang mga mata ko matapos makarinig ng dalawang taong nag-uusap sa mismong tabi ko. Naramdaman kong nakahiga ako sa malambot na kama pero nang tignan ko ang paligid, wala na ako sa kwarto ko sa mansyon. Nasa ibang lugar na naman ako.

Magsasalita na sana ako nang makaramdam ako ng titig sa kanan ko at nang tignan ko kung sino yon, agad na tumalon ang puso ko sa kilig nang makita kung gaano kagwapo ang lalaking nakatitig sa akin. Wala sa sariling umawang ang labi ko.

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatitig sa kaniya. Singkit na mga mata. Kasing puti ng nyebe ang balat niya at kasing itim naman ng gabi ang buhok niya. Ang labi niya ay kasing-pula ng mansanas at ang nunal sa ilong at pisngi niya ang mas nagdadagdag ng charisma niya.

Kung si Jay ay gwapo na may mala-demonyong dating, ito naman ay gwapo na may mala-anghel na dating. Ay, sinabi ko bang gwapo si Jay?

"Looks like she wants me more that you, bro. Pwede bang kami nalang ang magpakasal? I am more than willing to be tamed by her. Bigay ko nalang sayo isa sa mga girlfriends ko." Sabi niya habang may ngisi sa labi. Dahilan para makita ko ang pangil niya.

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon