THIRD PERSON
Nang maisarado na ni Lyann ng tuluyan ang pinto, dumiretso na agad ng tayo ang tatlo nang maglakad siya pabalik. Salubong pa din ang kilay at mukhang inis pa din.
Hindi pa din alam ni Jay ang gagawin dahil kahit siya ay nagulat sa nangyari. Pero pinanatili niya lang ang blangko niyang mukha habang nakatingin sa naglalakad na dalaga. Kumpara kahapon ay mas maayos na nag suot nitong damit kaya natitignan na niya ito ng walang ibang bagay na tumatakbo sa utak niya.
Akala niya ay hihinto ang dalaga sa harapan niya ngunit hinabol nalang niya ng tingin ang likod nito nang lampasan siya.
"Kapag talaga nasunog yung bine-bake ko dadayuhin ko siya sa kanila." Rinig niyang bulong ni Lyann. Sakto, nakaamoy siya ng amoy na parang may nasusunog.
"Lyann, your cookies!" Dumungaw ang ulo ni Sunoo mula sa kusina.
"Shet, eto na!" Tumakbo siya Lyann papunta sa kusina. Wala namang ibang nagawa si Jay kundi sundan lang siya ng tingin hanggang sa mawala ito.
Huminga siya ng malalim saka naglakad na paalis, hindi pinapansin nagkakaibang tingin ng dalawang lalaki sa likod niya. Dumiretso siya sa kaniyang opisina saka doon ulit ginawang abala ang sarili.
Naiinis pa din siya sa sagutan na nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa ng step-mother niya. Ngunit kapag naiisip niya at naaalala niya kung paano siya pinagtanggol ni Lyann at tinawag na asawa ay napupunta sa ibang kalawakan ang isipan niya.
"Are you sure you're not planning to kill her?" Sabi ni Lee pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ni Jay.
"Who?" Tanong ni Jay habang nakatingin sa papel na binabasa.
"Her."
At bilang bugnuting tao, iritado niyang tinignan ang kaibigan. "Can you give a specific name who are you referring to?"
"Chill. I'm asking you about Aimee. Are you sure you don't want to kill her?"
"She's not worthy of my time." Sabi ni Jay saka muling bumalik sa pagbabasa.
"Pero hangga't buhay pa siya, hindi ka niya patatahimikin. Babalik at babalik pa din siya dito." Nag-aalalang saad ni Lee.
Saksi siya sa mga paghihirap ng kaibigan kapag nagkakasalamuha sila ng step mother nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pang patayin ni Jay ang babaeng yon kung galit na galit siya dito.
"Don't worry, I already have my knight and shining armor—" Huli na bago pa mapagtanto ni Jay ang sinabi. "I didn't say anything."
Nang-aasar na nginitian siya ni Lee. "Oh, now you have one. So Lyann has another purpose of staying here, to protect you from your evil witch step mother. What are you, a damsel in distress?"
Rumolyo ang mga mata ng binata. "Shut up. I'm not gonna use her to protect me, gagamitin ko lang siya sa pagtataboy sa babaeng yon."
"She's not a freaking pesticide."
"Whatever."
"And what about her, Park? Don't you have any plans of killing her?"
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fiksi Penggemar𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜