LYANN MORCEIL
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar dahil sa sakit ng ulong nararamdaman ko. Bumangon ako saka sinapo yon. Ramdam ko pa din ang sakit ng pagkakahampas sa akin ng baril ng lalaking yon. Bwiset, siya kaya hampasin ko para maramdaman din niya yung kirot?
"Nasaan ako?"
Nilibot ko ng tingin ang paligid at nandito ako sa loob ng isang kwartong mas malaki pa yata sa buong apartment ko. Kulay black ang white lang din ang kulay ng pintura pati na ang mga furnitures. Naasiwa ako sa itsura dahil ang creepy ng dating.
Nasaan naman kaya ako? Hindi kaya purinarya na to? Hindi kaya patay na talaga ako? Hindi kaya may papasok nalang bigla na tao dito saka kukuhanan ako ng laman loob? Pero ang ganda naman masiyado ng lugar nato para maging purinarya.
Hindi kaya... hindi kaya nasa loob ako ng mansyon ngayon?! Hindi kaya pinasok ako ng kriminal na yun dito para patayin din? Papatayin niya kaya ako? Sa paanong paraan? Babarilin? Tatagain? Kakagatin? Hindi pala nakakamatay yon.
Hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung hindi na ako makaalis dito? Siguradong nag-aalala na sa akin sina Mama ngayon dahil kagabi pa ako hindi tumatawag sa kanila.
Kahit sobrang sakit ng ulo ko, pinilit ko pa din ang sarili na tumayo. Dumiretso ako sa bintana para tignan ang labas at nalula ako sa taas ng kwartong kinaroroonan ko. Nang tignan ko ang labas tama nga ang hinala kong nandito ako sa loob ng napakalaking mansyon dahil kita ko ang malaking gate mula dito.
Natupad ang gusto kong makapasok dito pero hindi naman sana sa ganitong paraan.
Sunod ko namang tinungo ang pinto at sinubukan yong buksan pero bigo ako dahil naka-lock yun. Nahampas ko nalang yun sa inis.
Kinidnap ako ng walanghiya. Ngayon hindi na talaga ako makakauwi. Sigurado ding hindi niya ako paaalisin dito dahil dalawang krimen niya lang naman ang natuklasan ko. Bakit pa ba kasi ako bumalik. Wala talaga akong kadala-dala. Sinabi niya na ngang ayaw niya akong makita nagpakita pa talaga ako ulit.
Ano ng mangyayari sa akin?
Nawawalan ng pag-asang bumalik ako sa malambot na kama saka doon umiyak. Naiinis ako sa nangyari sa akin.
Mabilis akong nagtago sa ilalim ng kumot ng marinig na bumukas ang pinto. Siguradong yung lalaking mamamatay tao yun at ngayon niya na ako gustong patayin. Tinakpan ko ng palad ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Hindi mapakali ang puso ko dahil sa takot.
Maya-maya, naramdaman ko ang paglubog ng isang parte ng kama sa tabi.
"Hey, hindi kita sasaktan." Hindi pamilyar at ibang boses ang narinig ko. Pero hindi pa din ako lumabas sa pagkakatalukbong. "I promise, I won't. I brought you food, I know you're hungry."
Nang suminghot ako, nakaamoy ako ng mahalimuyak na amoy na siyang nagpalabas sa akin sa kumot. Nang tignan ko kung sino yun, ibang mukha ang nakita ko. Hindi siya ang kriminal na lalaki. Mabait ang mukha ng lalaking ito ngayon. Nakangiti siya sa akin kaya medyo gumaan ang loob ko.
Maganda. Yun ang masasabi ko sa lalaking ito. Mas maputi pa yata sa gatas ang balat niya. Ang labi niya ay pulang-pula. Ang pisngi niya ay nakalitaw dahil sa ngiti niya at agaw pansin ang mga mata niyang animo'y nakangiti din. Mukha talaga siyang mabait at... cute.
"My name is Sunoo. I'm the head chef of this mansion." Aniya saka nilahad ang kamay sa akin. Nagdadalawang isip na tinanggap ko naman yun. "What's your name?"
Mukha namang mabait talaga at mapapag-katiwalaan ang taong to. Inabot ko ang kamay niya saka nagsalita.
"Lyanne Morceil." Maikli kong sagot.
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜