Eleven

445 22 8
                                    

LYANN MORCEIL PARK

"Heeseung! Please, tulungan moko!" Sigaw ko nang makita si Heeseung na napadaan sa living room. Nang makita niya ako at nang bumaba ang tingin niya kay Jay ay nanlaki ang mga mata niya saka agad na tumakbo papalapit sa amin.

Lumuhod siya saka hinawakan si Jay at sinubukan itong gisingin. "What happened? Bakit... bakit ang daming dugo?" Nag-aalalang tanong niya.

"H-Hindi ko alam. Ka-Kanina kumakain lang kami tapos may l-lagnat siya t-tapos—"

"Lyann, calm down. I can't understand you." Pagpapakalma sa akin ni Heeseung.

Huminga naman ako ng malalim saka pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba sa sitwasyon ni Jay ngayon. Ngayon lang ako nakakita ng ganito mismo sa harapan ko at nakahawak ng dugo. Ang damit ko na kaninang malinis ay napuno na din ng dugo niya.

"Kanina, kumakain lang kami. T-Tapos, nang hawakan ko siya ang init niya, n-nilalagnat lang siya kanina Heeseung. Tapos, h-hindi ko alam, bigla nalang siyang bumagsak tas nung saluhin ka siya saka tignan yung kamay ko b-bigla nalang ang daming d-dugo." Ginawa ko ang lahat para pakalmahin ang boses ko at sana naman ay naintindihan niya ako.

"Sht, bumukas siguro ang sugat niya." Dinig kong bulong ni Heeseung. Nag-salubong ang kilay ko.

"Sugat? M-May sugat siya?"

"He was stabbed last week by one of his business partners." Maikling paliwanag niya.

Muli ay binaling ko ang tingin kay Jay. Namumutla na siya ngayon at natatakot ako na baka ano mang oras maubusan siya ng dugo.

"Heeseung, dalhin natin siya sa doctor, please. Baka kung anong mangyari sa kaniya."

"I can't. Hindi siya papayag at siguradong kapag nagising siya magwawala lang siya doon."

"Pwede bang wag muna yan ang alalahanin natin ngayon? Ano mang oras baka lumala ang sitwasyon niya."

"I just really can't, Lyann. May iba pang rason kung bakit hindi natin siya pwedeng dalhin doon. I'll just call his personal doctor. Hold on."

"Punyeta, meron naman palang personal na doktor bakit ngayon mo lang sinabi?" Hindi ko mapihilang maibulalas.

Mukha namang na-realize din niya ang ginawa niya kaya napakamot siya ng batok. "You didn't ask."

Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo, bilisan mo na nga lang!"

"Okay okay!"

.

.

"I'm Yang Jungwon, Jay's personal doctor." Pagpapakilala sa amin ng bagong dating na lalaki na may jusko, napapaligiran ako ng gwapo. Nasaan na ba si Sunghoon?

Nandito na kami ngayon sa kwarto ni Jay, pahirapan pa nang akyatin namin siya dahil parang gripong tumatagas talaga ang dugo sa likod niya na siyang nagpa-takot sa akin ng sobra. Ang sabi ni Heeseung, siguro ay napalaban si Jay nang dumalo siya sa meeting sa underworld society dahilan para bumuka ang sugat niyang hindi pa gaano kagaling.

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon