Seventeen

469 22 5
                                    

THIRD PERSON

Walang nagawa si Jay kundi sundan ng tingin ang kaibigan na buhat-buhat ang dalaga papasok sa kwarto nito. Nagpupuyos pa din siya sa galit dahil sa sinabi ni Sunghoon sa kaniya, hindi niya alam kung paniniwalaan niya ito pero hindi maalis sa isip niya ang nakahubad na si Lyann sa bisig nito.

Pababa na sana siya kanina papunta sa bodega para puntahan si Lyann at palabasin na ito doon at agad siyang nag-alala nang makarinig ng putok ng baril pero nakita niya nalang bigla si Sunghoon habang buhat si Lyann na halos nakahubad na talaga.

Hindi niya maiwasang mag-isip ng masama at magalit dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya lubos maisip na ganong tao si Lyann.

Tumalikod na siya at akmang maglalakad papunta sa kwarto niya nang marinig si Heeseung na tinatawag ang pangalan niya.

"Park! I need to tell you something." Hinihingal na sabi ni Heeseung nang makarating siya sa harap ni Jay.

Tumaas naman ang isang kilay ni Jay. "Tell me if that's important."

"Sigurado akong mapapasugod ka sa underworld ng wala sa oras kapag nalaman mo to. May kinalaman to kay Lyann."

Nangunot ang noo ni Jay. "What about her?"

"May nakapasok na spy dito sa mansyon mo, pinasok niya ang bodega at pinagsamantalahan si Lyann."

"What the fck..." Naibulong ni Jay kasabay ng pag-igting ng panga niya.

"That explains the gunshot we heard earlier and why Lyann is naked. The gunshot is from Sunghoon, siya din ang nagligtas kay Lyann." Dagdag ni Heeseung.

Hindi na hinintay pa ni Jay ang sasabihin ni Heeseung at agad na naglakad pababa papunta sa bodega. Narinig niya ang yapak ni Heeseung sa likod niya, senyales na sinusundan siya nito.

Ang bigat ng mga yapak niya at kahit si Heeseung ay hindi maiwasang kabahan. Sobrang dilim ng awrang nakapaligid dito na parang ano mang oras ay makakapatay ito.

Nang marating na nila ang bodega, pinasok ni Jay ang loob kaya nakita niya ang lalaking nagtangkang pagsamantalahan si Lyann. Patay na ito at naliligo sa sarili nitong dugo dahil sa kagagawan ni Sunghoon. Pati ang mukha nito ay may tama ng baril pero ipinagsawalang bahala lang yon ni Jay.

"That idiot just killed him without asking who his boss is."

"I'm sure you'll do what he did when you saw how he manolested Lyann. Or maybe you'll do worse."

Marahas na bumuntong hininga si Jay. May punto ang kaibigan niya at tama ito, baka nga ihiwalay pa niya ang ulo nito sa katawan dahil sa galit niya.

Nanliit ang mga mata niya nang may makitang parang isang simbolo sa gilid ng damit nito. Lumuhod siya para makita pa ito at matitigan ng maigi at nasuntok niya nalang ang sahig nang mapagtanto kung kaninong grupo ang mayroong ganong simbolo. Isa yong triangle at sa loob non ay isang ahas. Kulay puti ito na may halong ginto.

"It's K's group symbol isn't it?"

"It is, and I will fcking kill him for entering my property and touching my wife."

Hindi napigilan ni Heeseung ang pag-ngiti ng nang-aasar sa kaibigan. "And now she's your wife."

Sinamaan naman siya ng tingin ni Jay. "Aside for teasing me all the time with Lyann, ano pang kaya mong gawin?"

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon