LYANN MORCEIL PARK
"You look like a mess for a newly wed, Mrs. Park." Boses ni Sunoo ang sumalubong sa akin pagka-gising na pagka-gising ko. Hindi ko siya pinansin at tinakpan ang mukha ko ng unan. Nakakairita yung pangalang tinawag niya sa akin."Anong kailangan mo? Ang aga pa." Tamad kong sabi.
"Your husband wants to see you and so his visitor. So you now need to get up and dress up bago pa si Master ang mag-sundo sayo."
Iritadong inalis ko ang unan sa mukha ko saka binato yon paalis ng kama bago tumayo. Walang mapaglagyan ang galit na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko. Binabalak ko na nga kagabi kung paano ako aakto sa harap nung Jay na yun. Kung paano ko ba siya hindi makikita dahil baka sumabog nalang ako sa galit bigla.
Mabuti na nga lang at kahit mag-asawa na kaming dalawa ay hiwalay pa din kami ng kwarto at kama. Mas gugustuhin ko nalang yatang magpa-patay sa kaniya kapag nangyari yun.
Bwiset siya. Sinira niya ang lahat. Sinira niya ang mga pangarap ko. Sinira niya ang buhay ko. Biruin niyo, nag-pakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal o kahit man lang gusto.
Pinulot ko naman yung unan sa sahig saka binato yun agad kay Sunoo. Agad naman siyang umatungal. "Awww! Why'd you do that!"
"May mga damit na ba yung walk in closet? Baka lingerie naman ang nandoon para sa honeymoon namin ng master mo."
Narinig ko ang pagtawa niya. "Don't even think about that thing. Come on, take a bath and dress up already. Master doesn't like waiting."
"Pinakasalan niya ako tapos hindi niya ipaparanas sa akin yung honeymoon." Bulong ko bago tumalikod at pumasok ng banyo. Pabagsak kong sinarado yung pinto saka naligo na.
Nang pumasok ako sa walk in closet, wala akong ibang suot dahil nakalimutan kong kumuha ng tuwalya o bathrobe man lang. Pero hindi ko din naman kasi alam kung saan nakalagay yun, kahapon ay nakahanda na lahat doon sa banyo kaya hindi na ako naghanap pa.
Wala namang ibang tao dito kundi ako lang kaya hindi ko na din siguro kailangan pang mag-alala. Isa pa, masarap din palang maglakad ng walang kahit anong suot, ang lamig sa pakiramdam.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa laki nitong closet na mayroon sa kwarto na kinaroroonan ko. Kahit ito ay mas malaki pa yata sa apartment ko at hindi gaya kahapon, hindi ko na mabilang ang mga damit, sapatos at bags na nandidito. Meron pa ngang mga accesories kagaya ng kwintas, bracelet at relo.
Kahit siguro ang isang bag na nandidito ay mas mahal pa sa upa ko sa apartment.
Kumuha ako nang simpleng kulay itim na shorts at kulay puting tank top. Akmang isusuot ko na yung underwear nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Jay na may iritadong mukha.
Mabilis kong tinakpan gamit lang ng kamay ang mga pribadong parte ng katawan ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
"Anong— hindi ka ba marunong kumatok?!" Napasigaw ako sa inis saka sinubukang maghanap ng pwedeng ipangtakip na kahit ano sa katawan ko sa paligid pero nakagat ko nalang ang labi ko ng walang makita.
Hindi siya nagsalita at nang tignan ko siya ay masama na siyang nakatingin sa akin. "How about you? You don't know how to move fast?"
Aba, sumasagot pa.
"A-Ano bang ginagawa mo dito? Nagbibihis ako. Umalis ka nga, w-wala akong suot na kahit ano."
"I came here because I got tired of waiting for you. Sigurado naman akong sinabi sayo ni Sunoo na ayaw kong naghihintay. What's taking you so long for taking a bath and dressing up?" Hindi niya pinansin yung sinabi ko at sininghalan pa ako.
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜