THIRD PERSON
Matapos sabihin ng kaibigan ang tungkol sa bisita, sandaling natulala si Jay habang pino-proseso sa utak niya kung totoo ba ang narinig niyang pangalan, pangalan nito.
Agad siyang tumayo sa kama na parang walang iniinda na sakit sa katawan saka tumakbo palabas ng kwarto. Hindi pinapansin ang dalagang nagtatakang nakatingin sa kaniya.
Lakad-takbo ang ginawa niya pababa ng hagdan, malakas ang tibok ng puso habang nasasabik na makita ang babaeng ilang taon na niyang hindi nakikita.
Nang makababa na siya ng tuluyan, napahinto siya ng makita ang babae na diretsong nakaupo sa couch habang nakayuko at may pinaglalaruang papel sa kamay.
Kahit pa man sabik itong makita, inalis niya ang emosyon sa mukha. Hindi niya pwedeng ipakitang hanggang ngayon kahit nasaktan siya nito ay malakas pa din ang epekto niya sa kaniya.
Lumapit siya dito, pilit na pinapakalma ang pusong nagwawala sa loob ng dibdib. Nang mapansin siya ng babae, nag-angat ito ng tingin saka tumayo.
Sandaling napugto ang hininga ni Jay nang muling masilayan ang mukha ng dating wala siyang ginawa kundi ituring na reyna, ngayon ay pagma-may-ari na ng iba. Wala pa ding kupas ang kagandahan nito, yun pa din ang kagandahan na nagpa-bihag sa kaniya noon. Pinigilan niya ang sarili na magpakita ng kahit anong emosyon.
Muntikan na siyang mawala sa focus nang bigla itong ngumiti sa kaniya.
Why is she smiling at me like she didn't do anything wrong? I'm damned.
"What are you doing here?" Tanong ni Jay gamit ang malamig na boses.
Kinagat ng babae ang pang-ibabang labi bago mag-salita. Halata sa kaniya na kinakabahan siya ngunit pinapalakas niya nalang ang loob niya.
"How are you?"
"Stop that crap, we're not close." Si Jay bago umupo sa single sofa saka nag-salin ng wine na nasa mesa sa tapat niya. Lahat ng mesa sa mansyon nuya ay kailangan may maiinom siyang alak dahil ayaw niya ng mag-utos.
Kinuha niya ang wine glass saka sumimsim doon. "Why are you here alone? Do you want to tell me how you suck my brother's dick? Not interested." Pang-iinsulto ni Jay
Agad na namula sa kahihiyan ang babae. Bigla siyang nainis pero kailangan niyang magpigil dahil nasa pamamahay siya ng lalaki at bisita lang siya dito. "H-Hindi, nandito lang ako para ibigay to sayo."
Umupo na si Keisha saka dahan-dahang nilapag ang sobre sa lamesa at tinulak yun palapit sa pwesto ni Jay. Nang tignan yun ni Jay, hindi niya kailangan pang tanungin kung ano yun dahil sa labas palang ng sobrw nakasulat na ang 'Wedding invitation for Jay Park.'
Nagngitngitan ang ngipin niya sa gigil at galit. Huminga siya ng malalim, nagbabaka-sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Para yong pinipiga sa sakit habang nakatitig siya sa sobre.
Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay apektado pa din siya kahit ilang taon na ang lumipas. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa siya kahit na matagal na niyang inalis sa sistema ang nararamdaman sa dalaga.
"Jay, please, kalimutan na natin ang nakaraan. I am happy with Riki at mahal ko siya. Pwede bang suportahan mo nalang kami?" Lakas loob na tanong ni Keisha kay Jay na hindi pa din maalis ang tingin sa invitation card na nasa harapan niya.
"Are you kidding me?" Binalingan niya ng masamang tingin ang dalaga. "Do you want me to forget what happened in the past and support both of you? Where did you get the courage to say that right in my face? Or do you even know what you are saying? Isn't that too impossible, Keisha? How can I forget what happened in the past where I begged you to come back to me and just choose me over my brother? That you hurt me and made me be like this? How? Tell me."
Agad na napuno ng luha ang mga mata ng dalaga saka lumapit sa kaniya. Akmang hahawakan niya si Jay sa kamay nang tumayo si Jay saka lumayo sa kaniya.
"Jay, please, alam kong nasaktan kita pero sana kalimutan nalang natin yon. Masaya na tayo sa sarili nating buhay, hayaan nalang natin yon at mag-move on."
Hindi makapaniwalang natawa nalang si Jay sa sinabi ng dalawa. "How could you say all that? As if everything is easy for you? Like nothing happened in the past? Like as if you hadn't done anything wrong before? Tell me, is that what my brother taught you?"
Hindi nakapagsalita si Keisha matapos sabihin yun ni Jay. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha habang nakatingin kay Jay. Nasasaktan din siya para dito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niyang galit pa din ito sa kaniya.
Expected na niyang mangyayari ito kapag ginawa niya ang bagay na to. Nagbabaka-sakali lang siya at ngayon alam na niya ang resulta.
"We both know I can't do that, Keisha. You are the reason I became like this. Stiff and cold. Why it is impossible for me to be happy. You know you're the only warmth in my life but still, you left me. You did this to me, remember that." Pagpapatuloy ni Jay. "After 3 years of betraying me, babalik ka lang dito dahil lang gusto mong malaman kong magpapakasal kayo ng kapatid ko?"
"Jay, hindi naman—"
"I fcking gave you everything before, I treated you like a queen at kulang nalang pati ang bituwin ibigay ko sayo, sambahin kita sa araw-araw, ituring na diyos. But what did you do? You choose my asshle brother over me and live a happily ever after life. Just where did you get courage to give me an invitation for your wedding? Are you not ashamed? Or do you just want to insult me?"
Nasasaktan si Keisha sa mga sinabi ni Jay sa kaniya pero tinanggap niya lang ito at nagsalita. "Jay, matagal ng tapos yun. Kalimutan nalang natin ang lahat."
Mas dumilim ang awra na nakapaligid kay Jay. "Easy for you to say because you are now happy while here I am, still stuck with the past, my feelings for you and your betrayal. It still fcking hurts. It'a fcking unfair." Si Jay.
Bumalatay ang sakit kay Keisha habang nakikita ang sitwasyon ni Jya. Sinubukan ulit niya na lumapit dito ngunit umatras ulit si Jay.
"Umalis ka na. Get of of my sight before I lose my mind and destroy your lives." Tinuro ni Jay ang pinto habang malamig na nakatingin kay Keisha.
"Jay, pakiusap..."
"Get out! Now!"
Sandali pang tinitigan ni Keisha si Jay bago kunin ang bag na nasa couch saka nagmamadaling lumabas ng mansyon habang puno ng luha ang mga mata.
Si Jay naman ay napapikit para pakalmahin ang sarili. Bumagsak ang braso niya sa tagiliran saka nanghihinang tinignan ang papel na nasa ibabaw ng mesa.
“Damn it!” Sigaw niya sa galit at walang kahirap-hirap na tinaob ang mesa, dahilan para mabasag ito.
Nag-iwas na siya ng tingin saka umalis sa lugar na yon. Dumiretso siya hindi pabalik sa kwarto kung hindi doon sa pool area.
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜