Twelve

448 17 8
                                    

LYANN MORCEIL PARK


"Akala ko ba walang masakit sayo, bat ngayon biglang hindi ka makalakad?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa kama.

"Please don't ask, my head is pounding." Aniya habang ngiwi pa ang labi.

Umirap nalang ako ng palihim saka inihiga siya sa kama. Inayos ko din ang kumot saka unan niya para makahiga siya ng maayos. Sa likod siya may tama pero sa ulo at legs siya may problema. Pinaglololoko ba ako ng lalaking to?

"Kumportable ka na ba sa pwesto mo?"

Tumango siya.

"May iniwang pain killer si Jungwon kung sakali daw sumakit ang sugat mo, masakit ba?"

Umiling siya.

"Ayaw mo bang uminom? Para na din sa nananakit mong katawan. Dika makalakad di ba?"

"I don't know what happen to my legs but I don't want to take a pain killer. It'll be gone in a minute afterall."

Napatango ako sa sinabi niya. "Ah, okay. Kung wala ka naman palang kailangan, aalis na ako. Nanjan na ang mga pagkain, pakainin mo nalang ang sarili mo."

"What? I thought you will take care of me?"

"Eh wala namang problema sayo eh. Ayaw mong uminom ng gamot dahil sabi mo mawawala din naman agad, hindi din masakit ang sugat mo, wala ka na ding lagnat kaya ano pang gagawin ko dito?"

Nag-iwas siya ng tingin, dumako yun sa tray ng pagkain na dala ko. "Feed me."

Tumaas ang isang kilay ko. "May mga kamay ka po."

"I can't move my fingers."

"Bakit naman? Pati yan hindi mo magalaw?"

"I can't feel them. Namamanhid."

Letse to, sa pagkakaalam ko likod niya lang ang problema pero bakit ngayon buong katawan na.

"Just feed me, is that too much to ask for?" Biglang sumungit ang boses na akala mo naiinis. Inirapan pa ako.

Sumimangot ako saka bumuntong hininga. Wala na naman akong magagawa dahil siya ang boss dito at masusunod. Simpleng pagkain lang kailangan ako pa ang gumawa. Bwiset to.

Nag-martsa na ako papalapit sa side table ng kama niya kung saan ko nilapag yung tray ng pagkain na dala ko kanina. Hinatak ko yung upuan na nasa ilalim non saka umupo sa gilid ng kama niya.

"What do you call that food?"

"Putchero." Maikling sagot ko. Para sayo dahil putcha ka.

Kumuha na ako ng kanin saka nilagyan yun ng ulam bago naiilang na inilapit sa kaniya. Lumunok ako bago siya tignan sa mukha para senyasan na ibuka niya ang bibig niya. Mukha namang nakuha niya yun saka sinubo yung pagkain.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang nakasuot ng simpleng damit. White t-shirt saka pajama. Kadalasan kapag nakikita ko siya ay naka-suit siya o kaya naman iba pero pormal pa din ang dating. Parang pupunta siya sa opisina sa datingan niya kahit ang totoo dito lang naman siya nagtatrabaho.

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon