THIRD PERSON
"Will you really let her slide, Park? Paano kung mag-sumbong siya?" Tanong ng kaibigan niya habang nakatanaw sa likod ng babaeng tumatakbo palayo.
"She won't." Sabi naman niya habang hinuhubad ang suit na nabahiran ng dugo.
Mainit ang ulo niya dahil hindi nasunod gusto niyang makuha ang bilyong dolyar mula sa australianong binawian niya ng buhay kani-kanina lang. Niloko siya nito at sinubukan pang isuplong sa mga pulis.
"How can you say so? You could've just shoot her to shut her up."
"Knock it off, Lee. I'm not in the mood to talk."
"Tsk. You're being stupid."
Hindi niya na pinansin ang kaibigan.
Basta niya nalang tinapon ang suit sa lupa at naglakad papasok sa napakalaki niyang mansyon na natatago ng gubat. Nakita niya pa kung paano hilahin ng tauhan niya ang bangkay saka pinasok ito sa isang sako. Blangko niya lang itong pinanood hanggang sa maipasok ito sa loob ng isang kotse at umalis.
Nang makapasok siya sa sariling kwarto, mabilis niyang hinubad ang lahat ng saplot sa kaniyang katawan at dumiretso sa banyo para sa maligo.
Nasuklay niya ang buhok sa inis na nararamdaman. Hindi niya gusto kapag hindi nasusunod ang lahat sa plano niya at lalong hindi niya gusto ng niloloko siya.
"Damn it." Mahinang bulong niya.
Nang makabalik siya sa opisina, inaasahan niya nang makita ang nakakairita niyang kaibigan doon. Otomatikong rumolyo ang mga mata niya bago umupo sa kaniyang upuan.
"Ano na naman? I told you, I'm not in the mood to talk, baka masapak kita." Marahas niyang binuklat ang unang folder na nahagip ng mata niya.
"Woah, chill. I just want to inform you Sunghoon is back and he wants to live here in your mansion in the mean time."
He looked at his friend with a smudge look on his face. "You kidding me? That ass has a whole fcking hacienda to live in."
"Sure he just wants to annoy you. You know him."
"Tell him to fck off and tell to Nicholas that I want to meet him. Same time, same place."
Lee's right brow arched. "For what? Mr. Park?"
"I want to tackle something with him and I need you to come with me."
LYANN MORCEIL
Kinabukasan ay inaasahan ko ng magiging lutang ako. Hello! Kagabi lang nasa bingit na ng kamatayan ang buhay ko. Literal na hawak-hawak na ako ni Kamatayan sa leeg at kung hindi lang siguro siya naawa sa akin ay hindi niya ako papakawalan.
Hindi ako makapaniwalang heto pa din ako ngayon at humihinga. Hindi ako dumiretso sa bahay umuwi kagabi kundi dito sa maliit na apartment na inuupahan ko. Baka mag-alala lang sa akin sila Mama kapag nakita ang kalagayan ko. Siguradong sasabunin nila ako ng tanong at hindi ko naman pwedeng sabihing muntik na akong mamatay.
Wala sa sariling hinawakan ko ang leeg ko. Kagabi ang unang beses na may sumakal sa akin at ganon pa kahigpit.
Ibig sabihin ay kriminal ang lalaking yon. Ang sabi niya ay gumawa siya ng krimen na natuklasan ko, so kriminal nga. Dapat ba akong mag-sumbong o hindi? Hindi ko alam. Nakakatakot siya at siya yung tipo ng taong may isang salita. Ayokong maghukay ng sarili kong hukay, nakakapagod.
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfic𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜