THIRD PERSON
Diretso niyang binaril ang lalaking akma siyang sasaksakin sa likod. Hindi siya nagpakita ng ano mang awa dito nang matumba ito sa sahig at nagmamakaawang nakatingin sa kaniya. Inangat niya ang baril na hawak saka muli itong binaril sa dibdib dahilan para mawalan na talaga ito ng buhay.
"You guys really love to learn in the hard way." Bulong niya bago paulanan ito ng bala sa katawan. Kita niya ang pagtakas ng dugo dito at ang pagkalat non sa lupa. Nang maubos na ang bala niya ay tinapon niya nalang basta ang baril sa kung saan saka pumasok sa loob ng mansyon nang hindi inaalala kung ano ang mangyayari sa bangkay na nasa labas.
"Another one?" Salubong na tanong ni Lee sa kaniya pagkapasok na pagkapasok niya sa kaniyang opisina.
Tumango lang siya saka hinubad ang coat na suot na nabahiran ng dugo nang barilin niya ang spy kanina. Basta niya nalang yung nirolyo sa kamay saka tinapon sa trash bag na nasa gilid ng table niya.
"Many people are starving you know, you can't just throw that coat away. That costs fortune."
"Many are starving and they are not my business."
Sumusukong bumuga ng hangin si Lee saka umupo sa harap ng lamesa ni Jay saka nagpan-dekwatro. "Apat na spy na ang natala ngayong linggo na nagmamatyag dito sa mansyon mo. Padami na sila ng padami."
"Their boss is just wasting their lives and time for nothing. Spy me until they can but no one can enter this mansion without my consent until I die." Matigas niyang sambit saka nagsalin ng wine sa baso na nakahanda na agad sa lamesa niya.
"Habang palaki ng palaki ang nasasakupan mo at palakas ka ng palakas, parami ng parami din ang nakakalaban mo." Si Lee na nag-salin din ng wine sa isang pang baso.
Umigting ang panga ni Jay bago sumimsim sa kaniyang baso. "The time will come and they will all fear me. Just wait and see, Lee."
Sa totoo lang ay sumasakit na talaga ang ulo niya dahil sa dami ng problemamg nakakaharap niya ngayong buwan. Ang magandang nangyari lang yata sa kaniya ay ang pagkakuha ng niya ng buong mana na iniwan sa kaniya ng Dad niya. Bukod don ay wala na.
Hindi na din siya nagkakaroon ng maayos na tulog dahil kailangan niyang maging alerto sa kaniyang paligid. Ano mang oras at panahon ay maaari siyang sugurin ng mga kalaban.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang totoong dahilan kung bakit minamatyagan siya ng mga ito. Naghihintay lang ito ng tamang oras para siya naman ang mapatay at makuha ang pangalan bilang pinakamataas sa underworld society.
At ngayon parami na sila ng parami at pasakit na din ng pasakit ang ulo niya. Ni hindi siya makapagpahinga dahil palagi siyang nakabantay sa paligid. Pati ang pagkain ay nakakalimutan na niya.
Naputol ang pag-uusap nilang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang isa sa mga tauhan niya. Si Jake.
"I believe you know how to knock." Si Lee.
"I'm sorry to interrupt you both but Madam Aimee is looking for the Master." Anito. Halata sa mukha nito ang kaba.
Si Jay naman ay mabilis na tumayo at ngumisi ng kakaiba. "Ahh... I've been waiting ages for this to come. Tell that motherfcker to wait."
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜