Twenty-One

507 22 7
                                    

LYANN MORCEIL PARK
- end -


Sa awa naman ng Diyos, at ni Jay, ay nakarating kami sa sinasabi niyang underworld palace nang walang kababalaghang nangyari sa aming dalawa. Bukod sa halikan at konting gapangan ay wala na. Doon ako nakahinga ng maluwag dahil ayoko namang humarap sa maraming tao na namumula at nanghihina ang tuhod ko.

Siya ang unang bumaba sa sasakyan at umikot siya para din pagbuksan ako. Nilahad niya ang kamay sa harap ko. Tinignan ko muna siya sa mga mata at tinaasan niya naman ako ng kilay kaya inabot ko na ang kamay niya.

Napalunok ako sa boltahe ng kuryenteng marahang dumaloy sa kamay ko dahil sa paghawak ko sa kaniya. Bwisit na sparks. Mukha namang di niya naramdaman yun dahil nanatili pa ding malamig ang expression ng mukha niya.

Nang tuluyan ko nang binaling ang tingin ko sa harapan, literal na napanganga ako nang makita ang isang napakalaking mala-palasyong gusali. Malaki ito at hindi maitatangging nakakatakot nga pero masasabi pa ding sobrang ganda nito. Mula sa disenyo at mga detalye nito. Kung ikukumpara sa bahay ni Jay, mas malaki ito ngunit makaluma lang ang style. Ang kay Jay kasi ay modern na.

"Sarado mo yang bibig mo, baka pasukan ng langaw." Panira ni Jay na nakatingin sakin ngayon. Agad ko naman siyang sinimangutan at sinamaan ng tingin.

"Paano kapag pinasukan nga? Hahalikan mo pa din bako?" Huli na bago ko ma-realize kung ano yung sinabi ko dahil umangat na ang isang kilay niya at ang isang sulok ng labi niya.

"It depends on how desperate I am." Otomatikong namula ako sa sinabi niya at napalunok nang muling bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Next time, do not wear such a shade of lipstick. I may not be able to control myself and take you in my bed. You may not be able to walk tomorrow, do you want that?"

Mabilis akong umiling. Mahina naman siyang tumawa na parang tuwang-tuwa sa pinaggagagawa niya sakin.

Letse talaga tong lalaking to.

"Let's go."

Huminga ako ng malalim bago sundan siya sa paglalakad. Parang tinatambol sa lakas ang ng tibok ang puso ko. Hindi rin ako mapakali dahil sa kaba at takot. Siyempre, sino ba namang hindi kakabahan at matatakot kung papasok ka lang naman sa isang; oo nga, mala-palasyong lugar pero puro kriminal naman ang naroroon. Who knows baka pagkatapak na pagkatapak ko palang sa loob bumagsak na agad ako sa sahig habang dilat ang mga mata.

Juskomiyo, wag muna utang na loob.

"Are you nervous?" Napalingon ako sa gilid ko nang may biglang nagsalita. Si Sunghoon na kasabay pala naming maglakad.

"O-Oo, siyempre."

Ngumiti naman siya sakin na parang sinasabi kumalma lang ako at huwag mag-alala. "

"I understand. But don't worry. You're with the king of the place you will enter at nasa tabi mo lang ang mga prinsipe." Aniya saka binalingan ng tingin si Heeseung na nasa likod din pala namin.

Bakit ngayon ko lang sila napansin? Ganon ba talaga ako ka-kinakabahan?

"Salamat." Sinuklian ko ang ngiti niya saka muli nang bumaling sa harap at bumuntong hininga. Pero nakuha ng atensyon ko ang mukha ni Jay na nakasimangot.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at hindi na yun pinansin. Maya-maya ay narating na namin ang tapat ng napakalaking pinto ng palasyong ito. Hindi na namin kinailangan pang kumatok dahil kusa na yung bumukas.

Sumalubong sa paningin ko ang kulay gold, itim, at puti na paligid. Literal na ang dalawang kulay lang yun ang makikita mo kahit san ka tumingin. Nagkalat din ang mga bilog na mesa at ang mga nakaupo doon ay halatang may kinalaman sa mafia. Kinalibutan ako sa mga tingin na ginagawad nila sa amin, lalo na sakin na ngayon lang nila nakita.

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon