LYANN MORCEIL
"Jay!"
Dinilat ko ang mga mata ko. Nagising ako nang hinihingal at pawis na pawis na animo'y tumakbo ng napakalayo.
"Ate, gising ka na." Mabilis akong lumingon sa gilid nang makarinig ng pamilyar na boses.
"Dyann?" Kunot-noong tinignang ko siya. Nandito siya? Teka, nasaan ba muna ako?
Nagulat ako nang bigla siyang umiyak saka tumakbo palapit sakin at niyakap ako. Nagtataka man ay niyakap ko pa din siya pabalik.
"Ate, gising ka naaa!" Atungal niya.
"G-Gising ako? Hindi pa ako patay?" Mahina kong bulong saka napahawak sa parte ng dibdib ko kung saan ko naramdaman yung matinding sakit.
Si Jay.
Humiwalay ako ng yakap kay Dyann. "Si Jay? Nasaan si Jay? Ayos lang ba siya?"
Kumunot naman ang noo ng kapatid ko na limang taon ang pagkabata sakin. Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya bago dahan-dahang kuhanin yung phone sa bulsa ng short na suot.
"M-Ma, g-gising na po si ate... opo... sige po hihintayin ko nalang kayo." Aniya saka hinarap ulit ako. "Ate,wait ka lang ha. Parating na sina Mama tsaka yung doktor. Kalma ka lang." Hinagod niya ang likod ko saka sinuklay-suklay ang buhok.
"Paanong kakalma eh nabaril lang naman ako sa puso at si Jay! Yung asawa ko, ni-hindi ko alam kung buhay pa siya dahil ayaw mo naman sabihin!" Hindi ko namalayan na nataasan ko na pala siya ng boses.
"Nabaril? Ate, hindi ka nabaril. Nasagasaan ka ng sasakyan habang pauwi satin. Anong pinagsasasabi mo?" Naguguluhang sambit niya.
"A-Ano? T-Teka, sa pagkaka-alala ko nabaril ako tapos nawalan ako ng malay. Pagkagising ko, malamang nandito ako ngayon sa ospital tsaka bakit ka nga din pala nandito? Pinapunta ka na ba dito ni Jay? Ni Sunghoon o ni Heeseung?"
"Huuuh? Ate, hindi ka nga nabaril. Nasagasaan ka ng 10 wheeler truck at na-coma dito sa ospital ng mahigit tatlong buwan. Sino si Sunghoon tsaka si Heeseung? Tapos yung Jay na kanina mo pa bukambibig."
Biglang nanigas ang buong katawan ko. "Dyann, wala akong maalalang nasagasaan—"
"Lyann! Jusko! Anak, gising ka na!" Hindi pa ako tapos magsalita ng may dumamba na sa akin sa higaan. Sa boses pa lang alam ko ng si Mama yon kaya niyakap ko siya pabalik. Ngayon ko mas naramdaman ang pangungulila sa kaniya ngayong yakap ko na siya.
Hindi ko mapigilang mapaluha. "Ma, miss na miss kita."
Humiwalay siya saka hinawakan ang buong mukha ko. Parang binabasag ang puso ko habang nakatingin sa kaniya na puno ng luha ang mga mata pababa sa pisngi. Pansin ko ang pamamayat niya at ang paglalim ng mga mata niya. Mukha siyang stress at kulang din sa tulog.
"Lyann, salamat sa Diyos at nagising ka. Muntikan na akong sumuko."
"Ma, anong nangyari? Bakit ang payat niyo na? Bakit ang lakinng eyebags niyo? Bakit mukha kayong stress. Dapat hindi niyo nako hinanap pa."
Napa-aray ako nang hampasin niya ako sa braso. "Gaga ka ba?! Kung hindi kita hinanap, malamang naninigas na yung katawan mo doon sa kalsada dahil sa lamig at ubos na din sana ang dugo mo! Nag-iisip ka ba!"
"Kalsada? T-Teka, hindi naman ako nabaril sa kalsada. Sa loob ng underworld society ako nabaril, ma. Hindi sa kalsada."
Dahan-dahan ay nagsalubong ang kilay niya saka nilingon ang kapatid ko na nagtataka ding nakatingin sakin ngayon na parang may nasabi akong mali.
BINABASA MO ANG
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 ll 𝙅𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙧𝙠 ✔️
Fanfiction𝑳𝒊𝒇𝒆 𝒊𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒋𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚. 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 2 -𝙟𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙠 / 𝙥𝙖𝙧𝙠 𝙟𝙚𝙤𝙣𝙜𝙨𝙚𝙤𝙣𝙜