Chapter 2

280 9 0
                                    

"Dali, dali!! Mababasa na tayo!!"

Nag unahan sila ni Luz na makarating sa mansion.

Kinuha nila ang mga sinampay nilang mga damit sa likod ng mansion.

"Sandali, may natira pa sa sampayan!" Ang natatarantang sabi ni Krem.

"Dali! Ayan na ang ulan!!" Ang sabi ni Luz.

At nag simula na ngang pumatak ang ulan kasabay ng kidlat.

Sabay pa silang napatili ni Luz.
Nagmamadaling tinakbo na nila ang mansion.

Nag tatawanan pa sila nang makarating sa backdoor ng mansion.

Lumabas ng pinto si Manang Mercy.

"Ano nakuha nyo ba lahat ng mga damit nyo?"

" Opo Manang. " Ang sabi niya. Bitbit nya ang isang laundry basket.

"Manang, wala po bang miryenda dyan? Alas tres na ah." Ang sabi naman ni Luz. May bitbit din itong laundry basket.

"Dalhin nyo muna yan sa silid namin saka kayo bumalik sa kusina. Nag luto si Gissele pansit."

"Yown!" Napapitik pa si Luz.

Natatawang napailing naman si Krem. Mahilig talagang kumain si Luz. Halata naman kasi sa malusog nitong katawan.

" Sige, dyan ka magaling. Bilisan nyo na." Bumaling si Manang Mercy sa kanya. "May sasabihin ako sayo mamaya habang nag mimiryenda tayo."

Dinala nila sa kuwarto nila ni Manang Mercy ang laundry basket. Pagkatapos ay bumalik sila sa kusina.

Amoy na amoy sa kusina ang nilutong pansit ni Gissele.

"Oh kain na." Ang yaya ni Gissele.

" Si Manang?" Ang tanong niya. Wala sa kusina si Manang Mercy.

"Dinalhan ng miryenda si Ma'am Cecil. Kumain na tayo. Gutom na din ako."

Nag uumpisa na silang kumain nang dumating si Manang Mercy.
Dumulog din ito mesa at kumain.

" Pag katapos mong kumain, Krem. Mag bihis ka. Isasama ka daw ni Ma'am Cecil sa bahay ni Sir Mattia."

"Po?" Alam na niya ang pangalan ng dalawang anak ni Ma'am Cecil.

Ang panganay ay si Daphne. May asawa na ito at sa Manila nakatira. Ang sumunod naman ay si Mattia. Ito ang namamahala sa buong hacienda. Hindi pa niya ito nakikita nang personal. Wala namang naka display na mga picture ng mga ito sa mansiyon. Tanging ang portrait lang mag asawang Dellatorre ang nasa living room ng mansiyon.

10 years na daw namayapa ang asawa ni Ma'am Cecil. May sakit ito sa puso.

"Birthday ngayon ni Sir Mattia. Doon daw siya magdi dinner sa bahay nito. Kaya samahan mo siya ha? Ikaw na din ang mag asikaso sa kanila."

"O-opo Manang." Nakaramdam siya ng kaba habang kumakain. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil hindi pa niya nakikilala si Sir Mattia.

Ano nga kayang itsura nito?

Pagkatapos mag miryenda ay naligo na siya at nag bihis. Nag palit siya nang bagong scrub suit na siyang nagsilbing uniporme nila. Yung pang itaas lang ang isinuot nya. Habang jeans ang isininuot nya sa pang baba. Isang itim na sandals naman ang isinuot niya sa paa.

Pumasok sa kuwarto si Manang Mercy. Nangingiti ito habang nakatingin sa kanya. Nginitian niya ito nang alanganin.

" Ok lang po ba itong suot ko Manang?"

"Oo naman. Tama lang yan at maulan sa labas. Alam mo ang ganda mo, anak." Ang malambing na sabi ni Manang Mercy.

Napangiti naman siya nang marinig ang itinawag nito sa kanya. Anak.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon