Chapter 7

223 6 0
                                    

Lalo pang lumakas ang ulan at hangin.

Alas sais na ng gabi ngunit wala pa si Luis upang sunduin si Krem.

Napabuntung hininga siya.

Kasalukuyang siyang nagluluto nang chicken macaroni soup.

Mukhang hindi na siya masusundo pa ni Luis. Sa lagay ng panahon ngayon ay mukhang bukas na siya makakabalik sa mansiyon.

Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi sa nangyayari.

Natutuwa siya na tila bumait na sa kanya si Mattia. Ngunit isang parte niya ang nag bibigay nang babala.

Isang babala na huwag na niyang  I entertain ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Mattia.

Ngunit mapipigil pa ba niya ang sariling hindi tuluyang mahulog dito?

Gayong tila pinaglalapit pa sila nang tadhana?

Natigil siya sa pagiisip nang marinig ang pag baba nito.

Nag kunwari siyang busy sa pag luluto nang makapasok ito sa kusina.

" The storm's already here. We're signal no. 2. Hindi ka na masusundo ni Luis."

Napatingin siya dito. Parang hindi pa siya sanay na mabait ito sa kanya. Na kinakausap siya nito.

Nahihiya tuloy siya dito.

"Tumawag ako kay Mama. Hindi na nakatuloy dito si Luis dahil may natumba daw na puno sa daan pa punta dito."

Napatango tango na lang siya.

" So...dito na po ako mag papalipas ng gabi?" Gusto niyang kutusan ang sarili.

Obvious ba, Krem? Malamang dyan ka na nga matutulog. Alangan naman sumugod ka sa bagyo para lang makarating sa mansiyon?

" Don't worry, ihahatid kita bukas  sa bahay."

"Naku, naku...wag na po. Nakakahiya na po sa inyo, Sir."

Tiningnan lang siya ni Mattia ng matiim. Lumapit ito sa may tabi niya at tiningnan ang niluluto niya.

"Smells good. Nagugutom na ako."

"A-ah s-sige po. Sandali na lang po ito. Pakukuluan ko po munang mabuti."

Sinilip ni Mattia ang kaserola.

" I think, that's enough. Gutom na ako. Kumain na tayo."

Umalis ito sa tabi niya upang mag lagay nang bowl sa mesa.

Pinatay na niya ang apoy at nag salin sa isang malaking soup bowl ng sopas.

" Careful." Ang sabi ni Mattia sa kanya habang ibinababa niya sa mesa ang sopas.

Naka hinga siya nang maluwag nang maibaba niya ang bowl.

"Cmon, let's eat."

Pinag hila siya ni Mattia nang upuan.

Nahihiya man ay umupo sya sa silyang hinila nito para sa kaniya.

Inilapit ni Mattia ang bowl nito sa kaniya. Napatingin naman siya dito.

Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa ginawa nito.

Tahimik na sinalinan niya nang sopas ang bowl nito.

Nang malagyan niya nang sopas ang sarili niyang bowl ay saka lang ito kumain.

Sweet.

Hindi niya mapigilan ang kiligin sa simpleng gesture nitong iyon.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon