Chapter 1

607 6 0
                                    

Nayakap ni Krem ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Wala pa naman siyang suot na jacket.

Sakay sila ng isang lumang pick up pa punta sa bahay ng bago niyang amo.

Isang linggo ang makalipas ng alukin siya ng trabaho ng nanay ng kaibigan niya na mag trabaho sa isang hacienda sa San Lucas, isang bayan sa Zambales bilang isang kasambahay.

Naintriga siya kung paano ang buhay sa isang hacienda kaya tinangggap niya ang trabaho. Sanay naman siya sa mga gawaing bahay. Sa katunayan ay bata pa lang siya ay namamasukan na sila ng namayapa niyang ina.

Nakadama siya ng bahagyang lungkot ng maalala ang nanay niya. Ito na lang kasi ang nagiisa niyang kamag anak. Ngunit namatay ito pagkatapos niyang mag graduate ng highschool.

Stay in silang mag ina sa isang mayamang pamilya sa Makati. Mabait naman ang pamilyang napasukan nila. Doon na siya nag kaisip at lumaki. Katunayan ay ka close niya ang anak na babae ng mga Santiago na si Chloe. Halos mag kasing edad lang kasi sila nito.

Pinag aral siya ng mag asawang Santiago hanggang sa mamatay nga ang nanay niya. Dinamdam niya ang pagkawala nito. Ito na lang kasi ang kapamilya niya pero nawala pa.

Nang taon ding iyon ay nag migrate na sa Australia ang pamilya Santiago. Hinanapan naman siya ng mga ito ng bagong  trabaho bago umalis ang mga ito.

Ngunit hindi katulad ng mga dati niyang amo ang mga bago niyang amo. Istrikto ang mga ito at mahigpit. Idagdag pa na late ang mga itong mag pa sweldo.

Pero nag tiis siya sa paninilbihan sa mga ito. Katwiran niya ay hindi naman nananakit ang mga ito.

Minsan nag labas siya ng basura sa labas ng bahay ng tawagin siya ni Lucy, ang kaibigan niya na kasambahay din sa subdivision na iyon.

Alam nito ang ugali ng mga amo niya kaya inalok siya nito na kung gusto daw niyang humanap ng ibang trabaho ay tutulungan siya nito.

Sinabi nito na nag hahanap daw ang isang kumare ng nanay nito ng isang kasambahay sa isang hacienda sa Zambales. Malaki ang sweldo at maraming benefits.

Ilang araw niyang pinag isipan kung tatanggapin niya ang trabahong iyon o hindi. Ngunit sa huli ay nag resign siya sa mga amo niya na hindi naman siya pinigilan.

At ngayon nga ay papunta na sila sa mga bagong amo niya. Napapa isip siya kung ano kaya ang ugali ng mga bagong amo niya.

Mababait din kaya ang mga iyon gaya ng pamilya Santiago, o kagaya din ng mga amo niya sa Makati na kulang mag pasweldo?

Napa buntung hininga siya. Malalaman lang niya yun pag dating niya sa pupuntahan nila.

"Doon po tayo papunta, miss. Ayun po ang bahay ng mga Dellatorre." Sabay turo sa malayo ni Luis, ang driver.

Napatingin naman siya sa direksyon ng itinuturo nito.

Automatic na napanganga siya.

Hindi lang yun simpleng bahay lang. Isa na yung mansion!!! Hindi...parang palasyo na yata!!!

Napangiti naman si Luis sa nakitang reaksyon niya.

"Ang ganda po no? Pangarap ko ding mag karoon ng ganyang kagandang bahay eh."

" Niloloko mo ako Luis. Isa na itong palasyo, hindi basta bahay lang!" Habang papalapit sila sa mansion na naka tirik sa isang mababang burol, ay hindi niya maiwasang mangarap. Na sana makatira siya sa ganung kagandang mansion.

Napatawa naman si Luis. Napakamot sa ulo.

Paakyat na sila sa driveway pa puntang mansion. Malawak ang hardin na tila isang malawak na berdeng carpet. May mga puno din kaya presko ang paligid.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon