Chapter 10

185 4 0
                                    

Pagkatapos nun, ay tila nag iba na ang turing ni Mattia sa kaniya.

Napansin ni Krem na napaka lambing pala ni Mattia. Napaka maasikaso nito at maalaga.

At tila ayaw siya nitong pakilusin sa bahay nito. Huwag na daw siyang maglinis ng bahay dahil may tatawagin na lang daw ito para mag linis ng buong bahay.

Na agad na man niyang tinutulan. Paano kung may maka alam ng tungkol sa kanila ni Mattia? Baka palayasin siya ni Ma'am Cecil sa hacienda.

Isipin pa lang na aalis siya nang hacienda ay nalulungkot na siya.

Tuloy ay silang dalawa na ang naglilinis nang buong bahay.

2 araw na ang nakalipas simula nang una siyang halikan ni Mattia. Wala na ang bagyo pero tila nakalimutan na ni Luis na sunduin siya nito sa bahay ni Mattia.

Ang sabi naman ni Mattia ay hindi pa tapos ang clearing nang daan pa punta sa bahay niya kaya hindi pa ito makapunta doon.

Hindi na siya nagtanong pa dito.
Nakabalik na nga si Mattia sa bukid at inusisa ang mga nasira sa buong hacienda.

Umaalis ito nang umaga at babalik nang tanghali.

Pero alas dos na ay wala pa din si  Mattia. Kumain na siya dahil nagutom na siya sa pag hihintay dito.

Habang wala pa ito ay naisip niya na mag tungo sa likod ng bahay.

Inayos niya ang mga halaman sa likod. Ang ibang mga halaman ay  ni repot niya. Buti na lang at may mga paso doon na walang laman.

"Maganda siguro mag tanim ng mga herbs dito." Ang na eexcite niyang sabi. Mag tatanong siya mamaya kay Mattia kung pwede siyang mag tanim ng mga herbs o kaya mga halamang gamot doon.

💗💗💗💗💗

Tahimik ang buong bahay nang makapasok si Mattia sa loob.

Kahit ang kaluskos ni Krem ay hindi niya marinig.

Wala ito sa kusina. Ah..siguro nag si siesta ito sa silid nito.

Napangiti siya. Sisilipin lang niya ito sa silid nito.

Mahinang katok ang ginawa niya sa pinto ng silid ni Krem. Nang hindi ito sumagot at binuksan niya nang bahagya ang pinto.

Napakunot ang noo niya. Wala si Krem sa loob. O kahit sa banyo nito ay wala din ito.

Lumabas na siya nang silid nito habang tinatawag ang pangalan ni Krem.

"Krem?"

Kahit sa silid niya ay wala ito.

Nag simula siyang kabahan nang malibot niya ang buong bahay sa pag hahanap dito.

Baka naman bumalik na ito sa mansiyon? Pero bakit hindi man lang ito nag paalam sa kaniya?

Tumawag na siya sa mansiyon.

Agad naman siyang sinagot nang mama niya.

"Ma, nakabalik na ba diyan si Krem?" Agad na tanong niya.

"Hindi pa. Hindi ba kasama mo siya?"

" No, ma. Wala siya dito." Kinakabahan na siya. Saan naman kaya ito pumunta?

" Oh, hindi ko pa naman siya pinapabalik dito sa mansiyon at naisip ko nga na baka kailangan mo pa nang kasama diyan sa bahay mo."

Hindi siya sumagot. Ang isip ay gumagana na kung saan niya hahanapin si Krem.

"I'll check if papauwi na siya dito, but that's absurd kung maglalakad lang siya pabalik dito. At bakit naman niya gagawin yun?"

Hindi na siya sumagot pa sa ina. Nag pa alam na siya at muling kinuha ang susi ng pick up nang makarinig siya nang nabasag na kung ano sa may likod nang bahay.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon