Chapter 5

200 3 0
                                    

Anong problema niya?

Nakakunot na napatingin si Mattia kay Krem na nasa isang dulo ng mesa. Ilang ulit na nitong inaayos ang pagkakasalansan ng pakwan sa tray. Naka tungo ito at tila nakasimangot din. Kita niya ang pag kunot ng noo at pagnunulis ng nguso nito.

"Madudurog na ang pakwan sa kaka ayos mo." Ang mahina lang niyang sabi. Sapat para marinig siya nito.

Gulat na napatingin si Krem sa kanya.

"P-po?" Tila wala sa sariling sabi ni Krem.

Napabuntung hininga siya. Really, there is something about this woman. Tila laging wala ito sa sarili. Gusto niya itong pagsabihan ngunit nag pigil siya. Naalaala niya ang sabi ng Mama niya.

Bago pa lang sya, Son. Be patient to her. Trust me, mali ka nang iniisip sa kanya.

Paano ba siya hindi magdududa sa pagkatao nito gayong tila lagi itong tuliro at wala sa sarili. Tila lagi ding malalim ang iniisip nito.

Napabuntung hininga na lang siya.

"Nothing." Kukuha na sana siya nang pakwan nang sabay nilang hawakan ang tong na pangkuha ng pakwan. Hindi sinasadyang magkahawak sila nang kamay.

Nauna siya sa tong kaya ito ang tila napahawak sa kamay niya.

Nagkatinginan sila. Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang lumukob sa kaniya. Tila may kuryente na dumaloy mula sa kamay nito patungo sa dibdib niya. Mainit ang kamay nito sa kaniyang kamay.

Tila napaso naman si Krem na agad binitawan ang kamay niya. Namumula ang mukha nito.

Muntik na niyang mahigit ang hininga niya nang bitiwan nito ang kamay niya.

Agad siyang nakaramdam ng tila panghihinayang sa nangyari. Hindi niya alam kung bakit ganito ang naramdaman niya.

Mabilis lang iyon ngunit tila tumigil ang oras ng mag katinginan sila kanina.

What's happening to him?

Siya na ang kumuha ng pakwan. Pagkatapos ay umalis na siya sa harap ng mesa na nahihiwagaan sa sarili at sa nangyari.

💗💗💗💗

Nag iinit pa rin ang mukha ni Krem.

Hindi niya alam kung may ibang nakapansin sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Sir Mattia.

Mukha namang wala dahil tila busy ang lahat sa pagkain.

"Kain na din tayo, Krem. Gutom na ako, bah!" Ang yaya ni Luz sa kanya. May hawak na itong pinggan.

Napatango na lang siya.

Nakakahiya ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Sir Mattia ngayon.

Aksidente lang naman yun. Walang ibig sabihin.

Pero nakakahiya talaga.
Nahawakan ko ang kamay niya. Shucks! Nakakahiya!!

Lalo na nang tila para siyang nakuryente nang mahawakan niya ang kamay nito. Kaya dagli siyang napalayo.

Ano ba yung naramdaman niyang iyon? Normal lang ba yun?

Tila isang kuryente iyon na masarap sa pakiramdam. Hindi nakakasakit ngunit nagdadala ng kakaibang kiliti sa katawan niya. Mula sa kamay paakyat sa may dibdib niya.

Shit, anong nangyayari sa kaniya???

Nagugulo man ang isip ay sumabay na din siya sa pagkain ni Luz.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon