Naka pasok na sila sa loob ng treehouse. Kasalukuyang silang nasa dinning area na nasa unang palapag ng bahay. Inaayos ni Krem at Luis ang pagkain mga pag Kain. Hindi niya alam kung nasaan ang mag inang amo niya. Mabuti na siguro yun. Ewan niya pero hindi siya kumportable na nasa malapit lang si Sir Mattia.
Paano naman, kung tingnan siya nito ay tila isa siyang kriminal. Ang sama ng tingin nito gayong wala naman siyang ginagawang masama. Ang sama tuloy ng loob niya.
Patapos na sila nang bumaba ang mag ina mula sa second floor.
"Mag dinner na muna tayo, son, pag katapos saka mo ipakita sakin yung plano." Narinig niyang sabi ni Ma'am Cecil.
Nag kunwari siyang busy sa pag aayos ng mesa nang makalapit ang mag ina. Iniiwasan niyang tumingin kay Sir Mattia.
"Kumain na tayo. Sumabay na kayo, Luis, Krem."
"Mamaya na po ma'am. Mauna na po kayo." Ang nahihiyang sabi ni Luis.
"I insist, c'mon. Birthday naman ni Mattia eh. C'mon Krem. Saluhan mo kami." Ang nakangiting sabi ni Ma'am Cecil.
Alanganing napatingin si Krem sa amo niyang babae. Hindi na siya tumingin kay Mattia dahil alam niya na masama na naman ang tingin nito sa kaniya.
" Masamang pinag hihintay ang pag kain. Maupo na kayo." Ang malalim na boses ni Mattia ang narinig niya. Naupo na ito sa kabisera ng mesa.
"Sit down, sit down."
Sinenyasan siya ni Luis na maupo kaya naupo na din siya. Katabi niya sa upuan si Luis na katapat naman si Ma'am Cecil.
Si Ma'am Cecil ang nag lead ng prayer. Pag katapos ay kumain na sila. Panay ang kuwento ni Ma'am Cecil habang tahimik lang na nakikinig si Mattia sa ina.
Naisip tuloy niya kung kanino nag mana si Mattia ng ugali nito. Malamang hindi kay Ma'am Cecil. Napaka bait ng ginang samantalang pinaglihi yata sa sama ng panahon si Mattia. Napaka tahimik nito. Tango at iling lang ang sinasagot nito sa ina. Ewan niya kung ayaw lang nito na mag salita kapag may ibang tao sa bahay nito.
Nang matapos sila sa pagkain ay iniligpit niya ang mga pinag kainan sa kusina. Katulong pa din niya si Luis. Pasalamat na lang siya at nandoon ito at kasama niya. Kung hindi baka inatake na siya sa puso doon. Hiling niya na sana ay bumalik na sila sa mansiyon.
Ngunit tila wala pang balak umuwi si Ma'am Cecil. 8:30 na ng gabi.
Naiwan siya sa ay kusina at nag huhugas ng pinggan. Lumabas muna si Luis.
Panay ang buntung hininga niya. Gusto na talaga niyang bumalik sa mansiyon. Pakiramdam niya ay sinasakal siya sa treehouse na iyon. Siguro kasi feeling niya ay hindi siya welcome sa bahay na iyon. Ang ganda pa naman ng bahay na iyon. Nais niyang mag libot sa buong bahay pero alam niya na hindi yun magugustuhan ni Sir Mattia.
Wala itong tiwala sa ibang tao, Lalo na sa hindi nito kilala. Understandable naman yun syempre kasi ngayon pa lang sila nag kita.
Sana lang wag naman nito siya husgahan agad. Hindi siya sanay na makasalamuha ng ganoong klaseng tao.
Well, iba iba naman ugali ng mga tao. Isa pa wala naman siyang magagawa. Amo niya ito, kahit pa hindi siya direktang nag ta trabaho dito.
Napabuntunghininga ulit siya. Hindi niya dapat seryosohin ang ganoong mga bagay.
Tama, trabaho lang ito.
"Excuse me."
"Ay, kabayo!!" Nabitawan ni Krem ang hinuhugasang baso. Lumikha iyon ng ingay sa lababo. Pag angat niya sa baso, napansin niya na nabasag iyon!
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...