Inihatid siya ni Luis sa bahay ni Mattia ngunit agad din itong umalis.
May pupuntahan pa daw ito sa bayan at may pinag uutos pa dito si Ma'am Cecil.
Kakaunin na lang daw siya nito doon.
Ayaw sana niya pero wala siyang magawa nang umalis ito.
Umuulan na noon. Buti na lang at may bubong ang harapan ng bahay ni Mattia. Kipkip niya sa dibdib ang maliit na bag ng grocery. Habang may dalawa pang bag ng grocery sa may paanan niya.
Kanina pa sya katok ng katok sa pinto ngunit tila wala si Mattias doon.
Nasaan kaya yun? Hindi kaya wala ito sa bahay? Ngunit kakagaling lang nito sa sakit. Mahigpit ang bilin ni Ma'am Cecil na wag muna itong magtrabaho.
"Sir! Sir!" Nilakasan nya ang tawag at katok sa pinto ngunit wala pa din.
Hindi kaya..
Agad siyang kinabahan sa naisip. Hindi kaya may nangyari ditong masama sa loob kaya hindi nito napagbubuksan ang pinto?
Sa naiisip ay mas nilaksan pa niya ang katok sa pinto. Halos bayuhin na niya ang pinto.
" Sir! Naririnig nyo po ba ako?! Sir!" Sunod sunod ang malakas na katok niya sa pinto.
"Baka magiba na ang pinto ko sa kakakatok mo."
Napapitlag sya nang marinig ang pamilyar na boses nito. Napalingon sya sa likuran.
Ayun si Mattia at nag huhubad ng suot nitong kapote. Isinabit nito iyon sa may gilid malapit sa may pinto.
" What's that?" Nasa mga dalang grocery nya ito nakatingin.
"Ah- p-padala po ng Mama nyo, Sir. Mga g-grocery po." Na ngangatal na sabi niya. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya pag ka kita niya dito.
Napa kunot naman ito habang nakatingin sa kanya.
May kinuha ito sa bulsa pag katapos ay lumapit ito sa kanya.
Umisod siya upang mabuksan nito ang pintuan. Binuksan nito ng maluwang ang pinto.
" Get in." Matiim ang matang nakatingin ito sa kaniya.
Agad na kumilos ang mga paa niya papasok ng bahay. Tila sinisilihan siya. Gusto niyang makalayo dito.
Dinala niya ang grocery sa mesa sa kusina.
Paatras na sya upang kunin ulit ang mga naiwan pang grocery sa labas ng bumangga ang likod niya sa isang matigas na bagay.
Hindi pala bagay kundi katawan.
Gulat na napaharap siya.Nakasunod na pala sa kaniya si Mattia bitbit ang mga bag ng grocery.
" Careful. Ano bang nangyayari sayo?" Mahina nitong sabi sa seryosong tinig.
Ayun na naman ang mga mata nito. Matiim na nakatingin ito sa kanya. Bahagya pang nakakunot ang noo nito.
" Ah- s-sorry po Sir." Mahina din niyang sabi.
Ano bang nangyayari sa kaniya?
Ibinaba nito ang dalawang bag sa mesa.
"Mag bibihis lang ako." Sandali siya nitong tiningnan pag katapos ay lumabas na ng kusina.
Gustong nyang batukan ang sarili.
Pakiramdam niya ay may batong nakadagan sa dibdib niya. Hindi niya alam ngunit tila may nag iba kay Mattia. Simula nang makita niya ito kanina. May iba din sa paraan ng tingin nito sa kaniya. Parang hindi na ito masungit.
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...