Isang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang construction ng beach resort.
Isang malaking Villa ang itatayo malapit sa may beach.
Para manatili ang pagiging private nang resort, isang Villa lang ang ipapatayo nila.
Thru online lang ang pag bo book ng reservation sa resort.
Sigurado siya na ma eenjoy nang mga bisita ang pag stay sa resort dahil masosolo ng mga ito ang buong beach. Perfect na perfect sa mga mag honeymoon ang resort. Pwede din sa mga family outing at mga mag kaibigan na gusto mag bonding.
Magiging isang World Class Beach Resort ito na tatawagin nilang Villa Dellatorre Beach Resort.
Kahit may pag aalinlangan ay nakakaramdam din naman ng excitement si Krem sa project nilang iyon.
Marami din kasing matutulungan ang resort na iyon, lalo na sa mga taga hacienda.
Busy ang lahat ng may kinalaman sa resort, maliban sa architech nang project, si Mattia.
Isang linggo na din niya itong hindi nakikita mag mula nang mag dinner sila sa mansiyon. Hindi niya Alam Kung nasaan ito o kung ano ang ginagawa nito ngayon.
Sabagay, natapos na naman nito ang design nang resort. Ipinadala nito ang design kay Daphne.
Akala ba niya ay magiging hands on ito sa project nila? Bakit ni anino nito ay hindi nag papakita sa kaniya?
Baka kasama nito si Jewel?
Nitong mga nakaraang araw ay napuno nang katanungan ang isip niya.
Isa lang ang alam niya. Wala sa mansiyon si Jewel.
Gusto niyang itanong ay Daphne kung bakit wala sa mansiyon si Jewel ngunit pinigil niya ang sarili niya. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kaniya.
Pero paano pa niya malalaman ang totoo kung hindi siya mag tatanong?
Maaga siyang bumalik nang mansiyon mula sa beach.
Tiningnan kasi niya ang ginagawang contruction ng Villa.
Tatawag daw ang papa niya mamaya kaya nagbalik na siya agad sa mansiyon.
May bisita si Tita Cecil, nang makarating siya nang mansiyon. Nakatalikod ito habang nakaupo sa may living room.
Kinawayan siya ni Tita Cecil nang makita siya nito. Nakangiti ito sa kaniya. Ngunit may kakaiba sa ngiti nito ngayon.
"Hija, dumating ka na pala."
Tumayo ito mula sa pag kakaupo.
Lumapit naman siya dito at hinalikan ito sa pisngi.
"Tatawag daw po kasi si Papa mamaya." Nang mapatingin siya sa babaeng kasama nito ay natigilan siya.
Hindi siya pwedeng magkamali.
Ito si Jewel. Ang first love ni Mattia. At ang babaeng nakatakda para dito.
Nakangiti ito sa kaniya. Mukha namang genuine ang ngiti nito sa kaniya kaya gumanti siya nang ngiti.
" You must be, Ms. Wong." Ang nakangiting Sabi ni Jewel.
"Yes, and you are..."
"Jewel, Jewel Sandoval. It's so nice to meet you, Ms. Wong."
"Call me Krem, please, can I call you Jewel?"
"Of course, of course." Ang nakangiti nitong sabi.
Tipid na nginitian niya ito.
So ito pala si Jewel.
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomansaIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...