Kanina pa sa itaas si Mattia, kaya minabuti ni Krem mag linis muna sa loob ng bahay.
Nag walis siya at nag punas ng mga kasangkapan. Halos lahat ng mga gamit sa bahay ay gawa sa kahoy.
Bahagyang humina ang ulan at hangin bago mag tanghali. Nakapagluto na siya nang sinigang na baboy para sa tanghalian.
Saktong alas dose nang bumaba si Mattia.
Tipid na ngumiti siya dito nang makalapit ito sa kaniya. Nasa tabi siya nang bintana malapit sa may front door.
"Nakaluto na po ako nang tanghalian. Gusto nyo na pong kumain?"
Tumitig lang ito sa kaniya.
Ayun na naman ito sa pagtitig nito sa kaniya.
Oh please po, sir...wag kayong ganyan! Natutunaw po ako!!
" Kumain na tayo." Nag patiuna na ito sa paglalakad pa puntang kusina.
Sumunod siya dito ngunit bumangga ang mukha niya sa dibdib nito nang pumihit ito paharap sa kaniya.
"Aray ko po!" Napa pikit siya nang bumangga ang ilong niya sa dibdib nito. Subsub ang mukha nya dito.
Lumipas ang sandaling katahimikan.
Saka lang niya natanto ang sitwasyon. Tinangka niyang lumayo dito ngunit naka pulupot na ang isang bisig nito sa baywang niya.
Dahan dahan siyang napatingala dito. At hindi siya nagkamali nang makita ang maitim nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.
Napalunok siya nang mapatingin siya sa mga labi nito.
Ano kaya ang feeling nang mga labi nito sa mga labi niya?
Hindi pa siya kahit kailan nahahalikan sa labi. At matutuwa siya kung ito ang magiging first kiss niya.
Pero hindi tama to! Mali to! Mali!!!
" S-sir?" Alanganin niyang sabi.
" I want to kiss you."
"Hah?" Parang tangang sabi niya.
Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa puso sa sinabi nito.Tama ba siya sa narinig niya?
" And you can't stop me Krem." Halos bulong na lang yun. Unti unting bumaba ang mukha nito sa kaniya.
Napapikit siya nang lumapat ang mga labi nito sa kaniyang mga labi.
Ah...ito pala yung pakiramdam na mahalikan.
Para siyang idinuduyan sa banayad na pag halik nito sa kaniya. Tila ingat na ingat ito sa pag halik nito sa kaniya.
Napakapit ang mga kamay niya sa suot nitong t-shirt.
Nang ilayo nito ang mga labi nito sa kaniya ay pakiramdam niya'y may nawala sa kaniya.
Napamulat siya nang mga mata. Salubong sa mainit nitong mga matang nakatingin sa kaniya.
Wala itong ibang sinabi. Nakatitig lang ito sa kaniya na tila pinagsasawa ang mga mata nito sa kanyang mukha.
He planted another kiss in her lips. Pag katapos ay hinila na siya nito patungo sa kusina.
At gaya kanina. Nilagyan nito nang kanin ang pinggan niya pagkatapos ay pinag salin pa siya nito nang sinigang sanisang maliit na bowl.
" Eat up." He said softly. A little smile form in his lips.
At tila nahipnotismo siya sa ngiting iyon ni Mattia.
Ngayon lang niya nakita ang mga ngiting iyon. At pakiramdam niya ay nag kantahan ang mga anghel sa langit.

BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
Storie d'amoreIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...