Chapter 4

212 3 0
                                    

" O kumpleto na ba itong mga dala nyo, ha, Luz, Krem?"

"Opo, Manang." Duet na sabi ni Krem at Luz.

Patungo sila ngayon sa palayan at mag dadala ng mga pagkain para sa mga magsasaka.

Yun ang huling araw ng anihan kaya naman nag pa handa ng masarap na tanghalian si Maam Cecil.

At sila ni Luz ang naatasan na mag hatid ng mga pagkain.

Gusto man niyang tumutol ay wala siyang magawa.

Sigurado siya na andun si Sir Mattia.

Napa buntung hinga siya.
Alam niya kung bakit tila masama ang tingin nito sa kanya.  Nag dududa kasi ito sa pag katao niya.

Na i kwento na sa kanya ni Luz kung bakit tila galit si Sir Mattia sa kanya. Nalaman niya na napasok pala ang mga ito dati ng isang masamang tao na nagpanggap na kasambahay.

Pinag nakawan ang mga ito pagkatapos silang bigyan ng pampatulog.

Natuklasan nila na ninakawan sila dahil nawawala ang Ilan sa mga mamahaling gamit ni Ma'am Cecil at Ma'am Daphne. Pati mga Cellphone at wallet ng mga kasambahay ay hindi pinatawad.

Kaya naman naging maingat na ang mga ito sa pag pili ng mga bagong kasambahay.

Nag kataon siguro na kilala ng mga ito ang nag refer sa kanya kahit papaano ay may tiwala ito sa kanya.

Sana may tiwala din sa kanya si Sir Mattia.

Napabuntung hininga siya. Naiintindihan naman niya kung bakit ganun ang reaksyon nito sa kanya. Nag iingat lang ito.

Handa naman syang ipakita ang tunay nyang pag katao. Na mali ang iniisip nito tungkol sa kaniya.

"O sya sige na, humayo na kayo."

10 pa lang naman ng umaga. Matagal pa bago mag tanghalian. Ngunit gusto ni Manang Mercy na makapag handa sila ng husto bago mag tanghalian ang mga magsasaka.

Sakay sila ng pulang pick up. Si Luis ulit ang driver nila.

"Ay, naku, mabibilad na naman ako sa arawan nito." Ang reklamo ni Luz habang makasakay na sa pick up.

" Hu, eh ano pang nirereklamo mo? Hindi ka na puputi." Pang aasar ni Luis.

"Che! Ewan ko sayo Luis! Wag mo ako umpisahan." Sabay inhos ni Luz.

Napatawa naman siya sa biruan ng dalawa.

"Saan nga pala ang palayan dito, Luis?" Ang tanong niya.

"Naku, dun pa banda doon. Lampas pa ng manggahan."

" Ah..." Talaga palang napakalawak ng haciendang iyon. Naka 3 linggo na siya doon ngunit hindi pa sya nakakalibot sa buong hacienda.

Pwede naman siyang mamasyal kapag wala nang gawa sa mansiyon, ngunit nahihiya naman siyang mag pasama kay Luz o kay Gissele.

Pag karaan ng sampong minuto ay matatanaw na niya ang malawak na taniman ng palay. Abala ang mga magsasaka sa pag aani palay.

Agad niyang napansin sa karamihan ang weirdo nilang amo.

Naka suit ito ng long sleeve na pantrabaho sa bukid at pantalon.  Busyng busy ito sa pag sasalansan ng sako ng mga palay.

Stand out ito sa karamihan, palibhasa ay matangkad ito.

Tumigil ang pick up sa tabi ng daan malapit sa isang open na kubo. Doon nila dinala ang mga dala nilang pag kain.

Isang matandang babae ang lumapit sa kanila. Nakangiti ito sa kanila, particular sa kanya.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon