Kinabukasan, mas malakas ang hangin at ulan sa paligid.
Dinig niya ang pagsipol ng hangin at ang pag hampas nito sa sliding door.
Alas singko na ng madaling araw.
Bumangon na si Krem at inayos ang kama.Napatingin siya sa silid ni Mattia.
Tulog pa siguro ito.Napangiti siya nang maalala ang naging pagbabago ng pakikitungo nito sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ok na sila nito ngayon. Na hindi na siya nito sinusungitan.
Bumaba na siya at nagtungo sa kusina ngunit napatigil siya nang makita na bukas na ang ilaw sa kusina.
Naiwan ba niya iyong bukas kagabi?
Pag pasok sa kusina ay nakita niya ang naka talikod na katawan ni Mattia.
Nakaharap ito sa lutuan. Base sa usok na pumapasok sa exhaust fan na nasa tapat ng stove, ay may niluluto ito.
"Good morning po Sir." Nag aalangan niyang bati dito.
Agad naman na napalingon ito sa likod.
"You're up already. Maaga pa."
Sanay na sanay ang pagkilos nito sa kusina.
Mukhang hindi nga nito kailangan ng katulong doon dahil marunong ito sa mga gawaing bahay.
Hay... Gwapo na, marunong pang magluto at marunong sa mga gawaing bahay. Pang ideal husband talaga.
Wait. Saan nanggaling yun???
Lumapit siya malapit sa tabi nito.
"Sir, sana po tinawag nyo na lang po ako para ako na po ang nagluto." Nahihiya tuloy siya na tila mas maaga pa itong nagising kaysa sa kaniya.
"Silly." Tanging sinabi nito na tila walang sense ang sinabi niya.
"Eh..sir..-"
"Can you make us coffee? Black for me, ikaw, do you like coffee or hot choco?"
Hindi ito tumitingin sa kaniya, nakatutok ang atensyon nito sa niluluto nitong fried rice. Nakaluto na din ito nang pritong itlog, at daing na bangus. May ginayat na din itong kamatis at itlog na pula.
" Kape na din po sakin."
Tahimik siyang nag timpla nang kape para sa kanilang dalawa.
Nang makapag hain si Mattia nang almusal sa mesa ay hinila nito ang isang upuan at tumingin sa kaniya. Tila sinasabihan siya na maupo.
Nahihiyang naupo na naupo siya. Ambait naman nitong amo. Naiilang tuloy siya. Pinag hila pa siya nito nang upuan.
Alam niyang hindi normal na gawain iyon ng isang amo sa katulong nito pero ano bang ibig sabihin ng ikinikilos nito?
Bibigyan ba niya nang kahulugan ang kakaiba nitong trato sa kaniya?
Baka naman nag aassume ka lang, Krem? Talaga sigurong mabait lang si Mattia sa mga katulong.
" Eat up. Gusto mo ba nang daing na bangus?" Akmang lalagyan siya nito nang fried rice.
"Naku, sir! A-ako na lang po." Ano bang nangyayari sa amo niya? Katulong lang siya. Katulong! Hindi siya dapat nito trinatrato nang ganun!!
Inagaw niya ang sandok nang kanin dito. Kaya naman naglapat ulit ang kamay nila.
Kakaibang pakiramdam na naman ang lumukob sa kaniya nang maramdaman ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...