Seryoso niyang tiningnan si Mattia.
Bakit bigla bigla siyang tinanong nito nang ganun?
" Priority ko ang pag aaral ko ngayon. At itong project."
"You didn't answer my question, Krem." Seryoso din ang tingin ni Mattia sa kaniya.
Ano bang gusto nitong palabasin?
"I'm not ready to enter into a relation, at least not yet." Ang tipid niyang sabi. Iniiwas na niya ang tingin dito.
"Oh, Krem, Luke Lauren is a good catch but a ladies man. " Ang sabi ni Jewel.
Tipid siyang ngumiti kay Jewel.
"Like I've said, hindi ko pa priority ang maki pag boyfriend." Ang tipid niyang sabi dito.
" Oh hija, someday you'll find the right man for you, don't worry." Ang malambing na sabi ni Tita Cecil.
Gusto niyang sabihin kay Tita Cecil na nahanap na niya ang lalaking para sa kaniya. Pero siya naman ang hindi para dito.
"But she already did, mama. And she choose to run away from him." Ang matapang na Sabi ni Mattia habang nakatingin sa kaniya.
Tila dumaan na naman ang anghel sa pagitan nilang lahat.
Matalim na tiningnan niya ito.
Ano bang gusto nitong palabasin? Hindi ba ito nahihiya kay Jewel at tinatanong siya nito nang ganoon? Sobra naman yata ito!
"Mattia..." Ang sabi ni Tita Cecil.
Napansin ni Krem ang pagiging uneasy ni Jewel.
" I don't know what you're saying." Ang matalim niyang sabi kay Mattia.
"Really? Don't you remember your last day here, Krem?"
"Mattia, please..." Ang pakiusap ni Tita Cecil. Hinawakan nito ang kamay nang anak na nasa mesa.
Naningkit na ang kanyang mata dito. How dare him to asked her that question! Wala ba itong kahihiyan kay Jewel?
" I'm sorry Tita, pero sumama po ang pakiramdam ko. Excuse me." Tumayo na siya at umalis na nang dinning area.
Nang makarating nang kwarto niya ay nahiga siya sa kama.
Napaluha na lang siya sa sama nang loob. Bakit siya sinasakyan nang ganoon ni Mattia? Bakit kung umasta ito ay parang siya pa ang masama? Hindi siya ang nanakit kundi ito! Ito ang masama at hindi siya!
Oh, gusto na niyang umalis doon. Lalo lang siyang nasasaktan kapag nakikita si Mattia. At sigurado siya na hindi pa yun ang huling beses na magkakasagutan sila.
Napaiyak na lang siya.
💗💗💗💗💗
Nakatulog si Krem mula sa pag iyak niya.
Naalimpungatan siya nang tila may humahaplos sa kaniyang pisngi.
Naalaala niya ang mga haplos ni Mattia sa kaniya. Ganoon na ganoon ang pakiramdam niya sa tuwing hinahaplos siya ni Mattia sa mukha.
Agad na napabangon siya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nanlalaki ang mata niya kay Mattia.
Naka upo si Mattia sa gilid ng kama. Matiim ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
Hindi ito sumagot, muling umangat ang kamay nito upang haplusin ulit ang pisngi niya.
Iniiwas niya ang mukha niya dito.
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...