Kanina pa nililingon ni Mattia si Krem sa mga mesa nang mga kababaihan.
Nag iinuman na ang mga ito doon at kasama si Krem sa mga nag iinom.
Kanina pa rin hindi maipinta ang mukha niya.
Kanina bago mag inuman ang mga ito ay nakita niya na umalis si Krem. Hindi niya alam kung saan ito nag punta. Pag balik nito ay tila namumugto ang mga mata nito na tila kakagaling sa pag iyak. Ni hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. Tapos nang mag simulang mag inuman ang mga kababaihan sa mesa ng mga ito ay sumali pa ito.
Nag sasalubong ang mga kilay niya sa tuwing tumatagay ito nang lambanog. Hindi niya alam na marunong pala itong uminom nang alak.
Nagkakantahan na ang mga babae. Senyales na lasing na ang mga ito.
Dinig na niya ang malakas na tawa ni Krem hanggang sa puno nang sampalok.
Kanina pa din siya umiinom pero dahil mataas ang tolerance niya sa alak ay hindi pa siya masyadong nalalasing. Kaya pa niyang makapag maneho.
"Ang halik mooooo! Namimiss ko!" Ang duet na kanta ng mga kakabaihan ngunit nangingibabaw ang boses ni Krem. Lasing na talaga ito.
"Bakit iniwan mo akoooooo oohhhh!"
That's it.
Tumayo na siya at nag pa alam sa mga nag iinom. Hindi naman tumutol ang mga iyon dahil alam ng mga ito na hindi niya ugali ang magpaka lasing sa alak.
Inilang hakbang niya ang mesa ng mga kababaihan. Pagkatapos ay hinawakan niya sa braso si Krem.
"Let's go. Lasing ka na." Ang seryoso niyang sabi. Gusto niyang pagalitan ang mga kasama nito sa mesa dahil hinayaan ng mga ito na malasing si Krem ngunit nag pigil siya.
Inalalayan niya si Krem na makatayo.
"Ay aalis n-na p-pala kami.. ng boss ko..diyan nha kayo m-mga ghurls! Babu!" Nag pa akay naman si Krem sa kanya.
Nag pa alam na siya sa may birthday at kay Nanang Pilar na hinatid sila sa pick up.
Maingat na ipinasok niya sa kotse si Krem pagkatapos ay nilagayan ng seatbelt. Tila nakatulog na ito sa pag kakaupo kaya bahagya niyang ibinaba ang sandalan nang upuan nito.
" Naku, nalasing yata nang sobra si Krem." Ang nag aalalang sabi ni Nanang Pilar. Hindi na siya nag komento tungkol doon. Nag paalam na lang siya at umalis na sila doon.
Ginabi na sila sa daan. Alas nuwebe na nang gabi.
Hindi niya alam kung bakit nakipag sabayan si Krem sa mga kainuman nito.
Napapailing na sinulyapan niya si Krem. Parang napa awa naman siya dito.
Ang kanyang si Krem.
Saglit na hinaplos niya ang mukha nito nang tila nagsalita ito.
"Bwisit ka..." Mahina nitong sabi pero narinig niya.
Napa kunot noo siya.
Galit ba ito? Kanino naman kaya ito galit?
"Ayoko na sayo..." Muling bulong nito...
Napa lingon siya dito.
Nagulat na lang siya nang bigla itong umiyak nang malakas. Na I preno tuloy niya ang pick up.
Nakasubsub ang mukha ni Krem sa mga palad nito habang umiiyak. Umaalog ang mga balikat nito sa pag iyak.
Gulat na gulat naman siya kung bakit ito nag kaka ganoon. May dinaramdam ba ito? May masakit kaya dito?
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...