Tahimik silang kumakain. Tanging si Daphne lang ang nagsasalita sa kanila. Napaka daldal pala ng kapatid ni Mattia.
Hindi tuloy maiwasan ni Krem na mapangiti sa mga kuwento nito tungkol sa kabataan ng mga ito ni Mattia.
"Hindi ka ba napapagod, Daphne? Eating and talking at the same time?" Naaasar na tanong ni Mattia.
" That's my talent, brother."
"That's a bad etiquette my dear sister. Have you forget your manners?" Napipikon na Sabi ni Mattia.
Ngunit hindi naman na apektuhan si Daphne. Nginisian pa nito ang kapatid.
Binalingan siya ni Daphne.
" Hindi kita masisisi kung ma bored ka dito sa bahay, Krem. Don't worry isasama kita sa may dagat. Mag swimming tayo."
"No." Ang seryosong Sabi ni Mattia.
"Anong no? Wala pa naman siyang ibang ginagawa. You're free today, right Krem?"
"Ah--"
"She's not going with you Daphne. And that's final." Tumayo si Mattia. At lumabas nang kusina.
Napa sunod na lang siya nang tingin dito.
"Don't mind her, Krem. Mag saya tayo. Minsan lang naman eh. Ako ang bahala kay Mattia."
Alanganin siyang napangiti. Mukha namang mabait si Daphne kaya agad na napalagay ang loob niya dito.
Pagkatapos kumain ay nagtungo na si Daphne sa guestroom na katabi nang sa kaniya.
Habang siya ay naiwan sa kusina.
Napa pitlag siya nang may yumakap sa kaniya mula sa likod .
"Mattia!" Mahina niyang sabi dito. Kinabahan siya dahil baka makita sila ni Daphne, ano na lang ang sasabihin nito?
" I miss you, babe..." Hinalikan siya nito sa balikat niya.
"B-baka bumaba ang kapatid mo Mattia." Akmang tatanggalin niya ang mga braso nito nang Lalo pang humigpit ang pagkakayapos nito sa kaniya.
"So? I don't care."
Nanlalaki ang mga mata na ipinihit siya ni Mattia paharap dito.
" M-mattia...si D-dapne.??"
" She's upstair. Don't mind her, babe. God, I miss you already.." Sabi ni Mattia sabay halik sa kaniya.
Napapikit siya nang halikan siya nito. Bakit nga ba ganoon ang nararamdaman niya? Halos lagi naman silang mag kasama nito ngunit tila lagi siyang nasasasabik dito. Lalo na ngayon na may nangyari na sa kanila. It seems like they can't get enough of each other.
Habol niya ang hininga nang pakawalan nito ang mga labi niya.
"M-mattia,...baka..makita tayo ni Daphne.."
"I don't care...kahit makita pa niya tayo." Akmang hahalikan siya ulit nito pero pinigilan niya ito. Itinakip niya ang isang kamay niya sa bibig nito.
" Mattia..please..." Nakikiusap na Sabi niya kay Mattia.
Inalis naman nito ang kamay niya ang held it tightly.
"Please what?" Nanunudyo ang ngiti nito sa labi.
Hindi niya maiwasan ang mapangiti dito.
"Hindi ako nag bibiro, Mattia. Ayokong makita tayo ni Daphne." Seryoso na niyang sabi.
Napa kunot naman ang noo nito.
"Why? Ayaw mo bang malaman niya ang tungkol sa atin?"
"Kailangan ba niyang malaman?"

BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...