Chapter 17

214 6 0
                                    

One year later. Singapore.

Nakapangalumbaba si Krem sa arm rest ng couch na inuupuan niya. Kanina pa siya doon sa opisina nang ama. Iniintay niya ito dahil mag papa alam siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na makikila pa niya ang kaniyang ama.

Si Leon Wong. Isang half Filipino, half Chinese na businessman na naka base sa Singapore.

At hindi lang ito basta business man, kundi isa itong multi billionaire business man.

At sa tuwing ikukuwento nito kung paano nito nakilala ang nanay niya ay namamangha pa rin siya.

Akalain ba niya na sa kanyang pag babalik nang Maynila ay hinahanap na pala siya ng ama?

Pag balik na pagbalik niya sa Maynila ay pinuntahan niya ang bahay ng pamilya Santiago. Nag babakasali na nakabalik na ito ng bansa. Nang maka usap niya ang bagong pamilyang nakatira sa bahay na yun ay tinanong siya nang may ari kung siya yung anak ng dating katulong doon. Nang sabihin niyang oo, may ibinigay itong isang business card sa kaniya. Hinahanap daw siya nang nasa business card na iyon.

Nag taka siya dahil wala naman siyang kilala na Leon Wong.

Pero pinuntahan na din niya ang nakalagay na office address dahil baka pwede siya nitong matulungan na makahanap ng trabaho.

Nang makaharap niya si Leon Wong ay napansin niya na may pagkakahawig sila nito.

Laking gulat pa niya nang bigla siya nitong yakapin.

Ito daw ang kanyang ama!

Ipinaliwanag nito kung paano nito nakilala ang kaniyang ina.

Nag kakilala daw ang dalawa sa isang bar na pinagtrabahuhan ng Nanay niya. Alam naman niya na nakapag trabaho ito sa bar bago pa daw siya ipanganak. Nagkaroon daw ang mga ito ng relasyon. Ngunit nagkahiwalay ang mga ito dala na rin nang malaking agwat nila sa buhay.

Bumalik daw si Leon sa Singapore na hindi nalaman na nag bunga ang pagmamahalan ng mga ito. Kailan lang nito nalaman ang tungkol sa aniya nang hindi sinasadyang makaussap nito ang dating kasama ng nanay niya sa bar. At sinabi daw nito sa kanyang ama na may anak ito sa Nanay niya. At siya nga yun.

Simula noon ay nagbago na ang buhay niya.

Mag mula sa isang pagiging kasambahay, ngayon ay tila isa na siyang prinsesa.

Hindi lang siya nag karoon ng isang ama dahil nalaman niya na may roon din siyang kapatid na lalaki na matanda sa kaniya nang apat na taon. Anak ito nang asawa nito na limang taon na ding patay. Ito ang katuwang ng papa niya sa pag papatakbo ng kompaniya ng mga ito.

Pag aari lang naman nila ang ilang chains of restaurant and hotel sa buong asia and some parts of Caribbean. Ang Leon Wong International.

At siya naman, ay nag sisimulang mag aral muli. Home schooling ang ginagawa niya kaya hindi masyadong hectic ang schedule nang pag aaral niya. Business Management ang kinukuha niyang kurso.

At ngayon nga ay nandon siya opisina nang ama upang mag pa alam sa isang party na pupuntahan niya.

Niyaya kasi siya nang kaibigan slash classmate niya sa isang party nang nanliligaw dito.

Natigil siya sa pag iisip nang bumukas ang pinto ng opisina.

Nakangiting tumayo siya.

"Papa." Ang nakangiting bati niya sa ama.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Leon ng makita siya.

"What a surprise, darling! I didn't expect na pupunta ka dito?" Ang nakangiting sabi nito habang niyayakap siya.

" I have something to tell, you Pa." Alanganin siyang ngumiti.

"What is it dear? Nag lunch ka na ba?" Tanong nito. Umupo ito sa likod nang mesa nito na nasa gitna ng opisina.

"Yes, Papa. Ahm...may ipag papa alam lang po sana ako sa inyo."

Napaka kunot ang noo ni Leon pero nakatingin ito sa binabasa nitong mga papeles.

" What is it dear?" Ulit nito.

Lumapit siya sa upuan na nasa tapat ng mesa nito.

" May pupuntahan sana kaming party ni Margie bukas. Sa Grand Palace Hotel gaganapin."

" Bukas?"

"Yes, Pa." Payagan sana siya nito. Minsan lang naman siya lumabas.

Napailing si Leon.

" I'm sorry, sweetheart, but I need you to come with me sa launch nang Palacio Casino bukas ng gabi."

" Bukas din po nang gabi?" Nakadama siya nang panghihinayang.

"Yes. Liam wasn't here kaya you're going with me sa launch."

Napa buntung hininga siya. Oo nga pala, kaaalis lang ni Liam pa puntang Germany para kausapin ang isang potential investor nila.

And since tine training na din siya ng Papa niya sa pag papatakbo ng kumpanya madalas ay isinasama siya nito sa mga meetings and party na may kaugnayan sa business nila.

"I'm sorry to ruin your plan, sweetheart, but this is important for us."

Nakaka unawang ngumiti siya.

Napaka bait nang kaniyang papa. Sa loob ng isang taon na magkasama sila ay halos ibigay na nito ang lahat sa kaniya. Ini spoil siya nito. Minsan ay sinusurprise siya nito nang mamahaling mga gamit at alahas.

At kahit si Liam ay napaka bait din sa kaniya. Agad na tinanggap siya nito nang makilala siya nito. At ngayon nga ay super close din silang mag kapatid. And sometimes he's spoiling her also.

Kaya paano ba niya matatanggihanan ang ama niya?

"It's ok, pa. May next time naman ." Hindi na lang siya sasama kay Margie. Mamaya ay tatawagan niya ito.

" Thank you dear. Don't worry, babawi si Papa sayo." Ang nakangiti niyang sabi.

"Oh no, Pa. Ok lang talaga." Tila may plano na naman itong bilhan siya nang kung ano.

"Basta, bukas may surprise ako sayo." Ang nangingiti nitong sabi.

Na intriga naman siya sa sinabi nang ama, ngunit wala na itong ibang sinabi pa.

Umuwi na siya sa mansiyon nila. Hindi siya pinapalabas nang papa niya na walang kasamang body guard. Ngayon ay dalawa na ang body guard niya.

Nung unang sabihin nang ama niya na magkakaroon siya nang body guard ay natakot siya.

Hindi Naman daw uso sa Singapore ang kidnapping pero mabuti na daw ang nag iingat. Balak pa nga nang papa niya na kumuha pa nang isa pa niyang body guard kung hindi lang niya ito napigilan agad. Minsan ay oa din kasi itong mag alala sa kaniya. But she loves her father for that.

Agad na naligo siya pag kadating sa kwarto niya. Nag babad siya sa bath tub. Ni relax niya ang isip habang nakahiga sa bath tub.

Madalas ay ayaw niya ang mag isa. Kung ano ano kasi ang naiisip niya.

Iniiwasan man niya ay tila isang bangungot na lagi niyang naiisip ang mga nangyari sa kaniya dati. Nung hindi pa ganito ang buhay niya.

Nung mga panahon na nasa hacienda pa siya.

Hindi siya nakalimot kahit anong pilit niyang kalimutan ang lahat.

At ang pinaka masakit na alaala ay ang alaala ni Mattia.

Sa tuwing naaalala niya ito ay may kirot pa din siyang nararamdaman sa puso niya.

Hindi niya alam kung mawawala pa iyong sakit o baka hindi na. Maisip pa lang niya na habang buhay na siyang ganun ay sobrang nalulungkot na siya.

Sana isang araw ay makalimutan na niya si Mattia. Nang sa ganoon ay hindi na siya nasasaktan.

Dapat lang na kalimutan na niya ito dahil malamang ay kasal na ito kay Jewel.

At tanging sa alaala na lang niya babalikan ang damdamin niya para kay Mattia.

 With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon