Nag tungo si Mattia sa bukid. Babalik daw ito doon bago mag tanghali para sabay daw silang kumain.
Inabala na lang niya ang sarili sa pag linis ng mga kwarto.
Tapos na niyang linisin ang mga guest room kaya ang kwarto naman ni Mattia ang lilinisin niya.
Nag vacuum lang sya nang sahig. Maayos naman ang kwarto at halos kakalinis lang niya doon.
Nakita niya na naka kalat ang ilang mga papel sa ibabaw ng office table ni Mattia. Pinagsamasama niya ang mga papel at inipit niya ng paper weight. Ang mga ball pen ay inilagay niya sa drawer ng mesa.
Isasarado na sana niya ang drawer nang may makita siya sa loob ng drawer. Isang nakataob na picture frame. Na curious siya kaya kinuha niya iyon.
Nang ibaliktad niya yun ay natigilan siya.
Ang nasa picture ay si Mattia. Siguro nasa early twenties ito dun.
Ngunit hindi ito nag iisa sa picture, dahil may kasama itong isang babae na hindi nalalayo ang edad dito.
Baka ito na si....
Dahil sa pag katulala ay nabitawan niya ang picture frame. Napaigtad siya nang nabasag ang salamin nun.
Dinampot niya picture sa Ilalim ng nabasag na salamin.
Wala sa sarili na itinaob niya ang picture.
Dearest Matt,
I'm giving this to you as a reminder that what ever happens, I will always be here for you. I love you, Matt.
Love, Jewel
Pakiramdam niya ay may dumagok sa dibdib niya. Sobrang sakit niyon. Agad na nanlabo ang paningin niya sa mga luhang nag uunahang malaglag sa kanyang mga mata.
So ito pala si Jewel. Napaka ganda nga nito. At ito lang naman ang tunay na minamahal ni Mattia.
Muli niyang pinagmasdan ang picture. Nakayakap si Jewel sa balikat ng nakatalikod na si Mattia. Parehas na nakangiti ang dalawa.
Hindi na niya kaya pang tingnan ang picture. Agad na niya iyong binalik sa drawer at nilinis ang mga nabasag na salamin.
Pag katapos ay nagkulong na siya sa guestroom na ginamit niya. Umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa makatulog siya.
Alas dos na nang magising siya.
Dumating kaya si Mattia kaninang tanghalian?
Maya maya ay nakarinig siya nang katok sa front door ng bahay.
Dalidali siyang bumaba upang tingnan kung sino yun.
Pag bukas niya ay si Luis ang nabungaran niya.
"Luis...kanina ka pa ba kumakatok?"
Nakangiting napakamot sa batok si Luis. May dala itong mga paper bag ng mga sikat na designer na damit.
"Medyo. Nakadalawang balik na nga ako."
"Naku, pasensya na ha. Nakatulog kasi ako." Ang nahihiya niyang sabi.
"Ok lang may ipinag utos din naman si Sir Mattia sakin malapit dito kaya bumalik na lang ako."
"Ah..."
"Eto o, ipinabibigay ni Sir, ibigay ko daw sayo." Iniabot sa kaniya ni Luis ang mga paper bag. " Pinapasabi din niya na baka gabihin daw siya nang uwi."
"B-bakit daw kaya?" Ngayon lang nangyari na hindi naka uwi si Mattia nang tanghalian. Kung hindi man ito makauwi ay ito mismo ang tumatawag sa kaniya.
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...