Gustong itanong ni Krem kay Mattia kung babalik pa siya sa mansiyon ngunit nahihiya siyang magtanong dito.
Oo at gusto niyang nasa tabi lagi ni Mattia. Ngunit baka nagtataka na si Ma'am Cecil at sina Manang Mercy kung bakit hangggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik sa mansiyon.
Ayaw niya na mag isip ang mga ito nang kung ano sa kaniya.
Nasa entertainment room ulit sila at nanonood nang movie. Tagalog movie naman ang pinapanood nila.
Unofficially yours na pinagbidahan ni John Loyd Cruz at Angel Locsin. Siya ang pumili nun at pinagbigyan naman siya nit Mattia.
Yakap siya ulit ni Mattia habang nakasandal siya sa dibdib nito.
" Bukas isasama kita kila Nanang Pilar. Birthday nang isa nilang anak, si Jun. Iniimbita nila tayo."
Natigilan siya sa sinabi nito.
Alam kaya nang mga taga hacienda na nandoon siya ngayon sa bahay ni Mattia?
"Bilin na bilin ni Nanang Pilar na isama kita. Para maka langhap ka naman ng sariwang hangin."
"Sariwa din naman ang hangin dito ah."
Mahinang tumawa si Mattia. At tila musika yun sa tainga niya. Simula nang magka palagayan sila ni Mattia, madalas na itong ngumingiti at tumatawa. Hindi lang niya sigurado kung ganoon din ito sa iba.
Minsan kasi ay tahimik pa din ito. Hinahayaan lang naman niya ito dahil kahit papaano ay nasasanay na siya sa pagiging tahimik nito.
"I know. Ang ibig kong sabihin. Ibang tanawin. Hindi ka ba naiinip dito?"
Natigilan siya sa sinabi nito.
"H-hindi naman." Nakaramdam siya nang tampo dito. Bakit parang gusto siya nitong umalis siya nang bahay? Ayaw na ba nito na manatili siya doon?
" Ayaw mo na ba na nandito ako? P-pwede naman na bumalik na ako sa mansiyon." Tila nahirapan siyang lumunok sa sinabi. Nangilid ang mga luha niya sa mata.
Buti na lang at nakatalikod siya dito.
"Wait, saan naman nanggaling yan?" Nahimigan niya ang pagtataka sa boses nito.
"Wala naman." Ayun at halatang halata naman sa boses niya na nag tatampo siya.
Bigla na lang siyang ipinihit ni Mattia paharap dito.
" I never said na ayaw ko nang nandito ka. Why would I even think about that?"
Hindi naman siya naka imik. Bakit nga ba siya nag tatampo dito? Wala naman itong sinabing ayaw na nito na nandoon siya sa bahay nito. In fact, lagi nga ito sa tabi niya kapag nandoon lang ito sa bahay.
" Isasama kita sa handaan para makalabas ka naman. Kasi ayoko na naiinip ka dito." At tila natigilan ito. Nakita niya sa mga mata nito ang kakaibang damdamin na nakita niya nung inakala nito nag balik na siya sa mansiyon.
Napakunot noo naman siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Kung tama siya nanghinala ay baka mahalikan niya ito.
" Baka...b-baka naiinip ka na dito..kaya baka maisipan mong umalis na."
Napa awang naman ang bibig niya.
Hindi niya mapaniwalaan na ito, si Mattia Dellatorre ay natatakot na iwan niya ito.
Tila may bumara sa lalamunan niya.
Bago pa siya nakapag isip ay hinalikan niya ito nang mariin sa mga labi.
Naghahabol sila nang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
BINABASA MO ANG
With You (COMPLETE)
RomanceIlag agad si Krem sa anak nang amo niya na si Mattia. Ito na yata ang pinaka misteryosong lalaki na nakilala niya. Pero sa pag daan ng mga araw, nalaman niya na ok naman pala ito. Mabait, maasikaso, at malambing... Teka...ugali pa ba yun nang isang...