Part Seven

4 3 0
                                    

"Are you okay Nez? Namumutla ka ata?" nagalalang tanong ni Nigel sa akin. Hahawakan na sana niya ako pero agad akong tumayo.

"Hm, Nige. Uwi na ako ha? Si Shasha pag nakita mo paki sabi sa kaniya na nauna na ako, may kailangan kasi akong gagawin. Bye."

Dalidali akong naglakad papalayo sa kaniya, nakita ko pang mag sasalita pa siya pero hindi ko na siya binigyan ng pansin basta nalang akong naglakad.

Walang nakapagpigil sa akin, mabilis akong nakauwi at nakapasok ng silid namin at nilock pa ito. Agad akong dumiretso sa kama at binuksan ang notes. Katulad parin ng sulatang papel.

"I know you can ignore me but still I'm watching you. Time comes you will be my partner. Me and you are destined. If you change your mind just go the place I first said and get it. No worries I'm not your enemy but they are.

See you my friend,

Sandra.

God, I'm lost of my mind. I don't know what to do.

Sino ba kasi ang Sandra nato?

Wala akong mapagtanongan o Mapagsabihan man lang.

Pumunta ako sa munting veranda namin, nilibot ko ng tingin ang paligid, rinig ko parin ang tugtogan nila sa kabila. Our board are in the other side of our school kaya naman hindi ako nahihirapang maglakad papunta dito. Boundary lang ang agwat.

May anino akong napansin sa ilalim ng puno, pinilit kong aninagan kung sino, Dumapa pa ako para hindi ako makita at para narin makasiguro.

Isang babae na nakatayo sa may gilid ng kahoy para itong nakikipagtalo sa kung sino. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, yung nerd. Siya yong nerd, tumatakbo habang umiiyak. Nang mahinto sa di kalayoan, pinunasan niya ang mukha niya at ngimiti.

Kunot noo ko siyang tinitigan. May something talaga sa babaeng to. I don't even know her name. Nagsitayuan naman ang buhok ko sa katawan ng marinig ko ang tawag niya. Dinig na dinig ng dalawang tainga ko at mga mata ko kung paano siya tumawa ng napalakas.

"WANSASEMERI INTASAEYAHH! HA HA HA!!"

"WANSASEMERI INTASAEYAHH! HA HA HA!!"

"WANSASEMERI INTASAEYAHH! HA HA HA!!"

"WANSASEMERI INTASAEYAHH! HA HA HA!!"

Gusto kong tumakbo at magtago pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Naiiyak na ako sa takot, bakit?

Bakit?

May ganito?!

"Neza! Neza! Gising!!!"

Nagising ako sa pagaalog ni Mika sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ang paligid.

"Nanaginip ka, heto inomin mo." Gusto kung tanggapin ang inalok ni Mika sa akin pero sa huli umiling lang ako.

Tumayo ako at tinignan ang buong silid.

"What time is it?"

" eleven thirty nez, why you ask?"

"Nothing."

May sinasabi pa si Mika pero hindi ko na ito pinansin. Lutang ang isip ko. Lahat lutang. Lahat hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala sa panaginip ko. Why am I dreaming that girl?

I am now sitting on the sofa, staring the TV without open it.

I need something to do.

Hindi ako papayag na makukulong lang dito habang buhay.

Sandra's NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon