Part Seventeen

4 1 0
                                        

Third person P.O.V

"Bilisan niyo ang kukupad niyong kumilos!"

Galit na galit na utos ni Reina sa mga tauhan na nagdadala kay Neza.

Si Neza na walang malay.

Naglalakad sila papuntang kweba kung saan gagawin na ang dapat gawin kay Neza.

"Magsisimula na ang ritwal mama. Makakaalis na tayo sa lugar nato!"

Masayang sabi ni Reina sa ina na si Dean Fera. Wala namang pakialam ang ina niya at nagsasalita lang ito sa isang tabi. Pinaniniwalaan ni Reina at iba pa na sinumpa ang ina niya dahil sa ginawa ng mga kaibigan niya dito.

Samantalang walang kamalay-malay si Neza sa mga nangyayari sa paligid niya dahil pinainom siya ng pampatulog.

Mahabang gabi at walang pakialam sa oras. Yan ang mga taong ang iniisip ay kalayaan na kasakiman!

"Maghihintay tayo sa isang babaylan?!"

Galit na galit na namang sabi ni Reina kay Shasha.

"Biglaan din naman kasi Reina! Alam mo naman ang matanda"

"Kahit na! Nakakagigil kayo! Kayong lahat! Mga walang naiambag! Puntahan niyo ang babaylan, gayon din!"

Sigaw niyang utos sa mga alipores niya.

Pabalik-balik ang lakad ni Reina. Hindi siya mapalagay. Nafrufruste na siya. Lahat ay nakahanda na! Lahat ay handa ng makaalis sa lugar na ito.

"Wheres lyn?"

Biglang tanong niya kay Shasha.

"I don't know. Kanina ko pa siya hinahanap. I can't find her."

"Bullshit ang bipolar nayon!"

Maya-maya pa ay may lumapit kay Reina. Nanlaki ang mata at galit na galit.

"BAKIT SILA NAKA TAKAS! HANAPIN NIYO SILA! AT PASLANGIN WALANG MGA SILBI! HANAPIN NIYO! HANAPIN NGAYON NA!"

Nanggigil na sabi ni Reina.

"Reina, can you please be calm."

Jacient said.

"Shut up Jacient!"

Jacient rolled his eyes at naupo narin kagaya ni Shasha. Habang si Shasha naman titig na titig kay Jacient. Matagal nang may pagnanasa si Shasha kay Jacient pero hindi siya nito mapansin kahit anong akit ang gawin niya sa lalaki.

"Oh ano? Excited ka naba Ms. Collins?"

Natatawang tanong ni Reina kay Neza na ngayon ay gising na. Hindi umimik si Neza tinitigan niya lang si Reina sa harapan. Tinignan niya ang mga tao sa likod kung nasaan naroon sina Shasha at Jacient. Ngumiti ng pait si Neza at Umiiling.

"Wala kang masabi right? Just because it's true! Lahat ay totoo! Inaamin mo narin na totoo lahat ang mga sinasabi ko! At tinatanggap mo na iyon ng buong puso! At kahit anong gawin mo Neza Collins wala ka nang magagawa dahil mamamatay kana! Mamamatay kang walang alam! Mamamatay kang hindi mo alam kung paano ka nakapasok sa lugar na ito! Mamamatay ka dahil sa pakialamira ka! Mamamatay ka kasi bobo ko! Mamamatay ka kasi walang magliligtas sayo! Mamamatay ka kasi walang tutulong sayo! Mamamatay ka dahil sa kagagawan ng sarili mong ina! Mamamatay ka kasi walang nagmamahal sayo! Mamamatay kang hindi nila alam!"

Galit na galit siya at nangigigil na patayin si Neza. Habang si Neza deritso lang ang tingin sa kaniya.

Mayamaya lang dumating na ang babaylan. Nabuhayan ng loob si Reina at iba pa.

Sandra's NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon