Jacient P.O.V
Unang kita ko palang sa kaniya ay na gustohan ko na siya.
"What do you need?"
Naalala ko pa ang unang tagpo namin. Nagulat pa siya ng tignan ako. Suot niya ang uniporme ng school. Bagay na bagay.
"I need the Manual"
Hindi ko alam pero gustong-gusto ko siyang inisin sa time na iyon.
Hanggang sa dumating ang panahon at naging kami. Nagkarelasyon na ako pero hindi ko mapigilan ang saya at kilig na ipinaramdam niya sa akin. Masaya ako at Kompleto na ang araw ko pagnakikita ko siya. Kahit malayo siya at hindi niya ako makita, ayos na sa akin yon! Basta makita ko lang siya buo na ang araw ko. Maganda siya lahat sa paningin ko. Perpekto. Yan ang masasabi ko sa kaniya.
Pero nong sumapit ang gabi. Gumuho ang mundo ko ng sabihin niya ang mga katagang "I'm breaking up with you." Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi ako makapagsalita. Parang sinaksak ng mga kutsilyo ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi ako makagalaw. Namanhid lahat ang katawan ko. Gusto kong umiyak at sumigaw para pigilan siya pero ni isa non wala akong nagawa kundi ang nanatiling nakatingin lang sa kaniya papalayo.
At ngayon, para akong binuhosan ng napakaraming yelo sa nasaksihan. Ang babaeng kauna-unahang nagparamdam sa akin ng saya. Ang babaeng kauna-unahan akong nasaktan at sinaktan ko. Ang babaeng kauna-unahan kong minahal ng tunay ay unti-unting bumabagsak sa lupa habang dugoan ang kaliwang dibdib.
"NEZY!"
Huling tawag ko sa babaeng minsan ko naring inibig sa maling oras.
Nigel P.O.V
Unang pasok pa lang nang klase noon nang makita ko si Neza. Nakabunned ang mataas niyang buhok, Walang emosyon ang mukha, Mataray at higit sa lahat snob. Akalain mo yon ang tulad ko hindi niya pinansin. Tss.
Pero hindi parin akosumuko sa kaniya. Oo gusto ko siya. Crush ko siya kahit hindi niya ako napapansin, hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kaniya. Nag paka-mabuti akong estudyante kahit mabuti naman talaga ako. Nagsulat ako ng mga notes, at nakinig sa instructor para sa kaniya.
Hindi pa nga ako makapaniwala na nagkatabi kami nong may announcement sa gymnasium. Hindi ko maiwasang magtanong at kulitin siya. Gustong-gusto ko makita ang mga mata niya at ang pagtawa niya.
Pero isang araw naging matamlay ako non, niyaya pa nga niya akong kumain ng Cafeteria kasama nong Shasha na sipsip sa kaniya. Matamlay ako non dahil aksidente ko silang narinig at nakita sa opisina ni president Jacient non. Masaya sila at alam ko na agad ang ibig sabihin non.
Pero hindi parin ako nawalan nang pagasa. Isang gabi nakipaghiwalay siya kay Jacient. Masaya ako sa nalaman. Wala na sila. Nagdiwang ang mga puso ko non. Parang gusto kong magpalechon at ibigay sa kanila dahil sa saya.
Pumasok ako sa isang tagong lugar, nagpanggap bilang isa sa mga myembro ng gang murder. Nakaitim at balot ang mukha ko. Pero nagtataka ako at pinigilan ang sariling hindi matawa ng tinitigan niya ako. Embis na maawa ako. Natatawa ako sa kaniya. Napakatapang niya at magaling kumilatis ng tao.
Ngunit,
Halos gumuho ang mundo ko nang makita siyang bumagsak sa lupa. Dugoan. Agad akong nagmamadaling lumapit sa kaniya. Hindi. Hindi. Hindi maaari ang babaeng mahal ko ay mawala. Binaril. Binaril siya ng demonyo!
"NEZA!"
THIRD PERSON P.O.V
Lahat ay nagulat at umiiyak kasabay ng napakalakas na ulan na hanggang ngayon ay hindi pa tumitila.
BINABASA MO ANG
Sandra's Notes
Mystery / ThrillerA school is full of mystery and suspension. You've only trust yourself not in anybody, if you will, your in danger. Nobody helps you instead yourself can help you.