Tinignan ko ang pintoan wala ito kanina. Nararamdaman ko si Sandra ay nandito lang. Nang nakatalikod ako kanina agad niya itong dinikit sa may pinto. Bumuntong hininga ako at tinignan ulit ang mga litrato.
Nabaling ang tingin ko sa isang guhit. Isang babaeng naka uniporme, parang principal ng school. Mataba ito at masungit ang mukha.
By: The saviors ladies. Ang nakasulat sa baba ng isang drawing.
Bakit may ganito sila?
I know sila mama ang gumuhit nito, but why? at sino ang babaeng ito.
Nilibot ko ang tingin sa kabuoan. Siguro ito yung tambayan nila ng hindi pa ito maabandona.
Nanatili pa ako nang matagal don. Nag-iisip at naghihintay sa wala. Nang mapansin ko ang oras alas dose ng taghali na ay tumayo na ako at naglakad pauwi.
Naglalakad ako sa daanan papasok ng board namin ng biglang may humablot at dinala ako sa isang pribadong lugar. Kinabahan ako don pero ng mapagtanto kung sino ay napanatag ako.
"Jacy"
"Where have you been?"
"W-wala naglalakad lang diyan.. nakakainip kasi sa kwarto walang magawa."
"Come with me."
"T-teka wait.. where the hell you taking me-" hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niya ako hawakan sa kamay at naglakad sa kung saan. Tahimik lang naming binabagtas ang daan habang hawak niya ang kamay ko.
Huminto kami sa isang pintoan, nilibot ko pa ang paningin ng mapagtantong board pala ito ng mga lalaki.
"Pasok." Utos nito sa akin. Tinignan ko siya at inirapan. Kung makapag utos parang hindi ako girlfriend.
Nang makapasok ay sumunod naman siya sa akin at nilock ang pinto.
"Why are you bring me here?"
Panimula ko sa kaniya habang nakapameywang sa harap niya.
"I miss you" tanging sabi nito sa akin at lumapit at yumakap sa akin ng napakahigpit.
Kung makasalita ng ganito e wala namang pakealam sa akin sa tuwing nagkikita o nagtatagpo sa school. Pero kahit ganon ginantihan ko parin siya ng niyakap.
"Kumain kana ba?" tanong ko dito habang yakap ko parin siya.
Umiling siya.
"Ikaw?" Agad siyang tumingin sa akin.
Umiling naman ako.
"Nice timing, kakain tayong dalawa." Nakangiting sabi nito sa akin.
"Saan?"
"Dito. I'll cook you mahal, anong gusto kainin ng mahal kong flirt?" Sabi pa nito sa akin sabay pisil ng ilong ko.
"Ikaw."
Pinamulahan naman siya sa sinabi ko, ang green minded naman ng isang to.
"I mean, ikaw anong gusto mo kung ano yung gusto mo ganon narin ang akin."
"Ah haha.. "
Pinanliitan ko siya ng tingin at tinawanan.
"Ang halay mo namang mag-isip, Isang Presidente ng ECC Academy may tinatago pa lang kahalayan haha"
He glared me and pout.
"Mag luto ka na nga. Yung masarap kasing sarap mo." Biro ko pang sabi dito.
"tch."
Tanging sabi nito at tumalikod na papuntang kusina niya.
I look around, his room is for one only. Sana all. Di tulad nong samin simple lang, itong sa kaniya ay napaka high class. Sumunod ako sa kaniya sa kusina nagsisimula na nga siyang magluto. Ngumiti ako sa kaniya ganon din siya sa akin. Nakita ko pa siyang nagluto ng kanin sa rice cooker.
BINABASA MO ANG
Sandra's Notes
Mistério / SuspenseA school is full of mystery and suspension. You've only trust yourself not in anybody, if you will, your in danger. Nobody helps you instead yourself can help you.