Part Fifteen

2 1 0
                                    

Another day, another revelation.

I am now here in the ground, kagaya nong una nagjojogging ako. Tumakbo ako ng tumakbo. Deritso lang ang tingin ko hanggang sa mapagod napaupo ako sa dati kong inopuan. Kinuha ko ang earpod ko sa aking tenga.

"Nez!"

Nagulat pa ako sa pagtawag sa akin. Naparatayo ako bigla at humarap sa kaniya. Pawisan din siya katulad ko.

"Nigel!"

Tawag ko rin sa kaniya. Sumilay ay magandang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Kanina pa kita kinakausap at sunod ng sunod sayo kaso hindi mo ko napansin."

Napa 'O' ang mga labi ko at pinakita sa kaniya earpod ko.

"Kaya pala..."

Natatawang sabi niya.

"Bakit? Anong atin?" Tanong ko sa kaniya habang nagpupunas ng pawis leeg ko.

"W-wala lang. Actually nong una pa kita napansin dito. Narinig ko kasing may sinisipolan sa board namin at nong tumingin ako dito ikaw nga. Nahiya pa ako non kasi maraming nakatingin sayo non. Pero ngayon heto kinakapalan ang mukha."

Ngising sabi nito sa akin. Umiiling lang ako sa kaniya at kinuha ang tubig para uminom. Naramdaman kong tinitigan niya ako kaya pagkatapos tumangga ng tubig.

"Tubig, gusto mo nige?"

Sabi ko sa kaniya sabay lahad ng tubig sa harap niya at walang alinlangan niya itong inabot at ininom ito.

"S-Salamat nez."

Tumango lang ako sa kaniya at bahagyang ningitian.

"Saan ka na ngayon niyan? Tirik na yong araw pag mag jogging ka pa."

"Hm. uuwi narin ikaw ba?"

"ewan. Wala din kasi akong magawa sa loob ng kwarto namin gusto kong mag basketball pero sarado naman yong court."

Marami pa kaming pinagusapan kahit ano hanggang sa parehas na kaming nagdesisyong umuwi sa kaniya-kaniya naming kwarto, hinatid niya pa ako kahit magkaharap lang naman ang building namin. Alam kong may gustong sabihin si Nigel sa akin pero ayoko muna mag assume baka bandang huli matulad na naman ako nong una.

-

Pagpatak na alas singko ay lumabas na ako ng kwarto ganoon din si Mika. Dumiretso ako sa dulo ng building at nakita ko doon si Annalyn. Nakatingin sa kalangitan. Nang mapansin niya akong nasa likod niya ay hinarap niya ako at nakangiti.

"Walang buwan Nez. Ibig sabihin wala si Lyn ngayon. Tuloy ang plano."

Nakangiti ko siyang tinanguan.

-

Naglalakad ako ngayon sa oval ng school, nakapamulsa pa ako't tumitingin sa paligid. Inaasahan kong pumunta siya dito hindi nga ako nagkamali naglalakad siya papunta sa akin. Nakangiti at ganon din ako sa kaniya.

"Bakit andito ka? Alas sais na Neza alam mo namang delikado." Nagalalang salubong na tanong niya akin. Pinakita ko sa kaniya ang dating ekpresyon ng mukha ko at nagsalita.

"Hindi yon. Kasama naman kita. Ayaw mo yon parang sa kasal, 'till death do us part." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ikaw talaga andami mong alam, may pasulat-sulat ka pang nalalaman.."

"I miss you"

Bigla kong sabi sa kaniya. Agad naman siyang pinamulahan ng mukha. Kagaya ng dati.

"I miss you too" sagot niya. Nabigla pa ako ng bigla niya akong niyakap.

Kung hindi ko siguro nalaman ang lahat, maniniwala siguro akong mahal niya ako o gusto. Isa lang masasabi ko napakagaling niyang magtago at mag acting.

Sandra's NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon