Part Fourteen

1 1 0
                                    

Nakalabas ako ng ligtas mula sa sikretong pintoan. Maingat ako sa bawat hakbang. Alas onse na akong nakapasok sa room namin. Sinalubong pa ako ni Mika na nagalala.

"Where have you been nez? Halos mahimatay nako sayo sa pagalala."

Humarap ako sa kaniya. Agad ding hinawakan ang magkabilang balikat ko at inaalog. Kitang-kita ko ang pagka-frustrate niya.

"S-sorry Mika... I'm sorry for worrying you..."

Agad niya akong niyakap nang napaka higpit ginantihan ko naman siya.

"Akala ko.. akala ko nahuli ka nila.. Nez, hindi ko alam ang gagawin pag nangyari yon." Sabi pa niya sa akin habang yakap parin ako.

"It will not happen Mika. Never. Lalo na na alam ko na kung sino ang totoong kalaban natin."

Agad niya akong hinarap at seryosong tinignan.

"Alam ko narin kung sino-sino sila Nez. All those times, pinaikot-ikot lang nila tayo. Now, its our turn to play back at them."

Tumango ako bilang pagsangayon. Halos hindi kami natulog ni Mika dahil sa plano naming gagawin. Pinagusapan namin ang kaniya-kaniya naming nalaman. Ang President at Vice ay magkasabwat yan ang unang sinabi sa akin ni Mika pero ang mas nakapagbigla sa kaniya ay nong sabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Dean Fera, yong nerd na si Annalyn, yong tatlong babaeng sinasabi niya at ang mga babae na nakakulong sa isang tagong lugar. Marami pa kaming pinagusapan ni Mika pero hindi ko pa nabanggit ang tungkol sa notes. Ang Sandra's notes.

Time comes I will tell her lalong-lalo na ang sa amin ni Jacient. Wala na namang saysay kung sasabihin ko pa sa kanya about sa amin ng Jacient na iyon. He betrayed me. He lied me. Lahat-lahat ay kasinungalin ang lahat. I'm not taking to revenge them I'll just prove them they are wrong. Hindi ko gagawin ang ginawa niya sa akin because I know ako naman talaga ang unang lumagay sa alanganin. I put myself into craige.

And now,

Tataposin na namin ang kabaliwan nila.






-





Kinabukasan, pagpatak ng alas dies nang umaga ay ginagawa ko ang kahapon kong ginawa. Napadaan pa si Vice sa akin at ningitian ko siya. Medyo nagalinlangan pa siyang gumanti ng ngiti sa akin. Sinundan ko siya nang tingin ganoon din siya sa akin nang mawala siya sa aking paningin binilisan ko ang pagtakbo.

Hanggang sa mapagod, alam kong nakatingin siya sa akin kanina pa. Alam kong gusto niya akong kausapin, alam ko rin na kailangan niya ng tulong. Kaya naman pigil sarili ko siyang tignan mula sa taas. Tumakbo ako papunta sa dulo ng building ng board namin. Medyo hinihingal pa akong nakaabot non na siyang sakto namang humarap siya sa akin. Nagulat pa siya ng makita ako. Halata ang pagkataranta. Lumapit ako sa kaniya at nagsalita.

"You need help Annalyn?"

Matagal pa siyang humarap sa akin. Nang makita ko ang mukha niya kitang-kita sa mga mata niya na nahihirapan at nagsusumamo.

"I need your h-help Ms. Collins. Please I-I'm begging you."

Isang maldita, palaban, at demonyo ang nakita kong Annalyn kagabi. Ngayon, ang babaeng takot, umiiyak at nanghihingi ng tulong ay kaharap ko na ngayon. Ang totoong Annalyn.

I grabbed her arm pero hindi naman siya umangal. Dinala ko siya sa kwarto namin. Mika is inside too. She knew from the beginning and that was one of our plans.

Agad siyang inalalayan ni Mika, pinaupo niya ito sa maliit na sofa namin. Habang ako tinitigan siya.

"Why you need our help?"

Sandra's NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon