It was saturday, nagiimpake si Kriz ng mga damit na susuotin nya para sa bakasyon nya. Nagulat pa nga sya dahil three months ang ibinigay ng boss nila pero napangisi sya.
Hindi na dapat sya magtaka. Malakas ang kapit ng kaibigan nya sa boss nila.
Pagkatapos nyang mag empake ay saktong tumunong ang phone nya. Nakita nyang tumatawag si Ellie.
"Oh bakit?" Sagot nya
[Excited ka na no? Mamayang gabi na flight mo yieeeee!]
"Syempre, hulog ka talaga ng langit! Korea din yun no. " Natutuwang sabi ni Kriz sa kaibigan.
[Ako pa ba? Sulitin mo na bakasyon mo. Nahirapan pa akong makiusap kay boss nyan no. ] Natatawang sabi ni Ellie sa kabilang linya.
"Suuus, nahirapan nga ba? Umamin ka na kasi, kayo na no?" Pang aasar nya sa kaibigan.
Natahimik naman si Ellie sa kabilang linya kaya napahalakhak sya.
"Sabi na eh, tama ako no? " Pangaasar pa nya lalo.
[H-heh! Sasabihin ko din naman sayo no, kaso pagbalik mo na sana. Pero napansin mo na pala.. ganon na ba kami ka obvious? ] nahihiyang tanong ni Ellie sa kabilang linya.
"Di pa naman. Ako palang siguro. " Sagot ni Kriz.
Natawa naman si Ellie. [Akala ko obvious na masyado eh. Sayang acting skills ko pag nabuko kami parehas. Sya sige na. Magpahinga ka muna ngayon bago ka umalis. Mamayang gabi na flight mo. Naipagbook na kita ng hotel pero ikaw magbabayad non ah?! Wala akong pera. Yung ticket lang nakayanan ko HAHAHAHA enjoy your vacation! ]
"Oo na sige na, ibababa ko na to. Maliligo pa ako. " Sabi ni Kriz pagkatapos ay ibinaba na nya ang tawag.
Hindi nya alam kung ano ang una nyang mararamdaman nang malaman nyang sa SoKor sya magbabakasyon.
Sino bang hindi matutuwa non kung mapupuntahan mo na ang pangarap mong puntahan diba?
Feeling nya naka move on na sya agad dahil sa tuwang naramdaman nya.
---
Ramdam ni Kriz ang lamig pag tapak na pagtapak nya sa labas ng airport. Nakasuot sya ng makapal na jacket pero ramdam parin nya ang lamig. Ber months na din kasi kaya nagsisimula na ang taglamig sa Korea.
"Korea.. " bulong nya nang bumungad sa harap nya ang mga nagtataasang building na may mga nakasulat hango sa korean alphabeth.
Sumakay sya ng taxi at sinabi ang pangalan ng hotel na tutuluyan nya.
Umaga na nang makarating sya sa korea at halos wala pa syang tulog dahil sa excitement kaya balak nyang magpahinga nalang muna bago sya maglibot libot since three months naman syang nasa bansang to.
Pagka check in nya ay iginiya sya sa hotel room nya. Hindi nya mapigilang mamangha dahil maganda ang kwarto nya. Halalatang pinaghandaan ni Ellie ang magiging kwarto nya dahil ang ilan sa mga gamit ay personal favorites nya.
Agad syang nahiga sa malambot na higaan at nagisip kung ano ang mga gagawin nya para maging productive ang stay nya sa Korea.
"Punta kaya akong Jeju? Hehe angsaya pala magbakasyon. Sana dati ko pa ginawa. "
Buong araw nag isip si Kriz ng itinerary nya at seryosong naghanap ng mga lugar kung saan sya pwedeng pumunta.
Laking pasalamat nalang nya dahil libre ang internet sa hotel kaya nakapagsearch sya ng mga sikat na tourist destinations.
" Grabe, angdami nito. Mapuntahan ko kaya to lahat sa loob ng three months?" Sabi ni Kriz habang kinakausap ang sarili nya. Binubuklat nya ang three pages na isinulat nyang gusto nyang gawin at puntahan.
"Sigurado kung kasama ko si Denz ngayon puro pagkain ang nakalagay sa itinera-----" napatigil sya sa pagsasalita nang marealize nya kung anong kababalaghan ang pinagsasasabi nya.
"Ha! Bakit ko ba naisip ang lalaking yon? " Napakagat sya ng labi at pumikit. Pinipilit nyang magisip ng masasayang bagay kesa maisip ang ex nyang stone golem.
"Hindi na ako iiyak para sa lalaking yon. Hindi ko dapat sayangin ang luha ko para sa kanya. Tama Kriz! Ganyan nga! Mas madaming oppa dito kaya makaka move on ka agad! " Pangungumbinsi nya sa sarili.
Nag ayos si Kriz ng sarili at napagpasyahang tumambay sa rooftop kung saan nandon ang bar lounge. Desidido syang madivert ang atensyon nya sa iba kesa magmukmok sya sa hotel room nya.
Pagdating nya sa rooftop ay napangiti sya dahil napaka warm and cozy ng dating. Naupo sya sa may table malapit sa glasswall kung saan kita ang buong Seoul. Natanaw pa nya ang Han river na balak nyang puntahan kinabukasan.
"Do you have any order miss? " Tanong ng isang waiter ng dumaan ito sa table nya.
Nagorder lang sya ng isang lady's drink at isang medyo hard na alak, sinamahan na din nya ng ilang pagkain dahil medyo gutom na sya. Wala syang balak malasing on her first day sa Korea.
"Sana pala kumain muna ako bago pumunta dito. Mukhang may masasarap na resto din sa baba. "
Pagkadating ng mga alak na inorder nya ay nanood lang sya ng mga tao na nagsasayawan sa gitna ng ng dance floor habang masayang nagtatawanan.
Mabagal nyang iniinom ang alak na nasa baso nya at ineenjoy ang paligid.
Hindi katulad sa pinas, mukhang mas matino ang mga taong nandito.
Biglang tumunog ang phone ni Kriz kaya tinignan nya yon. May chat si Ellie sa kanya.
"Sooooo, kumusta ang Korea? May mga wafu ba?"
Napailing nalang sya habang nakangiti.
"Oo grabe bes! Angdami! Nandito ako sa bar ngayon HAHAHA" pangiinggit nya dito.
"Whaaaaa gusto ko makita! Pic nga daliiii"
"Nakakahiya kaya! HAHAHA titigan mo nalang si boss, koreano din naman yan. Gwapo pa. " Sabi ni Kriz sa kaibigan. Totoo naman kasi ang sinasabi nya. Naka jackpot ang kaibigan nya ng Koreanong mayaman at mukhang Kdrama actor.
"Oo nga no? Sige latur nalang. Titigan ko muna boss natin HAHAHA enjoooy! "
Natatawa syang ibinalik ang phone sa purse nya.
Lumingon lingon ulit sya sa paligid. Madami ngang gwapo. Sa Pilipinas kasi puro matatanda at matabang koreano lang ang naliligaw sa kanila. Pero syempre exception ang jowa ni Ellie dahil sinalo na ata non ang sandamakmak na kagwapuhan. Haynako.
Tumayo si Kriz para magpunta sa restroom kaso pagtayong pagtayo nya ay may nakabungguan sya at worst ay natapunan sya ng wine sa damit nya.
"Miss! I'm sorry okay ka lang? " Tanong ng lalaking nakabanggaan nya.
Pinunasan nya ang damit nya at nginitian ang nakabanggaan nya. Hindi naman sya mag eeskandalo dahil lang sa natapunan sya no.
Pero napakunot ang noo nya nang mapansin na pamilyar ang itsura ng lalaki
"Miss? " Tawag ulit ng lalaki sa kanya.
"Kim.. Namjoon?"
"You know me?"
Sya yon.. yung lalaking nakabangga din sa kanya noon.
Naalala nya ang calling card na binigay nito.
Kim Namjoon
CEO of 3K's CorporationFor appointment, please call
0×××××××Sya yung lalaking nagbigay ng calling card na naka base ang number sa Korea. Kaya kahit gusto nyang tawagan ito at hingian ng pampagamot dahil tatlong araw nanakit ang balakang nya, ay hindi nya magawa.
BINABASA MO ANG
Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]
Fanfiction"you said love is messed up.. if i prove you wrong, can you just waste it on me? " - KNJ