Chapter 11

4 0 0
                                        





Nagising ako sa marahang tapik sa pisnge ko.


"Kriz gising na, nandito na tayo. "


Nang marinig ko ang boses ni Namjoon agad akong bumalikwas ng upo at tumingin sa paligid. Kaming dalawa nalang ang nandito sa loob habang nasa labas naman ang iba na mukhang hinihintay kami.

Tumingin ako kay Namjoon at alanganing ngumiti "sorry nakatulog pala ako. " Sabi ko.

Nag unat naman sya saka ngumiti. "Tara na? "

Tumango naman ako, nauna syang bumaba saka ako inalalayan.



Paniguradong nangalay ang balikat nya dahil sa pag unan ko. Masahihin ko nalang yon mamaya para makabawi ako hehe.


"Ayown! Makakapag ski na tayo! " Sigaw ni Taehyung nang makita kaming pababa ng sasakyan.

"Sa wakas gumising ka din, iiwan na sana namin kayo. " Inip na sabi ni Ellie.


"Chill eto na nga gising na diba? " nguso ko.


Napatingin naman ang ibang tao sa gawi nya dahil don.




"Pagkatapos nito mags-sauna tayo ah? " Paninigurado ni Jungkook. Inakbayan sya ni Jimin, pero dahil mas matangkad si Jungkook sa kanya hindi nya magawa kaya hinawakan nalang nya ang balikat nito.


"Syempre naman! Hindi pwedeng mawala yon. " Sabi ni Jimin.



"Bilisan na natin para makapag pahinga na tayo. " Sabi ni Yoongi na nangunguna sa paglalakad.



Nginusuan naman si ni Hoseok. "Ikaw puro ka pahinga, kanina sa sasakyan tulog ka din. "



Nginisihan lang sya ni Yoongi "swaeg men~ "



Natawa nalang kami ni Namjoon sa kanila saka sumunod ng lakad.



Maya maya pa, nakarating na kami sa Villa na nirentahan nina Namjoon.



Expected ko na yon pero nagulat parin ako sa laki ng Villa na pags-stay-an namin. Ang ganda pa ng interior tapos merong chimney. Gawa din sa kahoy halos lahat ng building.





Feel na feel ko ang christmas dito waaaah, isama pa na mas makapal ang snow dito kesa sa city.





"Kung pwede lang dito nalang tayo tumira eh. " Bulong ni Ellie sa tabi ko.




"Trully, parang ayoko na umalis dito. Ang ganda ng ambiance. " Bulong ko pabalik.




"Anong pinagbubulungan nyong dalawa jan? Tara na Ellie~ ayusin na natin gamit natin. " Singit ni Taehyung sabay puppy eyes kay Ellie, kumapit pa sya sa kamay ni Ellie at nai sway ng pabalik balik.




Ngumisi naman si Ellie at walang paalam na lumayas sa harapan ko kasama jowa nya. Hayuf iwan daw ba ako mag isa.




Dumiretcho nalang ako sa sala dahil tinatamad pa ako mag ayos ng gamit ko.


Umupo ako sa sofa at tinitigan ang fireplace sa harapan ko.


"Nagugutom ka ba?" Nagulat ako nang maupo si Namjoon sa lapit ko.


Sasagot palang ako nang biglang tumunog ang tiyan ko.



Alanganin naman akong ngumiti at humawak sa tiyan ko bago tumango.


Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon