Chapter 1

9 0 0
                                        


"Miss, magsasara na kami. Umuwi ka na sa inyo "

Nagising si Kriz sa yugyog ng matandang babae na may-ari ng resto bar na tinambayan nya.

Gulat namang napabalikwas si Kriz at napatingin sa relo. "Hala! "

Napatingin sya sa babae at humingi ng paumanhin bago nagtatakbo palabas ng resto bar.

"Badtrip naman oh! Bakit ba kasi uminom pa ako kagabi! " Inis na sabi nya sa sarili sabay silip ulit sa relo nya.

Napafacepalm nalamang sya dahil late na sya sa trabaho nya.

Dinukot nya ang cellphone sa bag nya habang naglalakad papunta sa sakayan ng taxi pauwi sa condo nya.

Nakita nyang madaming missed calls at text ang bestfriend nyang si Ellie, Halatang nag a-alala ito nang hindi sya macontact kagabi.

Agad nya itong tinawagan.

[Kriz! Myghad! Kagabi pa ako tawag ng tawag! Nasan ka? Okay ka lang ba?! Bakit hindi mo sinagot yung mga tawag ko?! At isa pa, late ka na!]

Napakamot ng ulo si Kriz "chill okay? Sorry na, alam mo naman na madami akong iniisip kagabi. By the way, pauwi palang ako. Nakatulog ako sa bar na pinuntahan ko kagabi. Baka bukas na ako pumasok, masama ang pakiramdam ko dahil sa hangover. "

[Okay, ako na bahala magsabi sa boss natin na mags-sick leave ka today.. pero ano ulit sinabi mo? sa bar ka natulog kagabi?! Myghad alam mong madaming ma---]

"Oo na oo na! I have to go! Nandito na yung taxi! Bye!" At dali daling pinatay ni kriz ang tawag sabay buntong hininga.

Sandamakmak na sermon nanaman ang sasabihin ng kaibigan nya dahil sa nangyari.

Maya maya pa ay may pinara syang taxi. Papalapit na sana sya dito nang may lalaking himahangos patakbo sa pwesto nya at hindi na sya nagkaron ng oras para umiwas.

"A-aray! " Kriz

"Sorry miss! Ayos ka lang ba?" Tanong ng lalaki saka sya tinulunga na tumayo.

Napatitig sya dito dahil napaka unique ng itsura ng lalaki, pati na din ang malalalim nitong dimples nang ngumiti ito sa kanya.

" A-ahm.. oo ayos lang. " Sagot nya dito.

" Mabuti naman, sige miss. Mauuna na ako. Nagmamadali kasi talaga ako eh. Here's my card. Tawagan mo nalang ako kung kailangan mo ng tulong or may sumakit sayo. "

Tinanggap naman ni kriz ang card at napalingon sa lalaki pero wala na ito sa pwesto nya. Nakita nyang tumatakbo nanaman ito at halatang may hinahabol na oras.

Napatingin sya sa card na hawak nya.

Kim Namjoon

"Miss! Sasakay ka pa ba?! Umaandar ang metro! " Nagulat si Kriz sa tawag ng taxi driver sa kanya.

"Ay! Opo kuya eto na po! " Dali dali syang sumakay at sinabi ang address ng condo kung saan sya nakatira.

Pagdating sa condo ay agad syang nahiga sa malambot nyang kama at tumitig sa kisame.

Naalala nya ang mga katangahang nagawa nya sa loob ng ilang taon para sa lalaking iniwan lang din pala sya.

Yon ang dahilan kung bakit sya nagpakalunod sa alak kagabi. Iniwan sya ng lalaking mahal nya dahil kulang daw ang pagmamahal nya dito at hindi na kaya ng lalaki na makasama sya dahil wala daw syang tiwala dito..

Mapakla syang natawa sa naisip nya.

" Kulang pa ba yung halos ibigay ko ang buong buhay ko para sayo? Kulang pa ba lahat ng pagintindi ko?" May luhang tumulo mula sa mga mata nya. Hanggang sa magtuloy tuloy iyon.

Napahikbi sya "bakit hindi mo nalang inamin na hindi mo na ako mahal? "

Buong maghapon syang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog.

Nagising si Kriz sa tunog ng doorbell sa condo nya. Napalingon sya sa orasan na nasa bedside table nya at nakita nyang hapon na pala.

Tumunog ulit ang doorbell kaya napilitan syang tumayo.

"Anjan na! " Sagot nya nang magpaulit ulit na tumunog ang doorbell.

"Kriiiiz! " Bungad ng kaibigan nyang si Ellie nang buksan nya ang pinto.

Gulat na napahawak si Kriz sa dibdib nya dahil sa biglang pagsulpot ng babae.

"May dala akong beer saka foods! Nag undertime ako sa work buti pumayag si boss. " Sabi nito at itinaas ang dalang supot na may lamang mga alak at pagkain.

"Anong meron?" Takang tanong ni Kriz.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Ellie at dere-deretchong pumasok sa loob ng condo nya.

"Magtatanong ka pa eh halata jan sa mukha mo kung anong meron ngayon. Iniyakan mo nanaman ang ex mong malakas ang topak. " Pagsusungit ni Ellie pagkapasok nito at ipinatong sa table ang mga dala nya.

Napabuntong hininga si Kriz. Napakamot sya ng ulo saka naglakad papalapit sa lamesa para kumuha ng isang bote ng beer na dala ni Ellie.

Binuksan nya ito at tinungga saka naupo sa may upuan.

"Alam ko na sasabihin mo. Pero promise, ito na ang huling beses na iiyakan ko yon. Pagod na ko. "

Napakrus ng braso si Ellie at tinaasan nanaman sya ng kilay.

"Ilang beses ko na ba narinig yan? Ba't ba naman kasi naging marupok ka pa don eh mukha namang stone golem yon. "

Natawa sya sa sinabi ni Ellie, pagkatapos non ay kinain nila ang dalang pagkain nito at naginuman habang nagk-kwentuhan.

"Mas maganda siguro kung magbakasyon ka muna. Para naman hindi ka mastress. Magsubmit ka nalang ng vacation leave kay boss tapos ako na bahala sa maiiwan mong trabaho. " Sabi ni Ellie nang tahimik silang nakatulala sa kawalan. Nakaupo sila sa lapag habang nakasandal sa higaan. Nakakalat sa harapan nila ang ilang bote at lalagyan ng pagkain.

Hindi pa sila lasing, sadyang mukha lang silang mga baliw pag magkasama.

"Mukha bang kailangan ko na yon?" Natatawang tanong ni Kriz

"Nako bes, hindi lang kailangan no. Kailangang kailangan mo na! Tumingin ka na ba sa salamin? Di mo ata nakita kung ganon ka haggard itsura mo ngayon. You need a break ya know"

"Pagiisipan ko pa. Wala naman akong maisip na mapuntahan eh. "

Ngumisi si Ellie at hindi maitatago ang kilabot ni Kriz sa ngiting yon.

" Ako na bahala don. Basta kailangan mo ng bakasyon ngayon. " Nakangisi paring sabi ni Ellie sa kanya.

"Wala akong tiwala sa mukha mo. Baka mapahamak pa ako. "

" Hindi pwedeng hindi. At isa pa, maganda ang lugar na pupuntahan mo no. "

Ilang pilitan pa ang naganap pero sa huli ay pumayag din si Kriz dahil alam nyang hindi sya mananalo sa kaibigan nya. Saka naisip din nyang siguro tama ngang lumayo muna sya sa stress at mag muni muni mag isa.

Nafacepalm nalang sya nang maalala nyang bago umalis si Ellie sa condo nya ay pinag s-send na sya nito ng vacation leave ngayong gabi para mas mabilis daw ma approve ng boss nila.

Napailing nalang sya. Alam naman nya kasing may namumuong kung ano sa pagitan ng boss nila at ni Ellie kaya sanggang dikit ang dalawa at halatang under kay Ellie ang kanilang boss.

Buong gabing nag gawa ng letter of approval si Kriz at nai-submit nya ito bago pa mag umaga.

Napaunat si Kriz at humikab bago humiga sa higaan nya. Iniisip nya kung sa anong klaseng lugar sya dadalhin ni Ellie.

" Wag naman sana tamaan ng saltik si Ellie sa pagpili ng lugar. " Napabuntong hininga nalang sya at ipinikit ang mata para matulog.

Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon