"Ellie?! " Gulat kong bigkas sa pangalan ni Ellie, medyo napalakas kaya may mga guests na napatingin sa gawi namin. Agad naman akong nagsorry.
"Hehe hi! " Kaway nya sakin habang tumatawa ng alanganin.
Tumingin ako kay Namjoon at agad naman syang tumango, nakuha nya agad ang gusto kong iparating.
Gusto kong makipag usap kay Ellie dahil nabigla talaga ako na nandito ang lukaret na to.
Agad akong lumapit kay Ellie at hinila ang kamay nya.
"Hiramin ko muna to boss " paalam ko sa boss namin. Tinignan nya muna ako ng masama bago tanggalin ang pagkakaakbay nya kay Ellie.
"Bakit kayo nandito? Wala kang sinasabi na pupunta ka dito. " Bulong ko sa kanya. Natawa naman sya ng alanganin.
"Sorna, sosorpresahin sana kita sa hotel room mo eh kaso pupunta ka pala dito. Hihi gwapo ng date mo ah? " Bulong nya din sakin sabay bungisngis.
"Uhm mag kakilala kayo? " Tanong ni Jin samin.
Napatingin naman kami ni Ellie sa kanya.
"Hindi lang basta magkakilala, pati ata likaw ng bituka nyan kilalang kilala ko na. " Sabi ko habang nakatingin kay Ellie na nakangiti habang tumatango tango.
"Bestfriends kami since highschool hehe. " Segunda naman ni Ellie.
Napatango naman si Jin pati si Namjoon na nakikinig pala samin.
"So sya pala yung bestfriend mo na binilhan mo ng cho---asdfghjkl " agad kong tinakpan ang bibig ni Namjoon dahil muntik na nyang masabi ang sinabi ko sa kanya non habang namimili kami ng souvenirs at pasalubong.
Pinandilatan ko sya ng mata.
"Binilhan? Kriiiiz may pasalubong ka sakin?! " Malawak ang ngiti ni Ellie habang nakatingin sakin.
Napabuntong hininga ako.
"Konting souvenirs lang, wag ka nang madaming tanong. Di ko pa yon ibibigay sayo hanggat wala tayo sa pinas. " Sabi ko sa kanya.
Ngumuso naman sya sakin " Damot. " Sabay cross arms.
"Teka, bakit nga pala nandito kayo ni Ellie ha boss? " Tanong ko sa boss namin
"Wag mo nga akong tawaging boss pag nasa labas tayo ng kumpanya. Just call me V--- "
Napatigil sya sa pagsasalita nang maramdaman nyang nakatingin ng masama si Ellie sa kanya.
"Este Taehyung. " sabi nya sabay ngiti kay Ellie saka peace sign.
"Nandito kami kasi birthday ng lolo ni V ngayon. " Sabi ni Ellie sabay lingkis sa braso ni Taehyung. Mukhang gustong gusto naman ng siraulo ang ang ginagawa ni Ellie dahil anglawak ng ngiti, haynako.
Hayaan na nga.
"Wait, birthday ng lolo mo? " Tanong ko kay Taehyung. Tumango naman sya.
"Eh diba lolo nyo may birthday? " Tanong ko kina Jin at Namjoon.
Natawa naman sila.
Inakbayan naman ni Jin si Taehyung " This guy here is my brother. Younger brother to be exact. We're also co owners of 3K Corporation. " Sabi ni Jin.
BINABASA MO ANG
Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]
Fanfiction"you said love is messed up.. if i prove you wrong, can you just waste it on me? " - KNJ