Nagising si Kriz sa liwanag na nagmumula sa bintana, ramdam nya ang pananakit ng buong katawan. Napalingon sya sa paligid, saka lang nya naalala ang nangyari nang gabing yon.
Namula ang mga pisngi nya at napatingin sa kwarto nyang makalat.
Lumingon lingon sya at napansin nyang wala na si Namjoon sa lapit nya. Maski sa buong kwarto ay hindi nya mahagilap ang lalaki.
Mapakla syang natawa at at napapikit ulit.
"Katulad ka lang din pala ng iba. " Mapait nyang sabi.
Matapos makuha ang gusto, bigla nalang mawawala. Napabuntong hininga sya.
Kahit nananakit ang buong katawan ay pinilit nyang tumayo para mag ayos. Nagsuot sya ng bath robe at inayos ang magulong buhok sa harap ng salamin. Kitang kita nya ang namumulang mga marka na iniwan ni Namjoon sa leeg nya.
Inabot nya ang phone na naka patong sa bedside table at nakitang mag a-alastres na pala ng hapon.
Kumulo ang tiyan nya dahil hindi pa sya nagkakaron ng matinong kain mula nang makarating sya.
Lumapit sya sa coffee maker saka nagsalang ng tubig. Pagbukas nya ng drawer para kumuha ng baso ay bumungad sa kanya ang sticky note na naka dikit sa mug.
Hi Kriz, it's me Namjoon. I had to get early dahil may inaasikaso pa ako. Please don't think that i took you for granted because that's not my intention. I plan to see you again after I'm done.
Ps: i bought you a meal, it's in the microwave i borrowed from the kitchen. Initin mo nalang if you wake up late.
-Namjoon
Napahawak si Kriz sa dibdib nya. Parang may nagtatambol sa loob dahil sa lakas ng tibok nito.
Hinanap ni Kriz kung nasaan ang microwave na sinasabi nito. He said it was from the kitchen, ibig sabihin ba ay may ka close itong staff sa kitchen para makahiram nalang basta basta ng gamit doon?
Nakita nyang nakapatong sa ibabaw ng study table ang microwave oven at may pagkain ngang nandon. At meron ding sticky note na nakadikit sa ibabaw nito.
Agad lumapit si Kriz doon at binasa ang nakasulat
I ordered some filipino dish since I'm not sure if you'll like korean dishes. Enjoy :)
Hindi namalayan ni Kriz na nakangiti na pala sya habang iniinit ang pagkain na binili ni Namjoon para sa kanya.
Dahil hapon na sya nagising, napag pasyahan nalang ni Kriz na ipag pabukas ang pag gagala. At naisip nyang baka puntahan sya ni Namjoon tapos matyempuhan na wala sya sa room nya, magkasalisi pa sila.
Naligo at nagligpit si Kriz ng kwarto saka nagisip kung anong magandang gawin pampalipas oras.
Sa huli ay nanood nalang siya ng mga Kdrama sa TV habang nakahiga sa higaan at ngumangata ng chichirya na binili nya sa convenience store sa tapat ng hotel sa labas.
Napatingin si Kriz sa relo nya at napansin na malapit nang mag 10pm ng gabi. Naisip nya ang sinabi ni Namjoon sa sulat na balak nitong puntahan sya pagkatapos nito sa inaasikaso.
"Teka hinihintay ko ba yon? Kriz ano ba? Maniniwala ka talaga sa sulat na yon? " Pag kausap nya sa sarili nya nang marealize na kanina pa nya hinihintay si Namjoon.
"Mukha akong asawa na naghihintay dito para sa wala. Halata namang hindi babalik yon. " Napasimangot sya sa naisip.
Inuuto lang ba sya ni Namjoon?
BINABASA MO ANG
Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]
Hayran Kurgu"you said love is messed up.. if i prove you wrong, can you just waste it on me? " - KNJ
![Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/247436264-64-k790584.jpg)