Kriz's POV
Ilang oras na ang nagdaan nang mag start kami mag ski.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa lagay nina Namjoon.
Pano ba naman kasi mga nagsi-renta ng sled at nagpaunahan sa imaginary finish line nila.
Para silang mga bata na nagtutulakan.
Isa lang masasabi ko sa kanila.
Chaotic.
Lalo na si Taehyung at Jungkook. Jusko puro kalokohan yung dalawa.
"Hindi ko alam kung dapat na ba natin sabihin na hindi natin sila kilala o ano? " Natatawang sabi ni Ellie sa tabi ko habang umiinom ng hot chocolate.
"Sinabi mo pa, kahit si Namjoon hindi ko maimagine na sya pasimuno sa kalokohan. " Sabi ko habang nakatanaw sa pito na masayang naglalaro sa snow.
Mga napagod na pags-ski kaya pinupuntirya naman ang snow ngayon hay nako.
Nagkwentuhan lang kami ni Ellie habang pinapanood yung pito. Medyo sumama ang pakiramdam ko kanina nung nag ski ako kaya nagstay nalang ako dito kalapit ni Ellie.
Kakalabas ko lang din naman kasi ng ospital kahapon kaya baka nabigla ang katawan ko.
"Kriz, matanong lang kita. Umamin na sayo si Namjoon diba? Sa tingin mo ba mabibigyan mo sya ng chance? " Tanong ni Ellie sakin.
Natigilan ako sa tanong ni Ellie, dahil maski ako ganon din ang tanong ko sa sarili ko.
Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam Ellie, sa ngayon kasi nalilito pa ako at hindi makapag isip ng maayos, baka pag binigyan ko ng sagot si Namjoon ngayon masaktan ko lang sya. " Sagot ko.
"Sabagay, kakagaling mo lang naman sa break up kaya naiintindihan kita. Mahirap yung sitwasyon mo ngayon pero may tiwala naman ako kay Namjoon na kaya ka nyang hintayin hanggang sa maghilom ang sugat mo na binigay ng walang kwenta mong ex sayo. "
Ngumiti ako "sana sa oras na magdesisyon ako, mapipili ko kung ano yung tama, na parehas kaming maging masaya maging kami man o hindi. "
"May nararamdaman ka na din naman para kay Namjoon diba? Siguradong hindi naman mahirap mahalin yon lalo na lagi kayong magkasama. "
"Hindi ako sigurado kung sapat na yung nararamdaman ko para masabi kong gusto ko sya, sisiguraduhin ko muna bago ako mag assume. Mahirap makasakit Ellie, kaya hanggat maaari, ayokong masaktan ko si Namjoon. "
Sya naman ang bumuntong hininga ngayon.
"I know, if kailangan mo ng kausap nandito lang ako, lalo na at ganyan ang sitwasyon mo. Good luck. "Sabi nya. Saka sya ngumuso paunahan na parang may tinuturo.
"Nandiyan na prinsipe mo. "
Napatingin naman ako at nakita ko si Namjoon na naglalakad papalapit samin.
BINABASA MO ANG
Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]
Fanfiction"you said love is messed up.. if i prove you wrong, can you just waste it on me? " - KNJ