Chapter 8

4 0 0
                                        



"Kriiiiz~ "



Napailing nalang ako sa ingay ni Ellie habang nasa lobby kami ng hotel, kakacheck out lang naming lahat.



Yung enery ni Ellie akala mo walang pinag paguran kagabi eh.




"Ingay mo, kagabi ka pa. " Asar ko sa kanya, namula naman sya at umismid sakin bago kumapit kay Taehyung.



"Hey" napatingin ako sa likuran ko at nakita ko sa Namjoon na nakangiti sakin.





"Hi! Goodmorning " bati ko sa kanya sabay ngiti.





May lumingkis sa braso ko



"Hi Namjoon! Morning! Jowa ka ni Kriz? " Ellie.



Kung may iniinom lang ako baka naibuga ko na kay Namjoon ang iniinom ko dahil sa tanong ni Ellie.



Halatang nagulat din si Namjoon saka awkward na tumawa.



Kinurot ko sa tagiliran si Ellie bago hinatak.




"Wait lang Namjoon ah? Kausapin ko lang, wag mo naintindihin yung itinanong nito, may sayad lang talaga hehe. " Sabi ko sabay hatak kay Ellie papunta sa may gilid habang naguusap usap ang barkada nina Namjoon.




"Ow! Bakit ba? Mukha kasi kayong magjowa kagabi nung dumating kayo. Ikaw ah! Wala kang kinekwento sakin " sabi nya.




"Nagkataon lang nukaba? Hindi kami magjowa, utak mo puro jowa eh. "




Tinignan nya lang ako na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.





Eh totoo naman diba? Di ko naman jowa si Namjoon. Saka nandito ako para magmove on, hindi magjowa.




" Wala pa akong planong magjowa no, kaya nga ako nandito para makalimot diba? " Paliwanag ko sa kanya kasi hindi talaga maniniwala ang gaga hanggat wala akong pinapaliwanag sa kanya.





Napatango sya "sabagay may point ka, pero pwede naman diba? Jowain mo para makalimot ka hehe. "


Pwede ko ba tong batukan? Bespren ko naman eh.




"Ayoko syang gawing rebound okay? " Sabi ko sabay buntong hininga, saka ako tumingin kina Namjoon na nagtatawanan sa may lobby habang nakaupo sa sofa.




Kulang nalang may magsaboy ng flower petals eh, mukha silang mga prinsipe potek bakit ganon? Ang unfair?




Pelepens baka naman.





"Pero ang wafu ni Namjoon ah? Basta lahing Kim talaga eh. " Sabi ni Ellie habang umiiling iling.





"Nga pala! Nag aaya mag clubbing si Hoseok mamaya. Alam kong wala kang damit na isusuot kaya gala tayo mamaya. Hanap tayo ng bagay sayo. "




Napataas ako ng kilay, clubbing? Simula nang makapunta ako dito hindi ko naisip na mag club.




Pero wala namang masama diba?




"Sige, saan pala kayo nags-stay ni boss? " tanong ko sa kanya.




Ngumiti naman si Ellie "dun din sa hotel na pinags-stay-an mo. Chef si Jin don kaya masarap ang fuds hehe. "





Waste It On Me ( BTS - RM FF) [ON-HOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon