( Adrian's P.O.V )
LJ HOUSE
Nasa labas ako ngayon ng bahay ni Noona, pinagmamasdan sya sa kanyang ginagawa, napapangiti ako sa twing makikita ko syang masaya at sa lahat ng babae na nakilala ko sya lang ang kilala ko na napakasipag na, mapagmahal pa, hindi lang sa kanyang Ina, gayon din sa kanyang mga kaibigan.
Ngayon papalabas na sya, siguro papasok na sya ng iskwelahan, habang sinusubay bayan ko sya at tinignan ko kung saan sya nag aaral, napangiti uli ako, kasi malapit pala iyon sa iskwelahan ko kung saan ako nagtransfer, sa iskwelahan na kung saan makakasama ko uli ang Lightning Blues, ang nasira kung grupo at samahan.
Kamusta nadin kaya sila? Sana napatawad nila ako lalo na nila toot*, James at Rex.
Dahil sa oras nadin ng Pasok ko, dumiretso na ako ng St. Martin University, pumasok ako sa mga subject ko.
-----
_recess time_
Habang kumakain may familiar akung nakita at dahil sa saya na makita muli sya, agad ko syang nilapitan at...
"Annyeong haseyo?" Sabi ko. (Annyeong haseyo means Hello)
"Adrian Oppa? Is that you?" Sabi nya at kitang kita ang gulat sa kanyang mga mata.
Dahil sa gwapo ako, kaya siguro ganyan makareak ngayon si Dongsaeng. Hahaha!
Kaya naman pinakita ko ang signature ko, ang killer smile.
"Did you miss me Dongsaeng?" Sabi ko at Inakbayan ko sya.
( Dongsaeng means Little Sister/Brother )"Nope!" Agad nyang sagot.
Ouch naman! Kala ko pa naman mahal nya ako kaso, wala na ata eh! Kaya naman umakto ako na para bang nasaktan at para effective, may pahawak hawak pa ako sa aking dibdib.
Tignan nalang natin kung hindi ito effective, kasi sa ganito kung paraan...
_flashback_
Tanda na tanda ko, nagdradrama lang naman ako noon, Kaso may kasamang iyak pa ako, sa hindi ko inaasahan makikilala ko sya at yun ay si Yani, nung mga panahon na iyon nakikipaghiwalay ako at kunwari Masakit sa akin na mikipaghiwalay sa playgirl ko noon, pero isa lang iyon sa pagpapanggap ko dahil sawa na ako sa pinaglaruan kung babae na iyon, para hindi ako magmukha na womanizer sa kanya, gumawa ako ng dramatic scene, ang scene na naging daan para makilala sya.
Hindi na sa akin mahirap ang mag drama dahil sa anak lang naman ako ng mga artista, at dahil anak ako ng artista syempre hindi na mapagkakaila kung saan ako nagmana.
Tanda ko din mula mabuwag ang grupo dun na akong tinawag na Drama King.
_end of flashback_
"Dongsaeng naman, parang wala naman tayo pinagsamahan!" Sabi ko at kinindatan sya.
"Alam mo kung lolokohin mo lang uli ako, pwede ba umalis kana sa landas ko, GET LOST!" Gigil nyang sabi at inirapan ako.
YOU ARE READING
My Childhood Sweetheart
RastgeleSa pagsusulat ko nito, isa lang ang bukod tanging nasa isip ko at yun ang lalaking pinanghuhugutan ko ng inspirasyon. Kung saan man sya naroroon, sana mabasa nya ito at mabatid nya na sya ang tinutukoy ko dito.