20

2.5K 75 43
                                        

   Gabi na ako natapos, tinapos ko pa kasi ang publication paper ko sa school paper. Palapit na rin kasi ang intramurals naming mga senior high school, s'yempre pag narinig ang strand na STEM sasabihin na ego-centered, ayaw magpatalo, ayaw magpalamang. Pero di ko rin masisi ang ibang strand kasi mostly ng opportunities ay nasa STEM lalo na yung DOST-SEI scholar na mostly STEM ang nakakapasa.

''Manuel una na ako ha, patayin mo nalang yung electric fan, paglalabas kana,'' ani ni Ate Angeline.

Tumango ako tiningnan ang aking relo. It is past 8'clock na pala, paktay ang paalam ko lang kay mama ay 6PM ang end ng class. Di na rin ako naka update dahil death batt na ang phone.

Napakamot ako sa ulo ko, tawagan ko sana si Baltazar, kaso baka nakauwi na 'yon, practice nila ng Basketball eh, ewan ko ba sa loko, di ko naman nakita nag babasketball 'yon bakit s'ya sasali, siguro para sa plus grade, nyeow.

Inayos ko na ang backpack ko, nilagay ko yung mga important paper works sa song book ko, I mean nabudol kasi ako nong sa shoppe na A4 clearbook, nasanay na rin ako sa asar nilang song book, kasi parang song book talaga hanep.

Matapos non, kinuha ko ang pulbo, tissue, at nivea na lip serum ko, mag-aayos ako kahit paano, ginulo ko lang bahagya ang buhok ko, sabay tap ng tissue then lagay pulbo, lagay ng lip serum. putcha, ang pogi ko talaga.

Dumiretso na ako sa switch ng electric fan at in-off 'yon. Saktong paglabas ko naamoy ko na ang pabango, kilalang kilala ko. Solid, amoy fuck boy sya, ako amoy lokong natuyuan na ng pawis dahil sa aircon.

''Tagal mo naman lumabas, oh--- fuck ampogi natin ha, kissable lips ha,'' saad ni Baltazar sa akin, nakasandal to sa may pintuan ng school press room namin, nakasuot pa ito ng jersey pero mukhang nag shower sya roon sa gymnasium, ambango eh.

''Gago ka! Sobrang gabi na oh, ano pa ginagawa mo rito?'' ani ko, lokong lalaki amputcha.Ngumiti ito sa akin,  ''s'yempre hinihintay ka, di ba obvious, antalino mo na sana eh, kaso walang common sense.''

''Sapakin kita dyan eh! Akala nakikipagbiruan eh noh.'' sabi ko.

Pumustora ang loko, ''dito mo ko sapakin di ako papalag.'' aniya turo sa pinakanakakahiyang bagay na nakita ko sakanya, inakala ko pa na multo s'ya for fuck sake.

''Ayos nga pre, tara na mag gabi na oh,'' saad ko. Baka mga quarter ng 9PM pa ako maka uwi nito.

''Gusto ko mag potatoe corner eh, wanna come with me? Treat ko..'' aya niya sa kung saan.Ang totoo kasi n'yan hindi ko naman alam yang potatoe corner eh.

''Ano yang potatoe corner, bago lang sa tenga ko eh,'' kamot ulo kong saad.

Tumawa ito. ''sumama ka nalang ako na bahala, mayroon dito sa labasan lang.''

Wala na ako nagawa nang hatakin nito ang braso ko palabas ng building. Lakas talaga ng lokong to.

Nakarating kami sa potatoe corner na sinasabi nya, pucha french fries pala ito pero mukhang bongga dahil maraming flavors, nang tingnan ko ang presyo. Napakamot ako sa ulo yung maliit 60 pesos na, eh kung bumili sya doon sa naglalako nasa plastic, mas marami pa ata ang bente eh.

Nakakaawa tuloy ang sakto kong pera para sa pamasahe, nyemas.

''Ahhh.. busog pa pala ako, ikaw nalang bumili.'' ani ko sa nahihiyang tono.

"Pumili kana ng Terra, treat ko na ngani.." aniya.

Tatanggi pa sana ako nang marinig kong kumulo ang tiyan ko, wrong timing naman eh! Nakngputcha naman oh. Maliit akong ngumiti sakanya. Andito na ang grasya bakit pa ba ako tatanggi.

Si Baltazar na ang umorder, dalawang terra yon, tatlong flavor pala ng fries. BBQ, sour and cream at sweet corn ang pinili ko.

"Sir may additional po na ten pesos for sweet corn," saad ng tindera. Lala naman oh, ako nalang ililibre tapos may pa extra pa ako.

"Palitan ko nalang po miss--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng takpan ni Baltazar ang bibig ko.

"Here." aniya sabay abot ng kulang na ten pesos. Classic cheese, sweet and sour at BBQ ang flavor ng kanya.

Di naman naging matagal ang order, mga five minutes lang 'yon. Kainis din to si Baltazar anlakas ng tama, onti nalang sasapakin ko na to eh.

"Sir BBQ po? Oo BBQ yan," biro niya. Hindi naman nakakatawa.

Tumingin ako sa relo ko. "7:03 sinumpong ng sakit niya. Uminom po kayo ng gamot nyo mamaya ha. Mahirap po malipasan ng gamot, lumalala ang sakit," ani ko kaya nagsalubong ang dalawang kilay niya.

Lumalabas tuloy pagka espanyol ng loko, alam ko may lahi to eh, nasabi niya sa introduce yourself. Basta sa western country, di ko lang sure kung pranses o espanyol. Di naman kasi ako nagbibigay pake dati, ngayon lang...

Ngayon lang.

Dumating ang order. Malaki nga ang terra. Kumuha ako ng isang piraso. Putcha! Ang sarap ng lasa, kuhang-kuha ang spot ng lalamunan ko. Napangiti tuloy ako sa loko at nagpasalamat, pinisil naman nito ang braso ko bilang balik.

"Tara na? Sabay na kita. Para aware naman si tita na ako kasama mo," saad niya sabay salpak ng fries sa bunganga.

"Sino ba naman ako para tumanggi diba? Panigurado mag mala lip sync na ako ni mama pag-uwi eh."

"Di yan. Ako kasama mo eh, daan na rin tayo sa malapit na drive thru, bili tayo bucket ng chicken para sa ulam niyo."

"Taragis ka. Nakakahiya, sobra na tong fries. Okay na ako."

"Bakit sinabi ko ba kasama ka sa bibilhan ko haha?" biro niya.

Sinapak ko ang dibdib niya ng mahina. "Ah ganoon? Akala mo nakakatuwa ka pre?"

Kainis na kumag toh. 

"Correction poging kumag." aniya sabay mahinang hatak sa akin, kung nasaan naka park ang sasakyan niya. Siguro pag na bored siya mag side hustle siya sa move it noh.

Natatawa nalang ako sa iniisip ko. Tinototoo nga ng gago ang sinabi niyang bucket. Dalawang bucket para kayla mama, papa at kuya. Tapos isang solo bucket sa akin.

"Ha okay na kami sa isang bucket. Ikaw baka di kapa kumakain, akala ko para sayo to."

"Okay lang. Makita lang kita busog, busog na ako." hirit ng loko. Sinungitan ko ito at binabalik yung bucket. Lala naman baka mamatay to sa gutom.

"Tama na nga, sobrang genuine mo naman." ani ko.

Tumawa siya. "favorite mo ang chicken diba? sa'yo na nga 'yan. Akala mo di naki buraot ng manok sa classroom kanina, tsk." saad niya.

Napatameme ako saglit. Naalala niya pala yung kanina, nagburaot kasi ako ng pagkain sa klase, eh cravings ko manok. Potek kahiya.

"Silence means yes, oh sayo na 'yan, ingat ka sa pag-uwi ha. Dito nalang kita ipara ha, baka pag chismisan nanaman tayo ng mga mosang mo na kapitbahay," aniya. Bubuksan niya na sana ang seatbelt ko nang tumigil siya.

"P'wede buksan mo na hehe," saad ko. Hindi naman kasi ako marunong magbukas ng seatbelt. Lumapit lalo si Baltazar sa akin. Tangina, hindi ako makahinga. Kitang-kita ko facial feautures niya. Matangos na ilong, pantay na mata bilugan ito, kulay hazel. Makapal na kilay at may nunal siya sa gilid ng taenga. "Bal...."

"Hmmmm.. Manuel?" aniya sa malanding tono. Ang susunod na nalaman ko nalang.. dahil sobrang lapit namin.

Tangina. Naudlot.

Nakakadismaya naman putangina. Biglang kinatok ang kotche ni Baltazar nang kung sino, nakakaharang daw sa daan. "Why so grumpy, mr tampurorot? Do u expect something huh?" ngising saad ng loko. Binuksan ang seatbelt ko.

Batchelor Series #1: The ArchitectureMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon