18

2.3K 88 20
                                        


"Congrats. Manuel, sabi ko na panalo kayo roon eh," saad ni Ange. Narito ako ngayon sa school publication. Inaasar pa nga ako ng mga kasamahan ko rito.

"Wag kayo d'yan kay Manuel, mhie at dhie tawagan nyan nila ni Baltazar pag walang camera, sus." kantyaw ni Jerick. Binigyan ko naman sya ng masamang tingin, akala nakakatawa ampota.

"Ano ba kasi ginagawa nyo sa loob ng kotse nya boss," natatawang sali ni Jel. Naknang pati 'yon naalala nila sa live broadcast. I'm doomed talaga.

Napatigil lang ang chismisan namin ng dumating na ang pet peeve ng lahat, yung bagong transferee na si Mei Anne, galing to sa Manila, ang chika lumipat 'daw to kasi may nabiling lupa rito sa Pasig. Tumigil ang babae sa harap namin, eksakto kung saan ako naka squat, gumagawa kasi kami design para sa paparating na Valentines day.

"You're Manuel right? Can I ask sa number ni Baltazar Lopez, I wanna ask him kasi sana maka-date sya sa Valentines," saad niya. Ipit pa ang boses parang uwak na kinikilig ampota.

Hindi ako nakasagot agad, si Ange ang sumagot. "Ay nako Mei Anne, kung ako sayo wag na yong Lopez na 'yon ilap yon sa lahat, tsaka di mo ba nabasa sa live broadcast na di na raw single 'yon." saad ng editor in chief namin.

Namilog ang bola ni Mei Anne at maarteng sumagot. "Why asawa nga naagaw, yon pa kaya. Tsaka hellow? I'm rich and pretty kaya for sure if mahirap man yung nililigawan n'ya, ma drained sya coz he always provided, if ako we dont do 50/50, magkanya-kanya kami ever. Tsaka hindi naman ikaw eic ang inask ko, I'm asking Manuel."

"Di kasi binibigay ni Baltazar number n'ya eh." saad ko. Well totoo naman 'yon kasi as far I know ako lang at si mama ang nasa contacts n'ya. Kaya kung sakali man ibigay ko rito kay Mei Anne edi ako ang nalagot doon.

"Sige na, Manuel please. Promise last na 'to. I won't bother you na, also I'll treat you nalang after namin mag-date please. Crush na crush ko talaga sya then mind to tell you, pareho kami ng school noong kinder, kaya don't worry to him na." pangungulit pa ng babae.

"Mei Anne consent is still must, kahit may number si Manuel ng so called crush mo, he can't just disseminate it, kasi ang accountability is still to Manuel, gets mo ba?" sali ni Jel sa amin, rindi na sa babae. Naging pet peeve talaga nila to kasi masyadong bossy. Nung una di ko na pinapansin kasi di naman ako ang subject n'ya, pero ngayon sarap nya upakan, ang kulit.

"Blah, blah. Hindi naman ikaw ang kausap ko here, bakit ka nagbibigay ng ideya mo, Jel." saad niya na parang may hinahanap, sakto nakita nito ang cellphone ko, di naman ako mahilig maglagay ng password kaya mabilis nya itong nabuksan at nakita ang contacts ni Baltazar, she took a picture of it and dali-dali lumabas.

"Tanginang babae 'yon ha, di ba sya nag-aral sa Manila ng right conducts, wag ka mag-aalala Manuel, ako bahala kung may ginawang kagagahan 'yan, hinihintay ko nalang talaga ang letter para mapatalsik yang babaita na 'yan, wala kasi nasali sa slot n'ya kaya tiis-tiis muna," ani ni Angge. Tumango nalamang ako.

"Pabayaan n'yo na 'yon, tsaka mamaya ko na aasikasuhin, tapusin muna natin tong designs, para matapal na natin sa ibaba mamaya," sambit ko. Kung nagtataka kayo bakit walang ginagawa si Mei Anne sya kasi ang nag provide ng pagkain, pero parang nakakawalang gana kainin.

Mga alas-tres na ng hapon kami natapos kaka-design sa ibaba. Mabusisi talaga kami sa mga ganitong event, nakakahiya naman kung school publication kayo tapos mema lang ang design diba, kumbaga kami ang standard.

Naisipan ko muna magpaalam sa mga kasamahan ko para bumili ng meryenda sa ibaba. Ngunit papalabas palang ako nakita ko na ang bulto ni Baltazar sa main gate ng school namin. Naka cross ang mga kilay nito at di mapinta ang mukha. Mukhang ibang meryenda ang kakainin ko nito ha.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon