22

2.1K 72 16
                                        

      He's acting weird. Naknang pati yung kaibigan nila Ed at John nadamay sa kalokohan ng kumag na 'yon. Mabuti nalang talaga at may parents-teacher meeting mamayang ala-una, kaya mahaba-haba sana oras namin mag catch up nila Ed at John eh, kaso may panira.

Ang isip bata naknang.

Malapit lang naman ang parking area, bahagyang gilid lang ng school namin, kaya wala pang limang minuto nakarating na ako. Nakita ko agad ang sasakyan ng loko, ang walang hiya bumusina pa.

Edi lalong kumulo ang dugo ko, nag-init ata lahat ng blood vessels ko hanggang mapunta lahat sa ulo.

"Ano bang trip mo ha?!" inis kong singhal sa rear mirror ng kotche n'ya.

Pag-alis nito nakita ko parang mugto ang mga mata pero bakas pa rin ang magkasalubong niyang kilay. "So you reject my proposal at dunkin for that guy hmmm.." may bahid na tampo sa tinig niya.

Ang gulo naman ng kumag na 'to wala pa kami label pero dapat sakanya lahat masusunod.

Di ako umimik, namalayan ko nalag rumolyo ang mata ko dahil sa inis ko. "Alam mo nandadamay ka ng sibilyan eh, wala naman sayo ginawang masama yung tao, kakatapos lang non kumain, paano kung masuka niya." agap ko.

"So... kinakampihan mo siya over me? Eh ako naman ang una nag-aya with you. Ano Manuel, mas masarap ba chicken joy niya?" aniya sa tonong galit.

Anak ng tilapia oh. Natatawa ako, naalala ko yung sa tiktok parang ganito yung scenario namin eh. Yung puwet ko o puwet ng waitress. Potcha.

"Kailangan ba talaga mamili? Eh parang same branch lang kayo bumibili." biro ko para mas lalo siyang mainis. Rage baited ka boi.

"Sabihan ko ang manager ng jollibee roon na i-ban yong lalaki na 'yon," aniya.


Kaya napamewang ako. "Wag nga tayo rito sa labas mag-usap diyan tayo sa loob ng kotche mo, baka may maka rinig."


"Mabuti nga at marinig nila na kinakampihan mo 'yon tsaka mas pinili mo kainin yung chicken joy na binili niya kaysa sa dunkin na offer ko." saad niya bakas pa rin ang tampo.


"Pagbuksan mo ako, ayusin natin. Libre ako right now, chinat ko EIC namin may sumalo ng i-cover ko na article. Tsaka hindi ko na kailangang mamili lahat ng galing sa'yo tatanggapin ko, kaya huwag kana magtampo, para kang bata." pagpapakalma ko rito.


Saksi ang dalawang mata ko sa pagbuo ng ngiti sa labi ni Baltazar, namumula pa ang dalawang taenga ng loko parang kamatis. "Sus bolero. Pero tinanggap mo."


Nang makapasok ako. Umupo ako sa gilid niya. "Ganito 'yon sponty na ayaan kasi 'yon remember Edcel at John yung pinakilala kong mga friend ko, kaibigan nila yung Matthew. Okay I'm sorry if di ko nasabi sa'yo, nagulat din ako, may new friend sila, sasabihin ko naman sana kaya nag online ako eh... kaso ikaw naman pinahirapan mo yung loko. Nilibre na nga kami non eh."


"I can pay triple on that. Don't worry at him, he's good. Walang palampa-lampa dapat sa binubuo kong basketball team," saad niya. Ayan bumalik na ang Baltazar na kilala ko.


"So okay na tayo? Hindi kana nagtatampo or nagseselos?" saad ko.


"Hindi naman ako nagseselos or nagtatampo. Ang concern ko lang kasi rito yung pangako mo. Hindi pa tayo goods noh," aniya.


Pigil ang pagtawa ko. Ayaw pa aminin hindi naselos pero grabe kung tumawag at tono kanina parang kakainin ako ng buhay pag di ako pumunta ng parking area.


"Okay sabi mo eh. Sorry ulit."


Tumango siya, nakita ko parang may galos ang pisngi nito parang may scratch. Saan naman nakuha ng lalaking to ang galos na 'yan. Lumapit ako sisilipin ko lang sana 'yon nang lumingon din si Baltazar sa pwesto ko.


Batchelor Series #1: The ArchitectureMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon