''Magandang Buhay, Pilipinas. Narito na ang huling round sa ating Billionaire Quiz Bee, lahat ng ating weekly winners ay magsama-sama, para sungkitin ang ating jackpot prize, handaaa na ba kayo?'' ani ng commentator sa palaro.
Samu't-sari na ang nararamdaman ko. 'Yong katabi ko naman composed at relax lang, how to be you po noh? Hahaha.
Kabuuang fifteen contestant kami sa laro, tatlong winner sa loob ng limang week. Tumingin ako sa gilid, kitang-kita ko ang hiyawan ng mga kaklase ko at ng adviser namin, binigyan kasi ng alloted location sa studio ang mga viewers ng winner, priority kumbaga.
May dala pang head dress ang mga kaklase namin ni Baltazar, mukha namin ang nakalagay. Nag thumbs-up naman ako bilang tugon, "Okay Manuel, hingang malalim. Enhale, exhale."
The game begin. Sampung set of question ang nasa tally board, every question may anonymous points na ranging sa multiplication of five, highest ang fifty, lowest ang five. Kumbaga, pataasan ng points na makukuha sa ten question.
Kahit manlang mag podium finish kami, sayang din effort ng adviser and class namin. The pressure, naknang!
"Kinakabahan ako..." lintanya ko kay Baltazar.
Tinapik niya ang likuran ko at masuyong hinimas ang hibla ng buhok ko. "We're far enough na. All you need to do is relax, compose and enjoy the game."
Tumango ako, hudyat na ang pag buzzer ng commentator, simula na ang game. Umarko sa numerong lima ang dulo noong spin the wheel.
''Our first question today is.... Which city is located on two continents at the same time, divided by the Bosporous Strait? Ten seconds to answer contestant. Go!"
Naknang... di ko to na-aral eh, pero kung bosporous strait... turkey to since divided by asia and europe. Pero di ko alam kung anong city.
''Times up! Show your answers."
Nilingon ko si Baltazar, nasa kanya kasi ang board namin. Ayaw ko rin kasi baka pangunahan ako ng kaba at ma mental block ako, kaya siya na ang pinahawak ko ng board. Lahat ng contestant ay may sagot, mostly turkey ang sagot nila, pero ang sabi kasi sa question city daw eh.
Tiningnan ko ang sagot namin, istanbul 'yon. Di ako familiar sa mga city dahil mga bansa ang na-aral ko.
"Sure ka ba sa sagot mo?'' tanong ko kay Baltazar. Kumindat ito sa akin, yung nangangasar.. ''kaya siguro walang pumapasok sa utak mo, kasi ako ang iniisip mo.." asar niya. Nagsungit ang mga kilay ko. Nakakainis pagiging mahangin nitong gago na 'to.
"Sus asa ka! Di ko lang na familiarize ang mga city."
Sasagot pa sana ako nang mag-flash sa screen ang sagot, tama si Baltazar, Istanbul ang sagot at ang corresponding point non is twenty points.
Nakita ko ang pagbuo ng isang nakakaasar na ngiti nito sa akin sabay hand gestures ng one point at flying kiss. Kabadingan ampota. Di ata aware 'to na nasa public game show kami at nanood ang klase.
The game continue. Pinaikot uli ang spin the wheel at tumapat sa numerong seven. "Para sa ating ikalawang question, going twice, going thrice ang kaba ng ating contestants. What is the only country in the world that lies entirely within another country? Ten seconds to answer."
"You must know the answer on this, ikaw ang nakatoka rito, Manuel." aniya.
"Anak ng pucha akala mo naman sa akin masasagot ko agad 'yan."
Tatlong segundo para sumagot contestant, saad ng commentator. Padabog kong kinuha kay Baltazar ang board at madaling sinulat ang Vatican City, since nasa loob ito ng Italy.
